"Fuck shit!" Umalingawngaw ang malakas na pagmumura ni Cesar na siyang nakaupo sa driver's seat. Katabi nito si Ariana na kinabahan sa pagsigaw ng binata. Napatingin din sa kan'ya ang mga kasama sa loob ng van.
"What happened, bro?" Agad na tanong ni Paolo. Tumayo ito sa kinauupuan niya at sumilip sa unahang bahagi ng kotse.
"Okay lang ba ang lahat, ba't tayo tumigil?" Sunod na tanong na galing kay Jonathan. Kakatanggal lang nito ng headphone niya dahil napansin niyang tumigil ang sasakyang sinasakyan nila.
"Fuck! Naubusan tayo ng gas!" Mura ulit ng binata sabay hampas sa manibela.
Hapon na at malayo-layo pa ang lugar na pupuntahan nila. Palubog na din ang araw at namumuo na ang maulap na kalangitan.
"Edi, adventure ulit," Nakangiting sambit naman ni Jet at tila hindi nababahala sa aberyang nangyari sa kanila.
"Wag na kaya muna tayong tumuloy?" Suhestyon ni Ariana. Sa kanilang sampu, si Ariana ang pinakamatatakutin. Ngunit kahit gano'n ay nakikisabay na lamang ito sa trip ng mga kaibigan lalo pa't ito'y mga adventurer. At higit pa doon, may kakaiba kasi s'yang nararamdaman sa lugar na ito. Katulad ngayon, naririnig niya ang boses ng isang babaeng tumatawag sa pangalan niya.
Ngunit hindi niya na lang ito pinansin. Lalo pa't maganda daw ang lugar na pupuntahan nila---- Ang Wood Land Park. Matatagpuan ito sa pinakadulong bahagi ng San Emanuel sa likod ng isang medyo may kababaang bundok na kapag nalagpasan ay ang matatagpuan naman ang kalapit bayan nitong San Juaqin.
"Malapit na tayo, Ariana. Aatras pa ba tayo?" Ani Lean na tila naiirita sa suhestyon ng dalaga.
"Guys, kalma lang! Baka meron namang pwedeng pagpakargahan ng gas dito?" Pagsingit ni Angelyn sa mga kaibigan.
"Sana nga, Angelyn. Ayaw kong maglakad 'no." Ani Carla na nilalaro ang buhok nito.
"Edi, simulan na nating maghanap, gosh ayaw kong mastuck sa lugar na'to. Ang layo pa naman nito sa lugar natin," Si Antonette naman ang nagsalita. Inaayos nito ang kaniyang backpack na hinalungkat niya kanina upang kunin ang cellphone niya.
"Okay! Lalabas tayo para maghanap ng mabibilhan ng gas. Pero dapat, may maiwan dito para bantayan ang van," Pagsang-ayon ni Cesar sa sinabi ni Antonette.
Napagkasunduan ng magbarkada na sina Jet, Rico, Jonathan, Carla at Lean ang maiwan sa van habang sina Cesar, Ariana, Angelyn, Antonette at Paolo ang maghahanap ng maari nilang bilhan ng gas.
BINABASA MO ANG
Ghost's Land Park
Horror"WOOD LAND, GHOST'S PROPERTY" Hindi man yan ang iksaktong nakasulat sa karatula na nakita ng magkakaibigan. Yan naman ang ipinapahiwatig ng mga pangyayaring kanilang nasaksihan. Hindi nila aakalaing ang pagpasok nila sa isang pribadong parke ang mag...