Chapter 12

491 53 14
                                    

"Multo ang papatay sa'tin?" Hindi alam ni Cesar kong matatakot o matatawa ba s'ya pero base sa lahat ng nasaksihan niya ay walang dudang multo nga ang kalaban nila.

"Guys, ayaw ko pang mamatay," Umiiyak na saad ni Antonette na nakakapit ngayon sa kanyang kapatid.

"Hindi tayo mamamatay, makakalabas tayo," Ani Paolo na kahit natatakot na din ay pilit na kinakalma ang sarili.

"Makakalabas lang tayo kung may isang maiiwan," Seryosong saad ni Kap Rhina na nakatingin kay Cesar.

Nabigla ang lahat sa pahayag na iyon ng Kapitana at agad na nagpahayag ng pagtutol si Cesar.

"Hindi ako sang-ayon sa gusto mo Rhina," Matigas na sabat ni Cesar sa Kapitana, "Hindi ko hahayaang may maiwang kahit isa sa mga kaibigan ko," Dugtong pa nito.

"Kahit buhay nating lahat ang nakataya?" Tanong ng kapitana na lalong ikinagulo ng isip nila.

"Anong ibig mong sabihin?" Sabay na tanong nina Jonathan, Paolo at Cesar.

"Kailangan ba talagang may maiwan?" Ani Anthony.

"Oo, isang susi para makalabas tayo. Isang maiiwan para sa buhay nating lahat at kung hindi..."

"At kung hindi?" Tanong ni Carla na pinupunasan ang luha niya.

"At kung hindi lahat tayo mamamatay para sa buhay niya." Dugtong ng Kapitana.

Biglang natahimik ang lahat at nagkatinginan, sinong maiiwan? Sinong magpapaiwan. Sino ang magsasakripisyo para sa kanilang lahat?

Masyado ng maraming nangyari, masyado na silang natatakot at kinakabahan. Yung tipong mabilis ang pagtibok ng kanilang puso at tila habol nila ang kanilang paghinga.

"Ako ang magpapaiwan," Pagbasag ni Jet sa katahimikan. Tumingin ang lahat sa kanya at agad siyang nilapitan ni Antonette at mahinang sinuntok sa braso.

"H-hindi Jet, hindi ka maiiwan," Umiiyak na saad ni Antonette at sinuntok-suntok pa ng mahina si Jet.

"Look, Antonette! Ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to. Ako ang dahilan kong ba't nandito ta'yo. Nagpaiwan ako nung pauwi na tayo para sadyang bumalik kayo. Then I'm right. Binalikan niyo 'ko---"

"Nagpaiwan?" Tanong ni Cesar na napatayo pa sa pagkabigla.

Tumango lang si Jet bilang tugon. Dahil du'n isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Cesar at natumba naman si Jet.

"Walang'ya ka! Hindi mo ba alam na nasa panganib ang buhay nating lahat ngayon? Sana hindi ka nalang namin hinanap. Sana iniwan ka nalang namin, sana hindi ka na namin binalika, sana hinayaan ka nalang namin dito, sana nandito pa si Angelyn, si Rico at si Ariana," Isang suntok muli ang pinakawalan ni Cesar. Dumudugo na ang gilid ng labi ni Jet ngunit hindi ito lumaban at tinaggap lang ang mga suntok ni Cesar.

Ghost's Land ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon