#23

106 3 0
                                    

Chapter 23

Dexter's POV

"Sh*t! Huy! Hinimatay si Cindy! Pa'no na 'yan!" narinig kong sabi ni Keyso.

"Eh. Ano pa? Buhatin nyo! Dadalhin natin sa bahay nila. Hindi nya pa pwedeng malaman ang TOTOO." sabi ko sa kanila at binuhat nila si Cindy at sinakay sa van.

"Dexter! Kailangang malaman na 'to ni tita amanda!" sabi ni jishon.

Alam ko kailangan na namin 'tong sabihin sa kanila pero 'di ko kaya. Hindi ko hahayaang malaman ni Cindy ang totoo ng wala pa sa oras. Dahil alam ko na kamumuhian nya kami sa oras na malaman nya ang mga pinag gagawa namin maprotektahan lang sya. At ayoko rin syang mapahamak dahil kapag sukdulan ang galit nya ay hindi na nya nakikilala ang mga nakapaligid sa kanya.

"No. Hindi pa ito ang tamang oras. Sa tingin ko kaya pa naman nating masolusyunan 'to."

"What? Are you out of your mind? Paano kung mapahamak sya? Anong gagawin natin?"  jayson.

Sa totoo lang,hindi ko rin alam ang gagawin . nakapaligid na sila samin. Alam kong mas marami sila samin pero alam kong kaya namin silang labanan kung yun lang rin ang pag iisipan.

Dee's POV

"Hello."

["Black! Nakapalibot na sila sa'tin! May nakapasok na isang espiya sa loob ng school, at natitiyak kong ito ang nagturo sa mga kalaban."]

"Yeah, i know.. At alam ko na rin kung sino ang tinutukoy mong espiya. "

["Huh? Paano?"]

"Basta. Kayo na muna ang bahala sa kanila. Madali lang yang talunin. Dahil alam kong hindi agad agad sila magpapadala ng malalakas na alagad. And, nagtawag na sila ng back up. Madali na yan. Bye."

Alam ko naman na talaga kung sino ung espiya na 'yun. Hindi lang talaga ako makahanap ng tyempo na hulihin sya sa akto.

"Hoy! Ikaw! Tumigil ka!" oh diba? Gotcha,nahuli din kita.

Possesive BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon