Chapter 7

820 90 19
                                    

KANINA pa pabalik-palik si Kap Rhina sa sala ng kan'yang bahay, nakakahilo na ang ginagawa niya ngunit talagang abot na sa sukdulan ang kanyang kaba.

"Kap Rhina!" Isang boses ang kan'yang narinig. Tinatawag siya kaya't agad siyang napalingon sa pinto at bumungad sa kanya ang binatang si Jet.

"Ano't narito ka pa?" Agad na tanong nito at nilapitan ito.

"Na-naiwan po ako," Pagsisinungaling ni Jet sabay iwas ng tingin.

"D'yos ko po," Napaupo ito. Kaya pala. Kaya pala sobrang kaba ang kan'yang naramdaman.

"Pa'no nangyari 'yun?Asan na ang mga kaibigan mo?" Nag-aalalang tanong ng Kapitana.

Napaupo rin sa upuan ang binata at hinilamos ang kamay sa mukha nito bago sumagot.

"E-ewan ko po, ba-baka nakauwi na."

"Hindi! Hindi sila umuwi," Tumayo si Kap Rhina na ikinakunot ng noo ng binata.

" Ano pong ibig niyong sabihin." Naguguluhang tanong nito.

"Ikaw ang mas dapat nakakakilala sa mga kaibigan mo. Alam mo sa sarili mo na hindi ka nila iiwanan mag-isa." Madiing sabi ng kapitana. Biglang nakaramdam ng pagkadismaya si Jet. Kung binalikan nga siya ng mga kaibigan niya ay sana kanina pa.

"Ngunit pa'no ka nga ba naiwan?" Tumitig sa mga mata ni Jet ang Kapitana habang tinatanong ito.

Napaiwas ng tingin ang binata. Alam niya sa sarili niyang hindi siya naiwan dahil sinadya niyang magpaiwan.


At dahil sa pag-iwas ng tingin na ginawa niya ay nabasa ng Kapitana ang iniisip niya.

"Naiwan ka nga ba talaga, Jet? O sinadya mong magpaiwan?" Biglang naningkit ang mata ng Kapitana sa napagtanto niya. Napayuko nalang si Jet. Nahihiya siya sa ginawa niya. At natatakot din siya sa reaction ng Kapitana.

"Hindi mo alam ang pwedeng mangyari sa ginawa mo Jet!" Napaangat itong muli ng sumigaw ang Kapitana.

"Gusto ko lang naman matuloy ang adventure namin eh!" Biglang sigaw ni Jet. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sagutin ang kapitana.

"So-sorry , Ka----"

"Sorry? Delikado dito sa lugar namin. Hindi niyo ba yun maintindihan? Adventure, Jet! Ang babaw ng dahilan mo," Pinutol agad ng kapitana ang paghingi nito ng tawad.

Ghost's Land ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon