Chapter 19

489 28 1
                                    

Dahan-dahang minulat ni Ariana ang kan'yang mga mata. Puti. Puti ang lahat ng nasa palagid niya. Mula sa kamang kan'yang hinihigaan, kumot, kisame, kurtina.

Inilibot niya pa ang kan'yang paningin at nakita niya ang lalaking natutulog sa sofa sa harap ng kama niya. Kung hindi siya nagkakamali ay ito si Cesar.

Ngunit bakit pala siya narito? Huling pagkakatanda niya ay papunta s'ya sa wood land upang magliwaliw. At wala naman s'yang natatandaang naaksidente sila sa daan.

Pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari ngunit sumasakit lamang ang ulo niya. Do'n niya rin napagtantong may sugat pala siya sa ulo.

"A-aray!" Daing niya at hinimas-himas pa ang sintido niya.

At dahil sa kan'yang mahinang pagdaing ay nagising si Cesar at agad na napatingin sa kan'ya.

"A-ariana? Gising kana pala. Okay ka na ba? May masakit pa ba sa'yo?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Tumayo rin ito at lumapit kay Ariana.

"O-okay lang ako. Masakit lang yung ulo ko. Ano bang nangyari? Ba't ako nandito?" Tanong ni Ariana. Sandaling umiwas ng tingin si Cesar at pagkuwa'y sumagot.

"N-naaksidente ka. H-habang papunta sa Wood Land, mabuti nalang ay nakita ka namin," Sagot nito.

Napatango na lang si Ariana. Ngunit naaksidente nga ba talaga siya? Bakit wala siyang maalala? Naguguluhan siya?

"Thanks Cesar a' naabala pa tuloy kita," Aniya sa lalaki. Ginawaran naman siya ni Cesar ng isang ngiti bilang tugon.

"Naku, wala 'yon. What for pa ba ang maging kaibigan mo kung di naman kita tutulungan?" Nakangiting saad nito.

Kaibigan? Hindi naman sila magkaibigan ah? Sa isip ni Ariana ay baka ito na ang simula ng pagkakaibigan nila. Malaki ang utang na loob niya kay Cesar at lubos siyang nagpapasalamat dito.

Ilang oras pa ang lumipas ay muling dinalaw ng antok ang dalaga at muling nakatulog.

Mahimbing sa una ngunit biglang gumimbal ng isang kakatakutan ang pumasok sa kan'yang panaginip.

"Dok, kamusta na po siya?" Isang boses ang narinig niya.

"Sa ngayon ay ayos lang siya. Pero sinasabi ko sa'yo Mr. Vargas, nagkaroon siya ng selective amnesia kung kaya't may mga pangyayari siyang hindi maaalala. Resulta ito ng pagkakabagok ng kan'yang ulo."

Ghost's Land ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon