HER SIDE
Gaya ng sabi niya, we spend my last week together with him. Sinusulit niya talaga ang oras para sa akin
Ano ako mamamatay?
----________----
2 weeks na kami nagdi-date ni Race at kung saan-saan na kami pumupunta basta trip niya.
Mayaman yun eh. Tska madaming alam yun
Kaya ayon pinagalitan na siya ni Raiku; yung kuya niya. Tinawagan siya sa kalagitnaan namin ng pagkain... at ang walanghiya, niloudspeak pa kaya ayon napahiya
"Hoy Race! 2 weeks ka na wala dito-"
"Nagleave ako kuya-"
"Inapprove ko ba ha?!" Pagsusungit nito. Palabiro rin yan si Raiku pero kapag trabaho na pinagusapan strikto yan
"Kuya, nandito si Sarmiento eh" parang batang nahihiya ang kumag. Tinignan ko naman siya ng blanko
Mahiya ka ng sobra
"Ano? Hindi porque't girlfriend mo na si Jacky ay basta basta ka na lang gagala kasama niyan! Lalabas lang naman siya ng bansa, hindi mamamatay!"
See told you
"Gago ka! Hwag mong pagsalitaan ng ganyan girlfriend ko!" Mura niya sa kuya niya at agad din namula sa huli nyang sinabi. Ako rin naman napaiwas ng tingin.
Girlfriend ko sabi nya eh. Sarap pakinggan
"Mas gago ka kapag hindi ka pumunta dito bukas! Langya! Pati trabaho mo ginawa ko na din! Hindi porque't magkapatid tayo susuhulin pa kita-"
"Ang dami mong arte kuya!"
"Ako pa ang maarte dito-"
Pareho lang kayo. Daig pa ang babae sa kaartehan niyo
"Bye na kuya"
"Hoy! Hindi pa ako tapos-" *tooooooooot*
Sumimsim naman ako sa wine at tumingin sa malayo. Alam ko na ang mga galawan ni Sandoval
Magpapakyut na naman toh
"Babe,"
"Hmm?" At tinignan siya ng blanko kunyare binalewala yung narinig ko kanina
"Galit ka?"
"Sino hindi magagalit?" Pangsarkastiko kong sabi
"Ehh kasi... gusto kita makasama eh"
"Ano ka bata?"
"Babe naman eh"
"Umuwi ka na. Maaga ka pa bukas"
"Dito nalang ako matutulog" pangungulit niya
"Ano ka sinuswerte?"
Napasimangot siya. "Porque't boyfriend mo na ako, ginaganiyan mo na ako Sarmiento ah"
"Dati pa ako ganito sayo Sandoval, huwag kang feeling special"
Napasinghap siya "Ha! Grabe! Mahal mo talaga ako noh?"
Nagkibit balikat ako. Nagpaparaan lang yan para sabihan ko ng 'i love you'
"Dali sabihin mo na"
"Nagchi-change topic ka gago" Naghiwa naman ako ng beafsteak
"Eh sa mahal mo naman talaga ako eh"
Nginitian ko naman siya ng matamis. At ayan na naman ang gago
Parang na-ulol
Nginitian ko siya tapos biglang sumeryoso "Umuwi ka na"
"Sarmiento!" Nganga niya. Tch! Para talagang bata kung umasta. Yung Race noon, Race pa rin hanggang ngayon
YOU ARE READING
ANONYMOUS
Teen FictionMeet Jacky Sarmiento, isang babaeng ubod ng manhid. Napakastraight forward at masungit. Pero simula nang makilala niya si Race sa SHS ay nagbago lahat ng pananaw niya Meet Race Jhairey Sandoval. Nasa kaniya na ang lahat, well except this girl. Kung...