NAPALINGON ang lahat sa gawi kung saan nagtatago si Ariana, kasabay din noon ay ang pagdating nang hinihingal na si Cesar.
"Guys, ano yun?" May halong takot sa tinig ni Lean.
"E-ewan ko, ikaw ba yun Cesar?" Baling ni Paolo sa kakarating lang.
"Hindi yun si Cesar, si Shane yun," Napatingin ang lahat kay Kapitana. Bakas sa mukha nito ang takot ngunit nanatili itong kalmado.
"Shane?" Nagtatakang tanong nang kakarating lang na binata.
"Saka ko na ipapaliwanag, Cesar ang mabuti'y makaalis na tayo dito," Tugon ng Kapitana na tinanguan ng lahat.
"Teka si Ariana," Sabay na sambit ni Paolo at Cesar.
"Kailangan muna natin siyang hanapin," Dugtong pa ni Cesar.
Kakaibang takot ang nararamdaman ni Cesar na ngayon ay nag-aalala na kay Ariana.
"Ahhhhhhhhhhhhh," Napalingon ang lahat sa gawi ni Angelyn na s'yang sumigaw ngunit wala na roon ang dalaga.
"Nasa'n na si Angelyn?" Agad na tanong ni Jonathan.
Luming-linga ang magkaibigan. Hinanap ng kanilang mga mata ang sumigaw na si Angelyn ngunit wala na ito.
"Nawawala si Angelyn, guys! May kumuha sa kanya," Si Antonette naman ang nagsalita.
Halos hindi naman makahinga si Angelyn ng mga oras na iyon, mahigpit ang pagkatakip ng kanyang bibig at ilong habang mabilis siyang nilalayo sa kanyang mga kasamahan.
"Hihihihi," Nanlaki ang mata niya ng marinig ang tawang iyon. Kilala niya ang boses na iyon. Ang boses ni Ariana.
Nagpupumiglas siya umaasang papakawalan siya ng kaibigan ngunit lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakatakip sa bibig niya.
"hmmmmmmp," Ungol lang ang lumalabas sa bibig niya. Naguguluhan siya. Bakit ginagawa ito ng kaibigan niya?
Malakas ang pagpintig ng kan'yang puso at habol niya ang kan'yang paghinga dahil sa takot at pagkakatakip ng Ariana sa mukha niya.
Alam niyang malayo na sila sa mga kaibagan nila. Sobrang dilim na sa parteng ito ng gubat, tila hagikhik din ang huni ng mga ibong kan'yang naririnig.
Kinakabahan na siya, kakaiba ang kinikilos ngayon ng kaibigan niya. Parang hindi ito ang kaibigan niya. Parang hindi ito ang Arianang kilala niya.
Hindi din nagtagal ay binitawan na siya ng kaibigan at humarap siya dito.
"Ano bang trip to Ari--" Napalunok siya ng sunod-sunod. Nakangiti ng malademonyo ang kaibigan niya sa kanya. May dugo ito sa noo at naniningkit na nakatingin sa kanya.
Takbo. Yun ang pumapasok sa isip niya. Ang tumakbo. Ngunit tila wala siyang lakas upang gawin iyon. Gustuhin man niyang tumakbo ay hindi niya maigalaw ang mga paa niya.
Tumalikod sa kanya si Ariana at pagkuwa'y may pinulot at muling humarap sa kanya.
Bato. Napaatras si Angelyn ng makitang may hawak na bato si Ariana. Hindi. Bakit ito ginagawa ni Ariana? Anong nangyayari sa kanya? Sobrang kakaiba ng ikinikilos nito. Nakakatakot, parang hindi ito ang kaibigan niyang matatakutin. Tila ito nga ngayon ang nananakot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ghost's Land Park
Horror"WOOD LAND, GHOST'S PROPERTY" Hindi man yan ang iksaktong nakasulat sa karatula na nakita ng magkakaibigan. Yan naman ang ipinapahiwatig ng mga pangyayaring kanilang nasaksihan. Hindi nila aakalaing ang pagpasok nila sa isang pribadong parke ang mag...