HER SIDE
Nandito kami sa isang 5 star hotel at dito inilahad ang wedding anniversary ng grandparents ni Race
Habang pinapanood sila ay hindi mo maiiwasang matuwa sa dalawang matanda dahil parang bagets parin sila kung kumilos.Lahat ng myembro sa family nila ay mabubuti at masasayahin na ultimong pati rin ikaw ay mapapasabay sa kanila. Para silang nakakahawang virus kumbaga. A happy pill.
Nasa iisang lamesa kami na magkakaibigan except kina Norman & Trina at Lance and his co star.
Sina Trina kasi nasa States pa rin at delikado rin kapag magbabayahe sila kasi manganganak na si Trina
Ako lang yata ang walang partner dito sa table namin dahil may inilahad pa na speech si Race sa harapan kaya I chose to get Tanner from his parents
"Alam mo ikaw friendship ah, maganda ka naman pero wala ka pang livelife. Eh successful ka din naman." Sabi ni Many sa tabi ko
Nilingon ko naman siya ng nakangiti habang nilalaro ang kamay ng bata "Right time Mandy. Right time."
Inirapan niya ako. "Ikaw nalang wala pang anak sa ating magkaibigan! Ikaw pa ang single natin sa lahat!"
"Right time nga kasi. Tska, bata pa ako noh"
"Halata naman gusto mo ng magkaroon ng anak. Pinanggigilan mo pa ang anak ko"
"Gusto ko nga magkababy. Pero aabot din naman talaga tayo diyan. Kinakabahan lang ako."
"Saan naman?"
"Sa panganganak. Nakita ko kasi kayong nahihirapan sa pagbubuntis at panganganak sa mga bata niyo"
Tumawa naman siya. "Ano ka ba! Normal naman talaga yun. And everything is worth it when you finally see your child outside the world"
Tinignan ko siya. Mukha siyang masaya at contento. "Ganiyan ang nararamdaman mo?"
"Mhm!" Patango niya pang sagot at hinawakan ang pisngi ang sariling anak. "Dati rati kinakabahan ako pero kapag nakita mo na agad ang anak mong buhay at masaya? Agad nawala." Nakangiti niya akong ningitian.
Kahit papaano ay proud ako sa kaniya. Dati, sobrang childish niya at ngayon? Naging matured. Still, meron parin siyang pagka-isip bata pero di na katulad.noon. Motherhood suits her best.
"Hey ladies!" Sabat ni Race sa usapan. Umupo siya sa kabilang chair ko at hinarap kami. "Anong usapan niyo?"
"My child!" Proud na sagot ni Mandy
"Sayang wala si Arthur ano?" Lingon ni Gab sa mag asawang Leighton.
"Bagong silang pa kasi. Tska maingay. Ayaw kong mabingi ng maaga ang anak ko." Sabi ni Shaira
"My parents are there to look after our child. So we decided to left him to them to let us enjoy the party" - Enzo
Simula naging sila ni Shaira ay sa wakas dumadaldal din minsan si Enzo. Nahawa yata kay Shaira
"Sayang nga eh. Edi sana may kalaro ang baby namin ngayon" - Mandy
"Safety first kasi ang inuuna namin kay Baby Jeth." Sagot ni Shaira na sinamaan agad ng tingin ni Enzo "what?"
"Will you please stop.calling my son 'Jeth'?" Irita nitong sabi
"And why?" Pagtataray nito sa asawa. "Jeth naman talaga ang pangalan ng anak ko ah!"
"It's because you named my son after your ex!"
"Napakaseloso mo! Wala na nga yung tao diba? Nasa taas na!"
YOU ARE READING
ANONYMOUS
Teen FictionMeet Jacky Sarmiento, isang babaeng ubod ng manhid. Napakastraight forward at masungit. Pero simula nang makilala niya si Race sa SHS ay nagbago lahat ng pananaw niya Meet Race Jhairey Sandoval. Nasa kaniya na ang lahat, well except this girl. Kung...