Chapter 17

456 38 3
                                    

"Ano?" Sabay na sigaw ng apat kay Jonathan.

"Patay? Sinong patay?" Tanong ni Cesar.

Biglang napaluha si Jonathan. Patay na sila. Patay na silang lahat. Sina Lean, Carla, Antonette, Anthony, Jomar at Erika.

Nakita niya ang labis na pagkabigla sa mukha ng apat. Lalo na si Cesar, nakayukom na din ang kamao nito, gano'n din si Paolo.

"Silang lahat, ako lang ang nakaligtas. Ako lang at si..." Nakayukong tugon ni Jonathan. Nakayukom na din ang kamao nito dahil sa galit. Galit na galit siya.

"At si?" Taas kilay na tanong ni Rhina.

"At si Ariana!" Malakas niyang sigaw at sinuntok ang puno ng mangga sa harap niya kasabay ng muling pagpatak ng kan'yang luha.

"Si Ariana? Ligtas siya?" Parang nabutunatan ng tinik na tanong ni Cesar.

"Oo, dahil siya ang pumatay sa iba!" Sigaw ulit ni Jonathan. Dahil sa pagkabigla ni Cesar ay nasuntok niya ito. Natumba sa lupa si Jonathan at dumugo ang gilid ng labi nito.

Agad naman itong tumayo at pinahid ang dugo sa gilid ng labi niya.

"Hindi pa sila patay! Sabihin mong nagbibiro ka lang!" Sigaw naman ni Jet na ngayon lang nakabawi sa pagkabigla. Tumutulo na ang mga luha nito. Nakokonsensya ito. S'ya ang may kasalanan. S'ya ang dahilan kong bakit hanggang ngayon nandito pa sila. Kung bakit namatay ang mga kasama niya. Kung bakit nawawala ang iba pa.

"Hindi si Ariana ang may kasalanan! Si Shane, sinasapian siya nito!" Sigaw ni Rhina.

Napatingin naman sa kan'ya si Jonathan. Nanlilisik ang mga mata nito. Galit na galit na s'ya. Mapapatay niya si Ariana.

"Hindi ko alam! Pero malakas ang kutob ko na walang sapi na nagaganap!" Ani Jonathan at sinuntok ulit ang puno ng mangga.

Sa pagkakataong ito mas lalong nabigla ang lahat, "Hindi mamamatay tao si Ariana, Jonathan alam mo yan," Sigaw ni Paolo at dinuduro pa si Jonathan.

"Yun ang akala na'tin, pero narinig ko. Papatayin niya tayong lahat. At naniniwala akong si Ariana yun at hindi si Shane. Si Ariana ang papatay sa'tin!" Sigaw nito ulit kasabay ng pagpatak ng kan'yang luha. Takot siya pero mas nananaig ang galit niya.

Napailing ang Kapitana, hindi niya alam kung ano ba ang pinagsasabi ni Jonathan. Alam niyang sinasapian si Ariana. Sigurado siya do'n. Alam niyang walang kasalanan si Ariana.

"Jonathan, umayos ka nga!" Ani Cesar.

"Ano ba talagang nangyari?" Tanong naman ulit ng kapitana.

~*~

Naramdaman ni Jonathan ang hapdi ng kan'yang noo. Iaangat niya na sana ang kan'yang ulo ng marinig niyang humagikhik si Ariana sa tabi niya.

Nanatili lang siya sa gano'ng posisyon at hinintay sa susunod na gagawin ni Ariana.

"Papatayin ko kayo! Iisa-isahin at uubusin ko kayong lahat. Wala akong ititira! Walang makakalabas sa lugar na 'to ng buhay!" Mahabang litanya ni Ariana na nagpatindig ng kan'yang balahibo.

Maya-maya pa ay naramdaman niyang umalis na ito. At ilang minuto pa ang makalipas ay inangat niya na din ang kan'yang ulo at sumilip sa labas. Nakita n'yang mabilis na tumatakbo si Ariana pabalik sa Wood Land.

Nataranta siya. Agad na pumasok sa isip niya na babalikan nito ang mga kasama niya sa loob.

Kung kaya't kahit masakit pa ang kan'yang sugat ay mabilis s'yang lumabas at tinungo ang gilid ng kalsada kung saan may mga mayayabong na puno.

Nagsimula siyang tumakbo. Kailangan niyang maunahan si Ariana na makabalik sa Wood Land upang mabalaan niya sina Cesar.

~*~

"Ipaghihiganti mo ako hindi ba?" Nakangiting tanong ni Shane kay Ariana na ngayon ay biglang sumulpot sa tabi niya.

"Oo naman, ate Shane! Ipaghihiganti kita sa kan'ya." Madiing sagot nito.

Napangisi naman si Shane na nakatitig din sa apoy na tumutupok sa van na sinakyan nina Anthony.

"Pero mga kaibigan mo sila hindi ba?" Tanong nito kay Ariana. Napatingin si Ariana sa kan'ya at gano'n din siya kay Ariana.

Ngumiti muna si Ariana bago sumagot, "Wala akong kaibigang mamamatay tao. Wala akong kaibigang mga abnormal! Hahahaha!" Humalakhak pa ito. Napangiti naman si Shane sa sagot niya.

Ilang minuto pa ay napagpasyahan niyang bumalik na ulit sa Wood Land. Sumakay siya ulit sa isang van at minaneho ito pabalik sa Wood Land.

Maya-maya pa ay nakarating na din s'ya. Pumasok siya ulit sa loob ng parke at muling sumalubong sa kan'ya ang madilim na kagubatan.

"Papatayin ko ba lahat?" Tanong niya kay Shane na nasa tabi niya.

Tumango ito.

Napangiti naman si Ariana. Tama! Papatayin niya lahat.

Naglakad-lakad siya. Mabagal ngunit palinga-linga upang hanapin ang iba.

Habang naglalakad ay biglang pumasok sa isip niya si Paolo.

Kaibigan niya si Paolo. Mahal niya ito bilang kaibigan. Kasama niya ito palagi sa lahat ng problema niya. Ni minsan hindi siya nito iniwan.

Biglang tumulo ang kan'yang mga luha. Hindi! Papatayin niya din si Paolo. Wala s'yang ititira! Uubusin niya lahat.

"Pero kaibigan ko siya," Mahina n'yang sambit at pinunasan ang luha niya.

"Hindi Ariana! Wala kang ititira! Papatayin mo lahat!" Biglang sigaw ni Shane.

Papatayin? Tama! Papatayin niya si Paolo! At ang iba pa! Wala ng makakalabas pa ng buhay!

Napangisi siya. Pa'no niya kaya papatayin si Paolo? Si Cesar? at si Jet?

Maya-maya pa ang nakarinig siya ng ingay hindi kalayuan sa kan'ya.

Mas humigpit ang hawak niya sa swiss knife na dala niya. Nakuha niya ito sa van kanina. Binili ito nina Cesar bago nila binalikan si Jet sa Wood Land, ito ang ginamit nila panghiwa sa cake na binili din nila.

"Jonathan, sa'n ka pupunta?" Narinig niyang sigaw ng isang lalaki. Si Jet 'yon. Hindi siya nagkakamali. Si Jet ang sumigaw.

Wala na s'yang nakuhang ibang sagot kung kaya't dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan nina Jet. Maingat ang kan'yang paghakbang upang hindi siya mapansin ng mga ito.

Hindi pa nagtagal ay nasa likod na siya ni Jet. Nakangisi at hawak hawak ng nakataas nitong kamay ang swiss knife. Ilang saglit pa ay ibinaon niya ito sa balikat ni Jet.

Napahiyaw naman sa sakit ang lalaki.
Kung kaya't napatingin ang lahat sa kanya. At napako ang tingin nila kay Ariana na siyang tumaga sa balikat ni Jet.

"Walang susunod kung hindi, tutuluyan ko na 'to!" Ani niya sa mga ito at itinutok ang swiss knife sa leeg ni Jet.

©BlackLadyInRed

Ghost's Land ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon