Chapter 18

457 32 10
                                    

NAISTATWA sa kinatatayuan nila sina Cesar, Paolo at Rhina. Habang si Jet naman ay namimilipit na sa sakit.

Ramdam na ramdam niya ang hapdi ng kan'yang balikat dulot ng pagkakasaksak sa kan'ya.

Nahina siyang dumaing at pagkuwa'y nagsalita, "Aria-Ariana?" Gulat niyang tanong ng marinig ang boses ni Ariana. At napagtanto niyang ito ang sumaksak sa kan'ya.

Ramdam din niya ang malamig na bagay na nakatutok sa kan'yang leeg.

Biglang nanindig ang kan'yang balahibo. Hindi nagbibiro si Jonathan, papatayin nga sila ni Ariana.

Magpupumiglas sana siya ng maramdaman niyang dumiin ang pagkatutok ng kutsilyo sa leeg niya.

"A-ariana? Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ni Cesar. Napangisi lang si Ariana at mas diniinan pa ang pagkakatutok ng kutsilyo sa leeg ni Jet.

"Shane! Tigilan mo na ang kahibangan 'to!" Sigaw naman ng Kapitana at humakbang ng isa. Dahilan para mas dumiin pang muli ang pagkakatutok ng kutsilyo sa leeg ni Jet at sa pagkakataong ito ay dumugo na ang leeg niya.

"Tama na Shane! Pakawalan mo na si Ariana!" Sigaw ni Paolo.

Mas lumapad ang ngiti ni Ariana at dahan-dahang humakbang paatras.

Narinig niyang humahighik sa tabi niya si Shane.

"H'wag mo silang pansinin Ariana! Patayin mo si Jet," Anito at humalakhak ng malademonyo. Napatingin siya dito sandali bago muling tinapunan ng tingin sina Cesar.

"Papatayin ko si Jet, hihihihi walang susunod!" Parang baliw na sambit nito. At dahan-dahan muling umatras.

Wala namang tumangkang sumunod sa kan'ya dahil sa takot na gilitin nga niya ang leeg ni Jet kapag sumuway sila. Kung kaya't mas bumilis pa ang paglalakad niya.

Maya-maya pa ay naramdaman niyang may sumusunod sa kan'ya. Maingat ang paghakbang nito ngunit hindi nakaligtas sa kan'yang pandinig ang tunog ng pagkakaapak nito sa mga dahon.

"Sumusunod sila Ariana," Ani Shane na nasa tabi niya.

Tama. Sinusundan siya ng mga ito. Kung kaya't mas bumilis ang kan'yang lakad.

Habol hininga naman si Jet ng mga oras na iyon. Mabilis ang pagkabog ng kan'yang puso. Masakit ang kan'yang sugat sa balikat at humahapdi ang kan'yang leeg.

Gusto niyang manlaban. Ngunit kapag maramdaman ni Ariana na magpupumiglas siya ay dumidiin ang kutsilyo nito sa leeg niya.

Natatakot na siya. Ayaw niya pang mamatay.

Mahigpit na hinawakan ni Ariana ang sugat niya sa balikat. Sobrang diin, kung kaya't napadaing siya.

Ilang sigundo pa ay inalis din ni Ariana ang kutsilyo sa leeg niya. Bigla siyang nakaramdam ng pag-asa. Ito na ang pagkakataon niyang makatakas.

Ngunit nang akmang papalag na siya ay bigla niyang naramdaman ang pagsakit sa kan'yang tagiliran.

Sinaksak siya ni Ariana. Tatlong beses. At sa sobrang sakit ay nangatog ang kan'yang tuhod. Nanlalabo ang kan'yang mga mata.

Napahalakhak na naman si Shane sa ginawa ni Ariana. Tama ang ginawa niya. Papatayin niya ito. Yan ang nasa isip ni Shane.

Sandaling binitawan ni Ariana si Jet. At mabalis na pumulot ng bato.

"A-ariana, tama na," Utal-utal na pahayag ni Jet na nakalupasay sa lupa. Tatayo sana ito nang mabilis na lumapit si Ariana at sinaksak siya nito sa paa.

Napasigaw nalang siya sa sakit samantalang napahalakhak naman si Ariana at Shane.

"Tama Ariana! Tama ang ginawa mo," Ani Shane na pumalakpak pa.

Itinaas ni Ariana ang hawak niyang bato at akmang ipopokpok ito sa ulo ni Jet ng bigla itong sumigaw, "Ariana tama na, ako 'to si Jet. Ariana kaibigan mo 'ko," Lakas-loob nitong sambit kahit nanghihina na. Umaasa na bumalik sa katinuan si Ariana.

KAIBIGAN? Napatigil si Ariana ng marinig niya ang salitang 'yun. Kaibigan niya si Jet. Isang malapit na kaibigan. Kasama niya ito sa lahat ng gimik. Sa lahat ng mga masasayang bagay na nangyari sa buhay niya.

"Ariana patayin mo na s'ya!" Sigaw ulit ni Shane na ngayon ay nanlilisik ang mga mata na nakatitig kay Ariana.

Tinapunan ni Ariana ng tingin si Shane. Nagtatalo ngayon ang isip niya. Naguguluhan siya. Ano ba si Shane kumpara kay Jet? Isang bagong kaibigan. Ngunit bakit ito ang sinusunod niya?

Ilang segundo pa ay binaling niya ang tingin kay Jet. Nagmamakaawa ang mga mata nito. Nakahawak ang isang kamay nito sa kaliwang paa na siyang sinaksak niya kanina. Dumudugo ang tagiliran, braso, at pati leeg nito.

"Ariana, maawa ka. Please! Tama na," Sa pagkakataong ito ay may kasamang hagulgol na ang kan'yang pag-iyak.

Hagulgol na tila isang kiliti sa tenga ni Ariana.

"Ariana patayin mo siya!" Sigaw muli ni Shane.

Nanatili lang nakataas ang kamay ni Ariana. Hindi niya alam ang gagawin. Naguguluhan siya. Bakit niya kailangang patayin si Jet? Bakit niya kailangang sundin si Shane. Napayuko siya kasabay ng pag agos ng kan'yang luha.

"Dahil ako, ikaw Ariana!" Humahalakhak na sigaw ni Shane at inagaw ang bato kay Ariana.

Samantalang nabigla naman si Jet. Kanina ay maamo na ang mukha ni Ariana. Alam niyang nakilala na siya nito. Na tumalab ang kan'yang pagmamakaawa. Na makakaligtas siya at mabubuhay pa. At kahit nakayuko ito ay alam niyang lumuluha si Ariana. Ngunit biglang nabago ang lahat ng nasa isip niya ng inaangat ni Ariana ang kan'yang mukha at isang masamang titig ang sumalubong sa kan'ya.

"Papatayin kita Jet, Hikhikhikhik!" Anito at hinampas ang hawak na bato sa ulo ni Jet na napalupasay nalang sa lupa.

Patay na si Jet. Pinatay siya ni Ariana.
At ang multong si Shane ay gawa-gawa lamang ng imahinasyon ni Ariana. Hindi siya sinasapian. Walang multo. Ang meron ay isang split personality. Kung sa'n ang akala ni Ariana ay nakikita at sinasapian siya ng multong si Shane ngunit hindi. Pagkatapos niyang masaksihan ang karumaldumal na pagpatay dito dalawang taon na ang nakalipas at ang pagkabagok ng ulo niya dahil sa paghampas ng bato ng kung sino man ay ang nagtulak sa isip niya na bumuo ng panibagong katauhan.

~*~

Kitang-kita mismo ng dalawang mga mata ni Ariana ang walang awang pananamantala at pagpatay ng isang lalaki kay Shane. Awang-awa siya dito. Kasalanan niya ang lahat dahil iniwan niya ito.

Nanginginig na din siya sa takot na baka ay makita siya ng lalaki sa kan'yang pinagtataguan- sa likod ng isang malaking puno. At siya naman ang isunod nito. At nabunutan siya ng tinik ng makitang umalis na ang lalaki.

Ngunit maya-maya pa nang akmang aalis na siya sa pinagtataguan n'ya ay bigla siyang nakaramdam ng hapdi sa kan'yang ulo. Kasabay ng pagikot ng kan'yang paningin.

"Wala kang dapat maalala, Ariana," Huling salitang kan'yang narinig bago siya mawalan ng malay.

©BlackLadyInRed




Ghost's Land ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon