CHAPTER 33

24 12 2
                                    

I would like to dedicate this story to my friend, cause I miss chatting with her! @sharteza

HIS SIDE

Inis kong inilagay sa lamesa ang phone ko pagkatapos niya akong babain ng tawag.

Kainis naman eh! Bakit pa sila naging magkaklase?!

Balak ko sana pumunta doon kaninang umaga dahil sa text ni Gab sa akin pero may pinapagawa kaagad kami ng thesis ng prof.

Damn college life!

Hindi pa nga nag-iisang buwan nagsimula ang klase, heto at tampak ng mga school duties pa ang pinabibigay.

Kung bakit pa kasi lumipat pa ako ng school, edi kasama ko na ngayon si Jacky.

.

.

.

.

.

Bago pa matapos ang klase nila Jacky ay pumunta na kaagad ako doon. Knowing Jacky, tatakas niyan basta huwag lang siya kinukulit.

Hindi na kami nag-abot  ng mga kaibigan ko kasi dulot sa malayo ang building ng mga iba't-ibang college departments sa SHS at JHS departments ay malayo rin ang parking lot.

Nagtext si Mandy sakin na papalabas na daw si Jacky in a few minutes kaya hinitay ko na siya sa may gate kung saan palagi siya dumadaan. Magkaiba kasi ang way ng gate ng parking lot at sa main gate.

And to my excite, nakita ko siyang lumakad mag-isa palabas ng main gate. Hindi niya ko nakikita kasi tumingin pa siya sa phone niya.

"Mmpff!" Nabunggo siya sa dibdib ko kaya tumigil muna siya at tumingala sa akin.

---___---

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita niya ako.

"What the fuck are you doing here?" Bulyaw niya.

Nginisihan ko siya ng nakakaloko. "Language my dear best friend. Didn't I told you na pupunta ako dito?"

Umiwas siya ng tingin at bumulong. "Hindi ko naman inaasahan na ganito ka kaaga pumunta."

Ngumiti ako ng sumimangot siya.

Ang cute niya!

"Gala tayo." Aya ko.

Tinignan niya ako. "May trabaho pa ako."

Napakunot noo ako. "Ang aga naman yata."

Tumango naman siya. "Oo, dahil chinange ko ang sched ko." Akmang lalagpasin niya na sana ako ng tinigilan ko siya sa braso.

"Biniro mo lang ako eh." Nakasimangot kong sabi.

"Hindi ako nagbibiro, sadyang busy lang talaga ako."

Nginiwian ko naman siya. Hindi niya parin ako naconvince. "Tawagan ko kaya ang manager mo--"

"Huwag na. Joke lang yun. Tara na?" Aya niya sa akin at hinatak pa ako papunta sa kotse.

Tsk tsk tsk! Sarmiento.

.

.

.

.

"Hoy!" Sigaw niya at masayang tumakbo papalapit sa akin kaya napangiti ako. "Hindi mo naman sinabing dito tayo pupunta."

"Sabi ko nga gala eh. Ano magtrabaho ka pa?" Pang-aasar ko at nakasimangot siyang umiling.

"Joke lang sabi eh. Next week pa daw ako babalik."

"Good."

"Sarap dito eh." Nakangiti niya akong inakbayan at lumakad patungo sa buhanginan.

You might be wondering kung saan kami gumala, nandito lang naman kami sa tabing dagat nagpapahangin. Pareho namin hilig pumunta dito since tahimik at sariwa pa ang hangin kaya napadalas kami magstandby dito.

Hinubad niya ang sapatos at medyas niya saka pina-iksi ang skirt. Hwag kayo! Magleleggings 'yamg best friend ko kaya don't expect too much on malacing on her kundi kusutin ko ang mga mata nilang bwesit!

Paborito niya talagang pumunta sa dagat lalong-lalo na't ibanlaw ang mga paa niya sa tubig.

Para akong timang nakangiti pero agad iyon nawala nang tinalsikan niya ako ng tubig sa mukha.

"Hahahaha!!!"

---____---

Sige tawa lang Sarmiento.

Nakangiting tumayo agad ako at tinupi ang pants ko hanggang tuhod at tinupi na rin ang sleeves hanggang siko

"Yun pala gusto mo ah?" Pananakot ko

Natatawang umatras naman siya at hinarang ang mga braso as if it could shield her.

Poor Jacky

"H-hoy! Joke lang 'yun oy! Dinibdib agad?" Paatras niyang sabi

Nasa may tubig na ako at pumamewang. "You know me Jacky. Hindi ako papayag kapag hindi pa ako nakaganti!" Tumakbo ako papalapit sa kaniya kaya napasigaw siyang lumayo agad at natatawang huminto sa hindi kalayuan.

"Hahaha! Bleh!" Binelatan niya pa ako

"Lagot ka sa akin Sarmiento!"

"Aaaahhhhh!!!"

.

.

.

.

Pagkatapos namin maghabulan ay nagpasiya namin humiga sa sa ibabaw ng sasakyan ko. One of the things na paborito naming gawin dito sa tabing dagat so that we can watch the sunset dawn.

"Umaya lang wala pang dalang pagkain." Banat niya

"Required ba 'yun?" Tanong ko at nilingon siya sa kilid. Tumango naman siya na hindi pa nag-abalang tumingin sa akin

What do you expect? It's Jacquiline Sarmiento.

"Tch!" Singhal ko

Konting katahimikan

"Nga pala" aniya.

"Oh?"

"May sasabihin pala ako, baka kung anu-ano na pinag-iisipan mo mamaya at baka tuluyan ka ng maloka sa bahay ninyo."

Inis ko siyang nilingon ulit. Seriously? "Ano nga?" Humingi lang ng permisso nilalait agad tayo. Tch! Iba ka talagang babae ka.

"Pupunta sana ako sa bahay ng kaklase ko ngayon para gumawa ng group activities."

"Saan naman 'yan?"

"Kila Theo." Dirikta niyang sagot kaya agad akong bumangon sa kakahiga.

"Huwag ka ng pumunta. I dare you." Banta ko. Ayaw ko talagang makasama niya si Moriss na 'yun.

Kahit ex niya pa 'yon ay may karapatan naman ako dahil 'best friend' niya ako.

"Kaya nga sana diba"

Bumalik akong humiga at tumingin sa unti-unting paglabas ng mga bituin.

Keganda ng tanawin, ang papangit naman ng sinasabi niya tch!

"Magpalit ka ng groupmates mo!"

Inis niya naman akong tinignan. "Loko ka ba? Gusto mong i-drop out ako ng math prof ko?"

"Hindi!"

"Edi hindi ako papalit!" Singhal niya at tumingin narin sa kalangitan.

"Jacky!" Naiirita kong sigaw sa kaniya.

"Tch!" Singhal niya pa sa kawalan at tumingin sa akin. "Seloso." Mahina niyang wika.

"Buti alam mo."

ANONYMOUSWhere stories live. Discover now