Chapter 10

720 61 15
                                    

HINDI mapigilan ni Anthony ang takot na umuusbong sa kanyang damdamin habang nagmamaneho.

"Sigurado ba kayong dito sila pumunta?" Tanong niya ulit kina Erika at Jomar na nasa backseat.

"Of course, gusto nga din sana naming sumama kaso may lakad kami kapahon, diba babe?" Ani Erika na hiningi pa ang pagsang-ayon ni Jomar.

"Yes. We're sure." Sagot naman nito.

Itinuon nalang ulit ni Anthony ang kan'yang pansin sa daan. Nag-aalala na ito sa kapatid niyang si Antonette, maging sa mga kaibigan nito.

Kahapon kasi ay nagpaalam ang mga ito sa kanya na magaadventure na naman at pinayagan niya naman ang kapatid ngunit hanggang ngayon ay hindi man lang ito nakatanggap ng kahit isang mensahe galing sa kanyang kapatid.

Kung kaya't minabuti na niyang tanungin sina Jomar at Erika -mga kabarkada din ni Antonette- kung saan ba talaga pumunta ang kapatid niya. Sinabi ng mga ito na sa Wood Land ang punta ng magkakaibigan at nang sinabi niyang susunduin niya na ang mga ito ay nagpumilit na sumama ang dalawa.

"Malayo pa ba tayo? 5:38 na oh?" Ani Erika habang tinitignan ang wrist watch nito.

"Malapit na, papasok na tayo ng San Emanuel kung saan naroon ang sinasabi niyong Wood Land Park." Sagot naman ni Anthony.

Isang oras pa ang lumipas ay nakita na ni Anthony ang van na ginamit ng magbabarkada, agad din nitong pinark ang sasakyan at sinabing nandito na sila.

"Mabuti naman, It's already 6:24."

Hindi na sumagot si Anthony at naglakad papunta sa Van, ngunit tila walang tao roon.

"Nasa'n na sila?" Tanong ni Jomar sa kapatid ng kaibigan.

Habang si Erika naman ay panay selfie. Hindi nito pinalagpas ang mapunong lugar. Nasa gitna kasi ng dalawang gubat at kalsada na parang pinaghati nito ang isang malaking kagubatan at kahit medyo madilim na ay sige lang sa pagseselfie si Erika.

"Wala sila rito," Sagot ni Anthony sa kabarkada ng kapatid at kinulikot ang cellphone niya. Tatawagan niya sana ang kapatid ngunit walang signal roon.

"Guys, baka nasa Wood Land na sila," Ani Erika na tumigil muna sa pagseselfie at pinuntahan ang dalawa.

"The problem is hindi ko alam kung nasa'n banda ang park na 'yon," Dugtong pa ng dalaga.

"Sumunod kayo sa'kin," Ani Anthony at naunang naglakad. Nagkatingininan sina Erika at Jomar at pagkuwa'y sumunod din kay Anthony.

Hindi din nagtagal ay nasa tapat na sila ng Wood Land Park. Ngunit laking pagtataka ni Anthony ng makitang Private Property na ang parkeng iyon. Nagdadalawang isip siya kung papasukin ba nila ang lugar dahil pribado pala ito.

"Private ang lugar na'to, baka wala sil-----" Hindi natapos ni Anthony ang sasabihin ng makarinig sila ng sigaw na nanggagaling sa loob ng pribadong parke.

"Guys, Si Angelyn yun a," Ani Erika. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. At sigurado siyang si Angelyn iyon.

"Pumasok na tayo," Hindi na humingi pa ng pahintulot si Jomar kay Anthony at nauna nang pumasok sa pinaghawing baylbwire, sumunod naman din sa kanya ang dalawa.

Ghost's Land ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon