HINDI alam ni Paolo kung ano ba ang dapat niyang maramdaman, kung matatakot ba siya kay Ariana. Maawa o magiging masaya. Matatakot dahil may dala itong bato. Maraming dugo ang kamay nito maging ang boung kasuotan nito. Maawa dahil halatang tila pagod na ito o magiging masaya siya dahil sa wakas ay nasa harap niya na ulit si Ariana.
Nakatalikod ang dalaga na para bang may pinagmamasdan, hawak-hawak nito ang isang may kalakihang bato. At kahit na nakatalikod ay kilalang-kilala niya ito, mula sa hubog ng katawan, sa kahabaan ng buhok, sa tangkad, sa sout nitong dress at ang sout nitong bracelet sa kamay.
Dahan-dahan niya itong nilapitan kasabay ng pag-agos ng kan'yang luha. Niyakap niya ito patalikod at sinandal ang mukha niya sa balikat nito.
"Mahal kita Ariana, Wag ka na ulit mawawala," Wala sa sariling sambit ni Paolo dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman niya.
Pinikit lang ni Paolo ang kan'yang mga mata at hinintay ang magiging reaks'yon ng dalaga ngunit bigla siyang napamulat nang makarinig ng hagikgik na tila nangagaling sa ilalim ng lupa at tila malapit lang sa kinaroroonan nila. Malapit lang na tila kay Ariana nagmula.
"A-ariana?" Sandali siyang bumitaw dito at hinarap ang dalaga at laking gimbal niya ng makita ang kabuoan nito. Puno ng talsik ng dugo ang mukha nito, nakangiti sa kanya at labas ang mga pamumuting ngipin nito. May sugat din sa noo kung saan nag-gagaling ang ibang nagkalat na dugo sa kan'yang mukha.
Imbes na lumayo ay niyakap niya ito ulit kasabay ng kan'yang paghagulgol.
Napapikit siyang muli. Wala siyang pakiaalam kung saktan man siya nito, ang mahalaga'y hawak na niya ang dalaga. Hindi niya na ito bibitawan. Hindi niya ito papakawalan pa.
Biglang naramdaman ni Paolo ang pagbagsak ng bato sa lupa kung kaya't napamulat siya muli. Agad niyang tinignan si Ariana. Nakatingin din ito sa kanya, hindi na nanlilisik ang mga mata nito at hindi na rin nakangiti ng malademonyo bagkus ay nagsisimula na itong umiyak.
"Pao," Sambit ng dalaga at nagsimula ng humagolgol. Niyakap nito si Paolo at ginantihan naman ito ng binata.
"Ariana anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Paolo na sandali g kumalas sa yakap. Inayos niya ang gulong buhok ni Ariana. Kinuha niya din ang kanyang panyo at pinahid sa magandang mukha ng dalaga.
Awang-awa siya sa dalaga. Alam niyang natatakot na ito. At nasasaktan siya dahil do'n. Naiinis siya sa kan'yang sarili dahil hindi niya man lang ito nagawang protektahan.
"Pao, patay na sila..." Nasabi ng dalaga sa gitna ng kan'yang pag-iyak.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Paolo nang marinig ang sinabi ni Ariana, napatigil siya sa pagpunas ng mukha nito at muling niyakap ang umiiyak na dalaga.
"Paolo, patay na sila," Ulit pa ulit ni Ariana na nakakaramdam na ng labis na takot. Natatakot ito, natatakot ito na baka totoo ang hinala niya na siya mismo ang pumatay sa mga kaibigan niya.
"Shhhh, nandito na'ko. Ligtas kana. Aalis na tayo dito," Ani Paolo at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga. Sa hinuha niya ay natatakot lang si Ariana kung kaya't kung ano-ano na ang pinagsasabi nito.
"Paolo, patay na sina Angelyn at Rico," Pagpapatuloy ng dalaga.
"Ano?" Gulat na sigaw ni Paolo na kumalas sa pagkakayakap niya kay Ariana. Patay? Hindi. Hindi yun maaari, lalabas silang lahat ng buhay at ligtas.
"Ariana nagbibiro kalang diba?" Tanong ni Paolo na umaasang sasagot ng oo ang dalaga ngunit alam niyang imposible lalo na't hindi nakakatawang biro iyon.
Napaangat ng ulo si Ariana at muling sumalubong kay Paolo ang ngiting demonyo sa mukha ng dalaga, nanlilisik na ang mga mata nito at matalim na nakatitig sa kan'ya.
"Hihihihi hindi ako nagbibiro, patay na sila. Pinatay ko sila at papatayin din kita," Nabigla si Paolo sa biglang pagbabago ng anyo ng dalaga. Nakakatakot ito kung magsalita. Malamig at puno ng galit. Ngunit mas ikinatakot niya ang mga sinabi nito, siya ang pumatay sa mga kaibigan niya at papatayin din siya nito.
Kung kanina'y ayaw niya ng bitawan ito kahit pa naging kakaiba ito. Ngayon ay tila nakaramdam siya ng labis na takot sa kaibigan. Dahil sa sinabi nitong papatayin siya nito. Na pinatay nito ang mga kaibigan.
Bigla siyang napaatras at muli namang tumawa ng malakas si Ariana.
Narinig ni Cesar ang tawang iyon na nakapwesto lang hindi kalayuan sa kanila. Hinintakutan siya sa tawang iyon. Ngunit nanaig ang kagustuhan niyang alamin kung sa'n 'yon nagmula.
Agad siyang tumayo at pinahid ang kan'yang luha. Tumakbo siya ng mabilis papunta sa pinangalingan ng ingay at tumambad sa kanya sina Paolo at si Ariana. Pero si Ariana nga ba? Base sa anyo nito ay tila hindi ito ang kaibigan nila.
Nakita niya ang sunod-sunod na pag-atras ni Paolo, at sa tulong ng sinag na nagmumula sa buwan ay nakita niya ang kahindik hindik na anyo ni Ariana.
"Ariana!" Sigaw niya. Tagumapay niya namang nakuha ang atensyon ng dalaga dahil napatingin ito sa kan'ya.
"Cesar?" Napatingin din si Paolo sa kan'ya at bakas sa mukha nito ang takot.
Habang magkahalong takot at saya naman ang nararamdaman ni Cesar habang mahinang humahakbang papunta kay Ariana.
"Cesar, hindi na siya si Ariana," Ani Paolo na nasa likod lang ng binata at hindi nagawang kumilos.
"Siya si Ariana, Paolo! Siya ang babaeng mahal ko," Tugon lang ni Cesar ng hindi nililingon ang kaibigan at tutok na tutok lang kay Ariana.
Tumawa lang si Ariana at pumulot ng bato habang nakatingin parin kay Cesar na may isang metro nalang ang layo sa kan'ya.
"Ariana please," Hindi namalayan ni Cesar ang pagpatak ng kan'yang luha. Awang-awa siya sa babae, hindi niya alam kung anong nangyayari dito. Hindi niya maintindihan. Ito ba talaga ang kaibigan niya o nagpapanggap lang ito. Naguguluhan siya.
Hindi pinansin ni Ariana ang pagmamakaawa ng kaibigan at akmang hahampasin siya ng bato sa ulo ng isang tinig ang umalingaw-ngaw, malakas ang pagkakasigaw nito. Sina Paolo at Cesar maging si Ariana ay napalingon sa taong sumigaw. May bitbit itong sulo at kasama nito sina Jonathan.
"Shane, tumigil kana," Sigaw ulit ng Kapitana. Nabitawan naman ni Ariana ang bitbit nitong bato. Tinitigan nito ng masama ang kapitana at dahan-dahang nilapitan.
Shane? nasapian ba ang kaibigan nila? Yun ang tanong ni Cesar sa kan'yang isip at hinayaan ng lukubin ng takot ang kan'yang sarili. Hindi na nga ito ang kaibigan nila.
Tinitigan niya lang ngunit nakatutok ang atensyon ni Ariana-- ni Ariana nga ba? O ni Shane sa taong muling nagsalita. Galit! Galit na galit siya. Nangigigil siya! Naiinis! Napupuot! Nasasaktan! Bumalik lahat ng ala-ala niya, bumalik lahat ng sakit at hapdi. Nabuhay muli ang malakas niyang sandata, ang sobrang sakit at galit na nararamdaman niya.
Napasigaw siya! Sumigaw siya ng napakalakas na sanhi ng pagsipag-alisan ng mga ibon na nakatanaw sa kanila.
Nahintakutan ang lahat, maging sina Paolo at Cesar ay hindi na nakatiis na manatili pa sa kanilang kinatatayuan. Umatras sila papunta sa grupo ng Kapitana na nakikipagtitigan kay Ariana.
Nang bigla itong natumba sa lupa kasabay pagtahimik ng boung lugar. Tahimik na parang ordinaryong gabi. Tanging paghinga lang nila ang kanilang naririnig. Habang si Ariana naman ay lupasay sa lupa at walang malay.
©BlackLadyInRed
BINABASA MO ANG
Ghost's Land Park
Horror"WOOD LAND, GHOST'S PROPERTY" Hindi man yan ang iksaktong nakasulat sa karatula na nakita ng magkakaibigan. Yan naman ang ipinapahiwatig ng mga pangyayaring kanilang nasaksihan. Hindi nila aakalaing ang pagpasok nila sa isang pribadong parke ang mag...