Chapter 4

815 96 34
                                    

PATAKBONG lumapit si Paolo kay Ariana. Kinakabahan ito dahil sa dugong nakita niya.

Hindi niya maiwasang isipin kung may nanakit ba kay Ariana nung naiwan ito sa van. At kung magkaganun man ay hindi niya mapapatawad ang sarili niya.

"Ariana? Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?" Agad na tanong nito.

"B-bakit mo naman natanong?" Kunot-noong pabalik na tanong ng dalaga na tumigil sa paglalakad. Napatigil din ang iba pa nilang kasama at napatingin sa kanila.

"Yung dress mo kasi a-ano..." Hindi maituloy ni Paolo ang sasabihin kaya't napatingin si Antonette sa likod ni Ariana.

Humalagpak ito ng tawa ng mapagtantong dalaw iyon ng dalaga.

Kumunot ang noo ni Paolo sa pagtawa ni Antonette. Bakit pa nito nagagawang tumawa sa ganoong sitwasyon.

Pinamulahan naman si Ariana, kaya pala't masakit ang puson niya. Dinatnan na pala siya. Ngunit hindi pa ito ang date kung kelan dapat siya dadatnan. Sa isip ng dalaga ay masyado naman yatang advance at hindi pa siya nakapagdala ng napkin.

Tumigil ang lahat sa paglalakad, maging si Cesar, kunot-noo ito ng makitang tawa ng tawa si Antonette.

"Anong nangyari?" Lumapit si Jet sa tatlo, at pinamulahan din ito ng mukha dahil alam niyang mens. ang dugo sa laylayan ng dress na dalaga na ngayon niya lang napansin.

"Fuck , wala akong dalang jacket." Pagmumura ni Paolo. Ngayon niya lang naisip na dalaw iyon. Kung kaya't halata ang pamumula ng kan'yang mukha. Nawala na rin ang kabang nararamdaman niya dahil wala naman palang nanakit kay Ariana.

"Here!" Lumapit si Cesar at inabot kay Ariana ang jacket na kanina'y sout sout niya.

Sa pagkakataong ito, pulang-pula na talaga ang mukha ni Ariana. Hiyang hiya siya. Nahihiyang tinaggap ni Ariana ang jacket ni Cesar at binalot iyon sa bewang niya.

"Mabuti nalang may dala akong extra girl," Natatawang bulong ni Antonette kay Ariana.

Nang marating nilang lima ang bahay ng Ale ay agad namang sumalubong ang lima pa nilang kasama.

Di rin nagtagal ay lumabas ang Ale sa kusina at sinabing kakain na sila. Ang iba'y medyo nag-aalinlangan pang kumain dahil baka may lason ang pagkaing hinanda sa kanila ngunit nanaig padin ang pagkagutom nila.

Nagpaalam si Ariana na magbabanyo muna dahil magsusuot ito ng napkin na ibinigay ni Antonette kanina sa kanya.

"Hayssst! Bakit naman kasi ngayon pa. Nakakahiya tuloy," Sambit niya sa sarili nang makapasok na sa banyo.

Isusuot na sana niya ang napkin ng makitang wala namang bakas ng dugo ang kanyang underwear.

Kunot-noo siya, kung ganoon ay saan niya nakuha ang dugo sa laylayan ng dress niya?

Ghost's Land ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon