TUMIGIL si Kap Rhina sa tapat ng isang lumang bahay. Maliit ito at gawa sa kahoy. Halatang luma na din ito at hindi na katibayan."Teka yan yung--," Naputol ang sasabihin ni Anthony nang humarap sa kanya si Kap Rhina na tila ba ayaw nitong ipagpatuloy ang kung anumang sasabihin niya.
"Pumasok muna tayo," Anito.
Tumalikod muna ito bago pwersahang binuksan ang pinto.
Naunang pumasok sa loob si Kap Rhina at sumunod naman ang iba. Sumalubong sa kanila ang magulo at puno ng sapot na mga kagamitan. Madilim sa loob at tanging liwanag lang na nanggagaling sa buwan ang nagbibigay liwanag sa loob.
"Guys, Si Rico..." Naiiyak na sambit ni Lean na siyang pinakaclose nito.
"May kumuha sa kanya," Nanginginig ang boses ni Antonette habang nakatingin sa mga kaibigan.
"Sino?" Naguguluhang tanong ni Paolo. Maging ito ay natatakot na din sa mga nangyayari maging sa mga pwede pang mangyari. Kinakabahan din siya dahil sa taong biglang kumuha kay Rico at dahil hanggang ngayon ay hindi parin nila nahahanap sina Angelyn at Ariana.
Sandaling pumunta ang Kapitana sa kusina ng dating bahay at kumuha ng nakatagong sulo. Agad niya itong sinindihan gamit ang lighter na hiniram niya kay Anthony. Pagkuwa'y agad din siyang bumalik dala ang sulo.
"Kap Rhina nakita niyo ba ang kumuha kay Rico?" Tanong ni Cesar na napaupo na sa isang sulok.
Napaiwas ng tingin ang kapitana at pagkuwa'y inilapag ang dalang sulo sa maliit na mesa.
"Kailangan niyo nang makaalis dito," Anito bilang pag-iwas sa tanong ni Cesar.
"Pero pa'no ang iba? Sina Angelyn? Rico at Ariana?" Maluha-luhang tanong ni Erika na hanggang ngayon ay naguguluhan pa'rin.
"Hindi namin sila pwedeng iwan," Pahikbing pagsingit ni Carla na nasa tabi ni Jonathan.
"Una palang sinabi ko na sa inyo, delikado ang lugar namin. Ba't kasi ang tigas ng ulo niyo? Ba't pumasok pa'rin kayo rito? Mahirap bang intindihin na pagmamay-ari niya ang lugar na'to?"
"Nino?" Sabay na tanong ni Cesar at Jomar na kapwa walang alam sa multong si Shane.
"Si S-shane ba?" Napatingin ang lahat kay Anthony na siyang nagtanong.
"Oo, Siya nga Anthony." Tugon ng kapitana.
Halata ang pagkabigla ng magkakaibigan dahil tila magkakilala nga ang Kapitana at si Anthony.
"Kuya kilala mo yung multo?" Tanong muli ni Antonette.
"Oo, Nette. She's my bestfriend and two years ago, she was died. Namatay siya sa loob ng park na'to. Naalala mo pa ba nung naghiwalay si Mom at Dad at kinuha ako ni Dad sa inyo. Dito. Sa lugar na'to niya ako dinila. Naging magkaibigan kami nu'n nina Shane. Hanggang sa---"
"Anthony tama na. Tama na ang pagkwekwento. Ang kailangan nating gawin ngayon ay lumabas na dito. Aalis na tayo. Masyado ng delikado pag tumagal pa tayo dito." Ani ng Kapitana.
Napatayo naman bigla si Cesar at pag kuwa'y nagsalita, " So multo ang kalaban na'tin?" Tanong nito.
"Oo Cesar at maniwala ka't hindi. Papatayin niya tayong lahat," Tugon ng kapitana.
Tama siya dahil nang mga oras na iyon ay nasa bingit na nang kamatayan si Rico.
Nang nadala na siya ni Ariana sa madilim na bahagi ng kagubatan ay bigla s'ya nitong binitawan at hinarap niya naman ito.
"Ariana ano ba?" Malakas nitong sigaw. At inaasahang tatawa lang ang kaibigan dahil epektibo ang pananakot nito.
"Hihihihihi," Tumawa nga si Ariana. Ngunit hindi iyon ang uri ng tawa na inaasahan ni Rico. Tawa ito ng isang demonyo.
At nanlaki ang mata niya ng bigla itong humakbang papunta sa kanya. Dahan- dahan ngunit ang bawat paghakbang nito ay nakapagududulot sa kanya ng labis na kaba.
Nakangiti ito sa kanya, habang ang mga kamay nito ay tila may tinatago sa likod nito. Paatras naman ng paatras si Rico at mga ilang hakbang pa ay biglang natalisod si Rico sa isang malaking ugat na naging sanhi ng paghalakhak ni Ariana.
"A-riana, a-no ba? H-indi kana nakakatuwa," Nanginginig na sabi Ni Rico habang nakatihaya at paatras na gumagapang.
Napatawa lang ulit si Ariana.
"Pumasok ang gustong pumasok ngunit walang susi palabas," Anito na ikinanlaki ng mata ni Rico. Iyon ang linya ng multong si Shane. Ang linyang kinatatakukan niya. Katulad ng una niya itong marinig, nakakakilabot din ito na para bang nanggagaling sa ilalim ng lupa ang nagsasalita.
Nung mga oras na yun ay gustong-gusto niya nang tumayo at tumakbo dahil kung hindi ay baka mamatay na siya. Baka ikamatay niya.
Ngunit bago pa man niya iyon magawa ay bigla siyang hinagisan ni Ariana ng isang may kalakihang bato na siyang itinatago nito sa likod niya kanina. Tumama ito sa gitna ng mga hita ng binata at dahil doon ay napasigaw siya nang napakalakas.
Tila nabasag ang kanyang pagkalalaki dahil doon, sobrang hapdi ng nararamdaman niya na para bang mamatay na siya.
Hindi na siya nakagalaw sa sobrang sakit. Parang napako siya sa ganung posisyon at para bang hinihintay na lamang ang kanyang kamatayan.
Lumapit sa kanya ang nakangising si Ariana, lumuhod ito sa harap niya na ngayon ay may dala namang matulis na bato.
"A-ariana, tama na." Pagmamakaawa niya sa kaibigan ngunit napangiwi nalang siya ng biglang hiniwa ni Ariana ang gilid ng kanyang labi gamit ang bato.
Nanatili lang itong nakangiti. At hindi pinansin ang nagmamakaawang kaibigan. Ang totoo'y enjoy na enjoy ito sa ginagawa kung kaya't hindi mawala ang masayang ekspresyon sa kanyang mukha.
Ilang beses pa niyang uling hiniwa ang ilang bahagi ng katawan ng binata at ilang beses din itong nagmakaawa gunit wala paring tigil si Ariana. Gigil na gigil ito at bakas sa mukha nito ang pag eenjoy sa ginagawang pag hiwa sa iba't - ibang parte ng katawan ng lalaki.
"Arrrrrgh!" Sigaw ulit ni Rico ng muling bumulwak ang kanyang dugo sa leeg niya.
Napangiti lang si Ariana, punong-puno na naman ng dugo ang kamay niya at ang batong gamit niya. Maging ang katawan ni Rico ay punong-puno na din na dugo.
Nakapikit na nga ang mga mata nito at nauubusan na nang pag-asang makaligtas. Hindi niya naisip na kaibigan niya mismo ang tila papatay sa kan'ya. At si Ariana pa, si Ariana na siyang pinakamatatakutin sa lahat ang siyang papatay sa kanya--- sa kanilang lahat.
"Mamamatay kana!" Isang sigaw na kumawala sa bibig ni Ariana at sinaksak gamit ang matulis bato ang dumudugong leeg ni Rico.
Tuluyan nang ipinikit ni Rico ang kan'yang mga mata dahil sa bigat ng talukap niya. Manhid na din ang katawan niya at nahihirapan ng huminga. Hanggang sa tuluyan niya nang binitawan ang sariling buhay.
"Dalawa na, hihihihi!" Ani Ariana at tumayo. Tawang - tawa siya habang naglalakad palayo sa bangkay ni Rico.
Uubusin ko kayong lahat, wala akong ititira. Lalo na ngayon na nandito ka. Ihuhuli ko kayong dalawa. Sabay ko kayong susunduin at ihahatid sa kamatayan.
©BlackLadyInRed
BINABASA MO ANG
Ghost's Land Park
Horror"WOOD LAND, GHOST'S PROPERTY" Hindi man yan ang iksaktong nakasulat sa karatula na nakita ng magkakaibigan. Yan naman ang ipinapahiwatig ng mga pangyayaring kanilang nasaksihan. Hindi nila aakalaing ang pagpasok nila sa isang pribadong parke ang mag...