Chapter 6

785 84 22
                                    

"JET!" Agad na sigaw ni Antonette na nauna ng bumaba sa van. Sinundan naman ito nina Paolo, Jonathan, Rico at Ariana.

"Jet, nasa'n ka?" Pagtawag ulit ng magkakaibigan.

Asan na kaya si Jet? Tanong nila sa kanilang isip. Kilala ng magbabarkada si Jet bilang isang pilyong kaibigan. Ito ang pinakamakulit sa kanila. Sobrang hilig ito sa adventure at kung minsan ay pati sarili nito napapahamak na niya. Naniniwala kasi si Jet na 'You only live once' kaya eni-enjoy nito ng husto ang buhay niya.

"Guys, parang wala yata siya rito," Ani Jonathan na naging sanhi upang magkatinginan silang lahat.

"Maghiwa-hiwalay tayo," Ani Cesar na kakababa lang kasama si Lean at Carla. Inayos pa kasi nila ang kalat ng pagkaing binili nila kanina.

"Sige. Jonathan, Lean. Doon kayo," Itinuro ni Cesar ang isang bahagi na pupuntahan ng dalawa. Tumango naman ang mga ito.

"Carla, Rico. Doon." Pagturo nitong muli at bumaling naman kina Antonette.

"Antonette, Paolo doon." Sumang-ayon naman ang dalawa.

"Angelyn, Ariana at ako. Dito tayo." Nagturo itong muli. Tumango naman ang dalawang dalaga.

"Kapag nahanap niyo si Jet ay bumalik na dito agad. Kapag hindi niyo siya mahanap in 1 hour ay bumalik parin dito agad," Sabay-sabay na tumango ang magkakaibigan at nagsimula ng maglakad.

"Sa'n ba kasi nagsusuot si Jet? Yun lalaking yun talaga! Sobrang pasaway," Ani Angelyn habang naglalakad. Kahit naiirita na ito ay kinakabahan pa'rin siya para sa kaibigan. Oo't pilyo nga si Jet pero nagpapaalam ito sa kanila kapag may iba itong mga balak kung kaya't kinukutuban sila ng masama. Hindi kasi ito nagpaalam sa kanila.

"Ang mabuti pa magfocus nalang tayo sa paghahanap sa kanya," Pahayag naman ni Cesar at muling itunuon ang pansin sa paghahanap sa kaibigan.

Ilang beses pa ulit sila nag sisigaw ngunit walang Jet na lumabas. Naglakad lakad pa ulit ang tatlo at naghanap pa. Ganun din ang ginagawa ng iba pa nilang kaibigan. Ngunit parang wala talaga roon ang kaibigan nila.

Napadako naman ang tingin ni Ariana sa isang lumang karatulang kahoy.

Wood Land Park, Private Property

"Guys," Anito sabay kalabit kay Cesar habang nakatingin parin sa karatula.

"Bakit and'yan na ba si Jet?" Wala sa sariling sambit ni Angelyn at binalingan ng tingin ang itinuturo ni Ariana.

Ghost's Land ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon