CHAPTER 30

25 11 0
                                    

HIS SIDE

February...

Nasa loob kami ng klase namin at inis kong ginulo ang buhok ko.

"Aisshhhh!!!" Tumingin naman ako sa paligid ko at lahat sila ay may kaniya kaniyang ginagawa.

Busy ang mga teachers ngayon especially na papalapit na ang graduation naming grade 12, probably hinahanda na nila.

"Hoy!" Pinukpok naman ako ng libro ni Jacky.

"Ano ba!" Inis ko siyang sinigawan. "Kitang nalilito ako sa homeworks ko, pinupokpok mo naman ang ulo ko! Mawawala ang brain cell ko Jacky!" Suway ko.

"Hindi naman 'yan mawawala. As far as I recall, parte iyan sa utak ng tao when I was grade 6."

---_____---

"Huwag mo ko pairalin."

"Hindi kita pinapaaral, kinocorrect lang kita."

---_____---

Inis akong tumungo sa lamesa at sumisigaw. "Aaaahhhhh!!!"

"Oi! Hinay lang! Baka hindi lang brain cells ang mawawala mo, baka buong utak mo na talaga ang mawawala sa kakasabog. Delikado na baka mabaliw ka." Biro niya.

Oo baliw!

Baliw sayo!

Umayos ako ng upo at inis tumingin sa kaniya. "Nakakainis ka alam mo ba yun ha?!"

Sarkastiko naman siyang ngumiti. "Syempre alam ko, ako pa!" Pagmamalaki nito.

HAAYS!

HER SIDE

"Jacky!" Tawag sa akin ni Trina

Papunta na sana ako sa klase namin gaking kina Race, eh nakita ko naman ang isang 'tong tumakbo papunta sa akin.

Bumaling naman ako sakaniya. "O?"

"Papasok ka na?"

Tumango ako

Ngumiti siya at kumapit sa braso ko. "Sabay na tayo."

"Palagi naman ah."

"Tch!" Nakangiti niyang singhal kaya ngumiti na rin ako. Nakakahawa eh, maganda naman.

Habang lumalakad kami at tinanong ko siya. "Anong meron sayo at masaya ka?"

Nilingon niya ako at nakangiti pa rin tska umiling. "Mmm! Wala ah!"

"I know you too well Trina Legazpi." Banta ko na ikinatawa niya.

"Eh kasi~" tila kinikilig niyang ani kaya kumunot ang noo ko.

Nakakapagtaka

Hindi naman ugali nitong kumikilig na ganito

Hmmm...

"Niligawan kasi ako."

"Mm.hmm. kanino?"

"Kay Norman!" Masaya niyang sagot kaya napatigil ako.

Taka niya  naman akong nilingon. "Bakit?"

"Seryoso ka?" Tango naman ang sagot nito.

"Paano si Mandy?"

Bigla naman nawala ang ngiti at kinang sa mga mata niya at napalitan iyon ng takot at lungkot. "Yun na nga ang problema eh. Mandy likes Norman too much, pero gusto namin ang isa't isa ni Norman." Sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Pls. don't say anything about this to her. Paniguradong magagalit siya sa akin."

"You can't keep 'that' from her forever Trina. The fact na nililigawan ka na ni Norman ay makakahalata siya. Parati nga kayo magkasama ni Mandy eh."

Lumakaf kami ulit. "I hope she won't get mad." Malungkot na ani nito.

"Hindi 'yan mangyayari." Pangungumbinsi ko kaya ningitian niya naman ako.

Pumasok na kami sa silid namin at kaagad kami sinalubong ni Mandy.

"Oh my gee! Bes!" Tawag sa kaniya kay Trina at yumakap dito. "May ichichika ako sayo mamaya! Greet muna hehe! Good morning!" Bati nito na ginantihan naman ni Trina...

... pero may halong ilang sa mata niya.

"Ano naman 'yang ichichika mo bes?" Tanong sa kaniya ni Trina nang umupo na kami pareho.

"Tungkol kay Norman babes ko!" Masigla nitong sabi kaya tinignan ako ni Trina ng mas nakakailang na mukha.

Haays!

---_____---

"Tumahimik ka na nga Mandy! Puro ka Norman nang Norman! Nakakarindi ka na ah!" Sigaw sa kaniya ni Shaira na sinimangutan lang nito.

Kita ko naman palihim guminhawa si Trina nung magdivert ang attention ni Mandy kay Shaira.

"Bakit ba ah?!" Sigaw rin ni Mandy

Nakakarindi! Tch!

"Tigilan mo na 'yang lalake na 'yan kasi wala naman siyang gusto sayo!"

Woah! Hardcore!

Tila nasasaktan naman si Mandy pero panatag pa rin ang postura pagkatapos. "May sinabi ba akong gusto ako ni Norman babes ko? Hindi ba wala? Kaya nga inaakit ko siya para mabaling ang atensiyon niya sa akin!"

"Eh kaso! Hindi sa iyo nabaling ang atensiyon niya sa iyo! Kundi nasa iba!" Pagalit nitong sigaw

O_____O

Gulat kaming nagkatinginan ni Trina tska sabay tumingin dito.

Tila nao-offend na tumingin si Mandy sa kaibigan. "W-what are you talking about?!"

"Look, stop chasing him. Masasaktan ka lang Mandeline." Paliwanag nito.

"Excuse me! I'm already hurt ng dahil sa pinagsasabi mo!" Inis nitong bulyaw at lumabas.

Katahimikan naman ang namutawi sa paligid namin.

Pakiramdam ko alam na ni Shaira ang tungkol kina Trina at Norman kaya ganito siya mag-inakto kay Mandy. Mandy is too fragile. At alam naming lahat na sa lahat ng tao ayaw namin masaktan ng lubusan ay di Mandy iyon.

"Saan ka galing?" Bigla namang tanong ni Shaira kay Trina.

Taranta naman itong bumaling kay Shaira. "Ah eh diyan lang." Sagot nito.

"Saang diyan lang?" Kunot-noo nitong tanong sa kaharap kaya nabalisa si Trina tumingin sa mga mata nito.

Pangalawa sa tinatakutan namin magkakaibigan ay si Shaira. Kahit go with the flow 'yan, alam niya ang tama ag mali sa paligid niya. Kapag alam niya ay tama ay dedepensahan niya at kapag mali ay magagalit siya.

"S-sa garden." Mahinang sabi ni Trina at tumunga kaagad ito.

Tumawa naman ng sarkastiko si Shaira. "Ang expose naman yata masiyado ang pagkikita niyo. Akala ko ba ililihim niyo?"

"Shaira--"

"Sabihin niyo na ang totoo sakaniya para mawala ang konsensiya sa damdamin ko. Habang maaga pa, ayaw kong masisira ang pagkakaibigan natin. I'm not saying na kinakampihan kita ah. Sinasabi ko lang ito kasi palihim ninyong sinasaktan si Mandy."

"I'm sorry--"

"Don't say that word on me, Legazpi. Sa kaniya mo dapat sabihin 'yan at hindi sa akin. Porque't alam ko ang tinatago ninyo ay dito kayo sa akin nagpaumanhin."

Tahimik ko sila pinakikinggan habang gumagawa ng assignment.

Sorry din Mandy.

ANONYMOUSWhere stories live. Discover now