Chapter 2

991 104 68
                                    

SUMISIGAW si Shane habang mabilis na tumatakbo sa masukal na kagubatan, ang kagubatang ito ay karugtong ng Wood Land Park.

Kahit sobrang sakit na ng mga binti nito ay hindi parin ito natinag sa pagtakbo. Ang tanging nasa isip lang nito ay ang makatakas sa lalaking kanina pa humahabol sa kanya.

"Tulong! Ate Rhina, tulong. Tulongan mo 'ko." Naiiyak na sigaw niya. Umaasang maririnig siya ng kanyang kakambal at natulungan nito.

"Wag ka na kasing tumakbo, pinapahirapan mo lang ang sarili mo." Sigaw ng lalaki.

Malapit na nitong maabutan si Shane, hanggang sa hablutin nito ang bistida ng dalaga.

"H'wag! Parang-awa mo na. Bitawan mo 'ko." Naiiyak na pakiusap nito ngunit ngumiti lamang ito ng malademonyo.

Hinawakan nito ang dalawang kamay ng dalaga. Hinubad nito ang sinturon at tinali ang mga kamay ng dalaga sa puno.

Sinimulang gawin ng lalaki ang maitim na balak nito.

Humihiyaw lamang sa sakit si Shane, naluluha rin ito sa katutuhanang binababoy siya ngayon at wala siyang magawa upang iligtas ang sarili.

"Walang-ya.. ka.., aka..la ko.. kai..bigan ki..ta. Bi..na..boy mo a..ko." Utal-utal na pahayag ng dalaga. Lubos siyang nasasaktan.

Nang narinig iyon ng lalaki ay bigla siya nitong sinampal habang pinapatuloy parin nito ang kapangahasang ginagawa.

"Ahhh sh*t. Hindi uggh mo ako kaibigan ugh! Bw*set ang sarap moo ugh!"

Napapikit na lamang siya, habang paulit-ulit na sinusumpa sa sarili niya na maghihiganti siya.

Natapos na ang lalaki sa pagpaparaos nito, at akala niyang tapos narin ang kalbaryo niya. Ngunit hindi, muling nagsalita ang lalaki.

"Yan ang mali sa inyong mga babae, ang bilis niyong magtiwala. Dahil lang sa maari kitang tulungan magtitiwala ka na agad? Nakakaawa ka naman. Sayang yung buhay mo. Yung tipong inalay mo lahat para sa lugar na'to? Maging buhay mo?" Natatawa pang saad ng lalaki at pumulot ng bato.

Napapikit na lang si Shane, nakakaawa nga siya dahil mabilis siyang nag tiwala sa lalaking akala niya ay isa ngang kaibigan. Na akala niya ay matutulungan siyang bawiin ang dapat ay sa kanya.

Napasigaw na naman siya sa sakit nang isang matigas na bagay ang tumama sa kanyang ulo. Nanlalambot ang tuhod niya dahil sa sobrang hapdi nito, naramdaman niya ring ang malapot na likido na tumutulo sa kanyang pisnge.

Kalunos-lunos at kaawa-awa ang kalagayan niya. Nakatali ang mga kamay sa isang malaking sangga ng puno, walang saplot, gulong-gulo ang buhok, umaagos ang masaganang dugo mula sa may sugat nitong noo at nanginginig ang tuhod nito dahil sa hapdi, lamig at galit.

Ghost's Land ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon