Chapter 8

752 86 15
                                    

CHAPTER 8

UMALINGAW-NGAW ang malakas na pagtunog ng kampana kasabay nang pag-alulong ng mga aso.

"Orasyon na, masama ito," Narinig ni Jet ang sinabing ito ng Kapitana.

"Kapag may mangyaring masama sa mga kaibigan mo Jet. Alam kong hindi mo mapapatawad ang sarili mo. Dahil kasalanan mo ang lahat ng ito," Naguguluhan man kung bakit tila may kakaibang misteryo ang sinabing iyon ng Kapitana ay isa lang ang tumatak sa isip ni Jet. Na siya ang may kasalanan ng lahat ng ito.

"Ngayon? Sa'n natin hahanapin ang mga kaibigan mo?" Tila isang ina ang kapitana na alalang-alala sa kanyang mga anak.

"Sa park," Yun nalang ang naisagot ni Jet kahit hindi siya sigurado. Iyon ang pinunta nila dito at kung natagpuan na nga iyon ng mga kaibigan niya ay alam niyang doon siya nito hahanapin lalo na't siya ang may pakanang sa Wood Land sila pumunta.

Narinig muna ni Jet ang pag buntong hininga ng Kapitana na nasa tabi niya bago ito sumagot.

"Kung ganu'n tayo na," Napatingin ang binata sa sinabi ni Kap Rhina. Sin

Wala ng salitang lumabas sa bibig ni Jet. Lahat ng gusto niyang itanong ay itinago na lamang niya sa kanyang isip. Mula sa tila sadyang pagtago ng Park na nais nilang puntahan, kung bakit ito naging pribado at tila isang maitim na aura na nakapalibot doon.

"Ayaw niyang pasukin ang lugar niya Jet. Kaya kalingan nating maging handa." Muling nagtaka ang binata sa sinabing iyon ng Kapitana. Bakit? Bakit tila napakamisteryoso ng lugar na iyon. At sino ang tinutukoy nitong kailangan nilang paghandaan?

***

Kilabot ang hatid ng pagtunog ng kampana at pag-alulong ng mga aso para sa magkakaibigan na naroon sa loob ng Wood Land Park.

Ang totoo'y pinagpapawisan na ng malagkit si Ariana. Dinig na dinig na 'rin niya ang malakas na pagpintig ng kanyang puso.

Ngayon ay nag-iisa na lamang s'ya. Nawala siya sa mga kaibigan kanina habang hinahabol sila ng kung anong nilalang , multo? Hindi niya alam.

Ang tanging alam niya lang ay nakapaghatid ito ng labis na kilabot sa kanilang magkakaibigan.

Niyakap niya ang kanyang sarili, nilalamig siya na para bang may ibang nakayakap sa kanya. Palamig ng palamig, hindi niya alam kung dahil ba iyon sa nagbabadyang malakas na ulan o dahil naabutan na siya ng multong kanina'y tinatakbuhan.

Pinilit niyang maging kalmado kahit ang totoo ay nanginginig na siya, naiiyak at parang mahihimatay na.

"Pumasok ang gustong pumasok ngunit walang susi palabas," Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo. Dinig na dinig niya ang isang mahina ngunit nakakakilabot na tinig. Parang nawalan na siya ng lakas. Gustong-gusto na niyang tumakbo, gustong-gusto na niyang umalis sa lugar na iyon ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang paa. Hindi rin niya maibuka ang kanyang bibig upang humingi ng saklolo. Parang naparalisado ang kanyang katawan.

Napapikit na lamang siya. Iniisip na sana'y nananaginip lang siya ngunit nang imulat niya ang kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang isang babaeng nakangiti. May hawak na bato ang nakagapos nitong mga kamay. Wala rin itong sout na kahit ano at napagtanto niyang ito nga ang babaeng nasa panaginip niya.

Hindi na makapag-isip ng maayos si Ariana dahil sa takot. Nanatili lamang siya sa harap ng babae na parang hindi alam ang gagawin, ilang segundo pa ng mahimasmasan na siya. Sumigaw siya at akmang tatakbo ng biglang kumirot ang kanyang ulo dahil sa lakas ng pagkahampas ng bato sa kanyang ulo.


"Salamat, Ariana." Huling litanya ni Shane bago siya tuluyang naglaho.

Hapong-hapo naman si Cesar sa pagtakbo upang sundan si Ariana. Ngunit malayo na at hindi niya parin ito nakikita.

Natatakot na ang binata, una ay dahil nawawala ang kaibigan nilang si Jet, pangalawa ay nagkahiwa-hiwalay sila at pangatlo ay hindi na niya alam kung saan hahanapin si Ariana.

Habol-hininga siyang napayuko at inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang tuhod. Mabilis ang ginawa niyang paghinga upang makabalik kaagad ang kanyang lakas ngunit nagimbal siya ng makita ang isang may kalakihang bato sa tapat lang mismo niya. Sa tulong ng sinag ng bilog na buwan ay nalaman niyang may dugo ito.

"Shit!" Agad siyang umayos ng tayo dahil doon at muling sinimulan ang pagtakbo. Kanino ang dugong iyon? tanong niya sa kanyang isip. Sana'y hindi lang iyon kay Ariana dahil hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may mangyaring masama rito.

Sa kabilang dako naman ng kagubatan ay magkasama sina Angelyn, Antonette, Paolo at Jonathan. Kapwa hinihingal ang apat dahil sa bilis ng takbo nila.

"Asan na kaya ang iba," Si Paolo ang bumasag sa katahimikan.

"H-hindi ko alam," Hinihingal na sagot ni Jonathan.

"Ano ba yun? Multo ba yun?" Hindi mapigilang tanong ni Angelyn.

"Siguro, Angelyn hindi ko alam," Humihikbing saad ni Antonette na siyang kinalabit ng kung sino.

"Narito lang pala kayo!" Isang pamilyar na boses ang nagsalita na nagpalingon sa apat. Ang boses ng kapitana. Kasama nito sina Carla, Lean, Rico at Jet.

"Jet!" Umiiyak na sinalubong ni Antonette ang kaibigan.

"Bweset ka. Sa'n ka ba nanggaling?" Sinuntok pa niyo ang kaibigan bago pinahid ang luha.

Para siyang nabunutan ng tinik ng makitang narito na ito. Nabawasan ang kaba sa kan'yang dibdib dahil nasisigurado na niyang ligtas ang kaibigan.

"Shhhh! Sorry na," Ani naman ng binata at niyakap ito.

"Kumpleto na ba kayong lahat? Kailangan na nating makalabas dito." Singit ng kapitana.

"Si Cesar," Si Angelyn.

"At si Ariana," Si Paolo.

"Kung ganu'n ay hanapin na natin sila. Bilisan na natin bago niya pa tayo makita," Bumahid muli ang pagtataka sa magkakaibigan at si Paolo ang muling nagtanong.

"Nino?" Tanong nito.

"Ng kakambal ko," Matipid na sagot ng Kapitana na nagpanganga sa kinakabahang magkakaibigan. Pinaniniwalaan kasi nitong nagmumulto ang kakambal niya sa lugar na ito.

"Patay na siya, pero naghihiganti siya. Inaangkin niya ang lugar na dapat ay sa kanya naman talaga. Binabawi niya lang kung anong kan'ya. Binabantayan ang pag-aari niya. Kaya't isang napakalaking kasalanan na pinasok niyo ito. Dahil nagambala na naman siya."

"Kung gano'n, multo nga ang nakita namin kanina? At kakambal mo siya?" Kunot-noong tanong ni Rico.

"Wala na tayong panahon para maipaliwanag ko ang lahat. Pag nagtagal pa tayo rito ay baka hindi na tayo makalabas,"

Napatawa lamang si Ariana nang marinig iyon mula sa Kapitana. Kahit naman kasi hindi sila magtagal ay hindi niya hahayaang makalabas ng buhay ang ni isa sa magkakaibigan.

Nanatili lang ito sa likod ng puno kung saan malapit na nakapwesto si Angelyn. Uubusin niya ang lahat. Wala siyang ititira. Pagbabayarin niya ang lahat.

"Hihihihi," Isang hagikhik ang pinakawalan ni Ariana na nagpalingon sa magkakaibigan sa kanyang pinagtataguan.

©BlackLadyInRed

Ghost's Land ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon