CHAPTER 17

38 10 0
                                    

HIS SIDE

Nandito kami lahat sa soccer field, doing our excersice routine every before practice



"1... 2... 3..." si coach amg nagbilang. Maaga pa ngayon and its now 6:30


Friday kasi and every friday we have an early practice in the morning

"Stand up!" Sigaw ni coach kaya tumayo na rin kami. Agad naman akong pumunta sa tabi ni coach upang maganunsiyo


"Listen! I will now announce that the game will start at the first week of september, and I want your full attention, cooperation, and determination at that exact date. Most importantly the freshmens!" Balimg ko sa mga bago "I can count on you! Understand!"



"Yes captain!" Sabay nilang sigaw


Pagkatapos nun ay nagpito na si coach para magsimula sa insayo



Nasa kay Gab ang bola kaya panay ang habol namin sakaniya

He was known as the fastest runner in our team, kaya nahihirapan kaming pantayan ang bilis niya, gayunpaman saludo ko na ang kilos niya


Kunh totoosin eh dapat sana sasali siya sa track and field pero amg sabi naman ng gago"gusto ko kayong makasama!" Bakla lang ano


"Oy Morris! Saluhin mo!" Sigaw niya sa kakampi at tinira ang bola patungo kay Morris





Pagkalapit sa bola ni Morris ay agad niya ito tinira pero imbes sa goal ay malayo ito napadpad dulot sa lakas ng kaniyang pagtira




Huminto naman si Gab at tinignan ang bola na papalayo "Oy! Ayos ah!" Nakangiti saad niya

Lumapit naman si Morris sa amin

"Pasensiya" pagpapaumanhin niya at hinawakan naman siya sa balikat ni Enzo. "Ayos lang"

"Magandang strategy yun Morris. Ipagpatuloy mo lang" sabi ko na ikinangingiti niya. Siya ang a-assign ko sa malayo at kapag siya ang titira ay may posibilidad na makagoal kami kung i-ensayo niya iyon ng maigi



"Salamat"

"Mukhang malayo yun ah" manghang saad ni Gab na hanggang ngayon ay ina-analyze kung saang lugar na ang bola napadpad

"Ako na kukuha" - Lance pero tinigilan ko siya

"Huwag na. Ako nalang ang kukuha. The ball is our turn now kaya ako na kukuha" sabi ko at patakbo ko itong tinungo


Ayos talga toh si Morris ah. Nagawa niya talaga itong ipadpad ang bola sa malayo kaya heto akong nahirapan naghahanap sa bola  na kung saan ito napadpad

"Hi Race!" Pagpapansin ng mga babae sa akin nang dumaan ako pero ningitian ko lang sila



"Kailan ka dadalaw ulot sa club?"

"Oy Race! Pansinin mo naman kami oh!" Pagpapacute nila sakin at hinawakan ako sa braso kaya pumiglas ako


"Ano ba!" Sigaw ko na agad nilang ikinagulat, syempre para pambawi ay ningitian ko sila agad

"Busy ako eh, sa susunod nalang"



Ngumiti naman sila na ikinaginhawa ko

Kahit kilala akong masungit ay ayaw ko pa rin sisirain ang image ko sa kanilang lahat


"Aasahan namin yan ah?"


"Sige" tumango ako at nagpatuloy sa paghahanap ng bola


ANONYMOUSWhere stories live. Discover now