HER SIDE
Inayos ko ang mga gamit bago ako lumabas ng opisina
Habang naglalakad palabas ay napaisip ako
Tama ba yong ginagawa ko kahapon?
Hindi naman ako tanga. Pakiramdam ko kasi tinake for granted ko lang yung anonymous na yun. Tska martyr ba yun? Tinanong pa ako kung may gusto ako kay Race. Mga tao ngayon gusto talaga nilang sinasaktan ang sarili nila sa pag-ibig
Tumigil muna ako sa main exit at bumuntong hininga. Ano na ba nangyari sa buhay ko? Tumingala ako sa langit sa labas at nagdasal
God alam ko masama ako minsan pero alam ko pong hindi niyo pa ako mapapabayaan
Lumabas na ako at agad natigil nang may pumarang pamilyar na sasakyan sa harapan ko
It's going to be a long day
Lumabas si Race na nakangiti "Hey"
Bigla nalang ako naubusan ng hininga? Bwesit! Kakalabas ko lang sa opisina, gwapo naman bumungad sa akin sa labas
Nagpanggap naman akong blanko at walang pake. "What are you doing here Sandoval?" Humakbang ako para lapitan siya
"Namiss lang kita"
Magtigil ka Jacky. Hindi ka ganito
And what's up with these people keeps on saying they missed me
Mga pahamak talaga. Nahihirapan tuloy akong sasabihin sa kaniya ang bagong project ko
Nilapitan niya ako at pinapapasok sa front seat. "Oi, saan mo ko dadalhin?" Tanong ko pagkapasok niya at inistart ang makina bago lumingon sa akin
"Date tayo" nakangiti niyang sabi at napanganga ako
Magtigil ka talaga Jacky binabalaan kita!
💜
💜
💜
💜
Kanina ko pa siya tinitignan na nakangiti na parang baliw. Cute nga kung hindi mo kilala pero kapag kilala mo na...
Para siyang baliw sa paningin mo
Nakangiti pa rin siya habang sinabi niya ang orders namin sa waiter, at nang umalis na ito ay humarap na siya sa akin
Isip bata talaga nito kahit kelan. Tsk tsk tsk tsk
"Wala ka bang trabaho ngayon?" Tanong ko sa kaniya nang mapansin kong may inaabangan siya sa akin
Natotopak na naman yata toh
"Lunch break eh. Mamayang alas kwatro pa naman ang balik ko opisina"
"Haba ng vacant time mo ah" mag12 na kasi mayamaya
Napakamot siya "Well... yeah. Sabi kasi ni kuya bigyan daw ako ng vacant time. Kulang nalang doon na ako titira sa opisina" biro niya
Come to think of it. The last time we hangout was two weeks ago. Ganiyan ba talaga siya kabusy?
And that last hangout was when he confessed to me and I collapsed
/////////>__________<//////////
Dumating na ang mga pagkain at habang nilapag ito ng waiter ay tumikhim ako at kinuha ang kutsara't tinidor bago magsalita. "Sobrang busy mo naman yata"
"You know my brother. Kahit loko-loko, strikto sa trabaho"
Ngumiti ako ng mapakla sa naisip ko. 3 weeks nalang pupunta na ako sa Macao. Hindi pa kami masyado magkikita at mag-uusap
YOU ARE READING
ANONYMOUS
Teen FictionMeet Jacky Sarmiento, isang babaeng ubod ng manhid. Napakastraight forward at masungit. Pero simula nang makilala niya si Race sa SHS ay nagbago lahat ng pananaw niya Meet Race Jhairey Sandoval. Nasa kaniya na ang lahat, well except this girl. Kung...