KINUTUBAN ng masama si Cesar. Hindi man siya ganu'n ka mamatakutin ngunit tila nagdala ng kilabot ang katok na iyon sa kanya.
Lalo pa't may kung anong alaala ang pumasok sa kan'yang isip.
Ngayon ay nagtatalo ang isip niya kung bubuksan ba niya ang bintana upang silipin kung sino ang kumatok o hayaan na lamang ito.
Sa huli'y nadatnan niya rin ang sarili na dahang dahang binubuksan ang bintana.
"Shit," Bulalas niya. Wala naman kasing tao. Wala rin siyang narinig na tumakbo palayo o anong bakas na makakapagsabing baka napagtripan ang van nila.
Isinara na lamang niya ang bintana at napadakong muli ang tingin niya sa cellphone niya, muli ay tinignan niya ang oras, 4:34. Malapit na palang mag umaga. Ngunit nagtaka siya kung bakit kanina ay 3:00 parin ang nakita niyang oras kanina na sinabayan ng katok. Hindi kaya't namamalikmata lang siya? Ganu'n din ang katok? Inisip na lamang niya na guni-guni lang niya iyon.
Kinaumagahan isa-isang ginising ni Cesar ang mga kasama. At halos pare-pareho ang reklamo ng mga ito. Pareho-parehong masasakit ang leeg nila pagkat natulog silang nakaupo. Pare-pareho din silang gutom dahil sa wala silang nakain kagabi.
Pagkatapos kasi ng kalabog na narinig nila na sinabayan ng pag-alulong ng mga aso at pag tunong ng kampana ay napagpasyahan nilang matulog na at h'wag nang lumabas.
"Gosh, Gutom na'ko guys," Agad na reklamo ni Lean.
"Ang mabuti pa'y maghanap nalang tayo ng makakainan sa labas, tapos maghanap ulit tayo ng mabibilhan ng gas," Suhestyon ni Jet na sinang-ayunan naman ng lahat.
Isa-isang nagbabaan sa van ang magkakaibigan at laking gimbal nila ng isang ale ang bumungad sa kanila.
"Ba't nandito pa kayo? Diba't pinapauwi ko na kayo?" Nakakatakot ang boses ng ale na tila isang ina na pinapagalitan ang mga anak.
"Ah, eh. Wala po kaming gas eh," Pagsagot ng kakababa lang na si Paolo habang kinakamot pa ang ulo nito.
"Who's she?" Pabulong na tanong naman ni Lean, na nasa tabi ni Antonette at Carla.
"Siya yung aleng napagtanungan namin kahapon," Sagot ni Antonette sa tanong ng kaibigan.
"D'yos ko! Kung itinulak niyo pabalik ang van niyo? O di kaya'y naglakad nalang kayo pauwi. Mga dahilan ng kabataan." Naiiraitang sagot ng Ale na nagpanganga sa magkakaibigan.
"What?" Bulyaw ni Jonathan na hindi nagustuhan ang suhestyon ng Ale.
"Maghahanap nalang po kami ulit ng gas," Walang emosyong pagsingit ni Cesar na tila wala sa sarili.
BINABASA MO ANG
Ghost's Land Park
Horror"WOOD LAND, GHOST'S PROPERTY" Hindi man yan ang iksaktong nakasulat sa karatula na nakita ng magkakaibigan. Yan naman ang ipinapahiwatig ng mga pangyayaring kanilang nasaksihan. Hindi nila aakalaing ang pagpasok nila sa isang pribadong parke ang mag...