“D'yos ko po!” Bulalas niya ng makitang tila patay na ito. Mabilis ang tibok ng kan'yang puso. Hindi kaya isa ito sa mga batang tinakot niya?
Agad s'yang tumakbo at pinulsuhan ang babae.
Naramdaman niya ang mahinang pagpitik nito. Tila nabutunutan siya ng tinik at agad na binuhat ang babae pabalik sa kan'yang kubo.
Nang makarating sa kubo ay pinahiga niya ang babae sa papag at nagsindi ng gasera.
“May sugat s'ya sa noo,” Anito at tinignan ng mabuti ang babae.
Hindi siya magaling sa panggagamot ngunit sinubukan niya pa'rin. Kumuha siya ng mga halamang gamot at nilagay sa sugat ng babae.
Sa kabilang dako naman ng gubat ay takot pa rin ang namamayani kena Paolo, Rhina at Cesar.
“Lalabas na ba tayo?” Natatawang tanong ni Ariana at pinaikot-ikot pa ang kutsilyo.
“Ariana! Bitawan mo na nga 'yan!” Ani Paolo at tinangkang kunin ang kutsilyo sa kamay ni Ariana.
“Ayaw ko nga. Maglalaro pa kaya tayo!” Anito at nilayo kay Paolo ang kutsilyo.
“Tama Ariana! Paglaruan mo pa sila,” Ani ng boses sa kan'yang isip. Ang boses ni Shane.
“Ano bang pinagsasabi mo Ariana?” Tanong naman ni Cesar. Hindi siya sigurado. Ito nga ba talaga ang babaeng mahal niya? Oo ramdam niya na ito nga pero parang ang laki ng pinagbago nito.
“Maglaro tayo bago umalis. Pag nakalabas kayo ng hindi ko naabutan makakauwi kayo ng buhay. Pero kapag naabutan ko kayo. Papatayin ko kayo hahahahahaha!” Mahabang litanya nito. Napako naman sa kinatatayuan nila ang tatlo.
Gulong- gulo na sina Cesar at Paolo. Ito na ba si Ariana? Bakit parang hindi. Para itong mamatay tao. Hindi naman ito mukhang sinasapian. At wala rin silang nararamdamang kakaibang awra.
“Ariana ikaw ba 'yan? O hawak ka pa rin ni Shane?” Lakas loob na tanong ni Rhina.
“Oo, ako si Ariana Blancaflor. At hindi ako hawak ni Shane Buenavista. Hindi niyo ba s'ya nakikita? Katabi ko s'ya!” Anito at tinignan si Shane sa tabi niya.
“Ano bang pinagsasabi mo? Kung ikaw nga si Ariana! Hindi mo kami sasaktan. At uuwi na tayo!” Sigaw ni Paolo na ikinahalakhak ni Shane at Ariana.
“Look Paolo, pinatay ko si Angelyn, Rico, sina Lean, Jet at kayo nalang ang natira... hahahaha! Wala akong ititira!” Natatawang sabi nito habang pinaglalaruang muli ang kutsilyo.
“Maglalaro tayo sa ayaw at sa gusto niyo!”
Nanlaki ang mga mata nila. Nagsisimula na namang gumapang ang takot at kaba sa kanilang puso. Hindi nga nagbibiro si Ariana. Pero ang pinagtataka nila, bakit ito ginawa ni Ariana? Bakit siya pumatay.
BINABASA MO ANG
Ghost's Land Park
Horror"WOOD LAND, GHOST'S PROPERTY" Hindi man yan ang iksaktong nakasulat sa karatula na nakita ng magkakaibigan. Yan naman ang ipinapahiwatig ng mga pangyayaring kanilang nasaksihan. Hindi nila aakalaing ang pagpasok nila sa isang pribadong parke ang mag...