Battle # 5

26.1K 856 185
                                    

POV Samantha

Okay! Another hell day na naman to, papasok na naman ako sa school naming. Nakakapagtaka pero ilang araw ng hindi nagpaparamdam ang killer samin

Meron na ring guro na nagsubstitute para turuan kami, si Ma’am Amy. Pero minsan lang sya magturo at madalas ay lagi syang wala, natatakot daw kasi sya na mahawa at madamay sa sumpa

Minsan napapaisip ako kung talagang sinumpa itong klase naming o meron lang taong baliw na ginagawang katuwaan ang mga buhay namin. Hindi naman kasi masasabi na coincidence ang nangyaring pagpatay samin hindi ba? MERONG BALIW NA GUMAGAWA NUN!

As usual pagpasok ko pa lang sa loob ng campus eh nilalayuan na ko ng mga estudyante, hindi lang sakin, dahil talagang iwas sila saming taga Class D na mas kilala bilang “Cursed Class”. Grabe instant celebrity kaming mga taga Class D sa campus! I’m so blessed na andito ako sa klase na to! Grabe! *insert sarcastic tone here*

Walang gana akong pumasok sa loob ng room naming, madalas parin naman kaming pumasok lahat… complete attendance pa nga eh. Natatakot kasi ang bawat isa nab aka mamamatay sila kaya mas maganda kung sama sama lang kami

“Guys cheer up! Ano bang mga itsura yan? Smile na kayo bilis! Smile nay an ayiiie!” sigaw ni Lyka sa loob ng room, ilang araw nya na rin iyon ginagawa. Sinusubukan nyang pagaanin ang mood at atmosphere sa loob ng klase… palagi naman naming syang binibigyan ng pilit na ngiti

“Guys why don’t we take a Vacation?” tanong ni Lyka at nakuwa nya naman ang atensyon ng buong klase

“Lyka Seriously? You will enjoy pa? Vacation your face” Maarteng sabi ni Angel… si Angel ang pinaka conyo saming magkakaklase, dapat kapag makikipag usap ka sa kanya may baon kang tissue dahil dudugo ang ilong mo sa mga kaartehan nya sa pagsasalita

“Luke duh guys!! Kailangan din natin to, kailangan din natin ng bakasyon para makalimutan panandalian ang mga nangyayari satin. Suggestion ko lang naman iyon , kung ayaw nyo well ayos lang sakin iyon”

“Go Lyka Sama ko! Suportado kita sa kagagahan mo sa buhay” –April

“Go Lyka sama ako!” –Fate

Marami pa akong naririnig na sigaw galing sa aming mga kaklase at talagang gusto nila yung idea ni Lyka

Siguro nga tama ang desisyon na to, Kailangan din naming ng break sa mga nagyayari samin, kailangan namin ng bakasyon at bigyan naman ng chance ang mga sarili namin na mag enjoy, nakakastress din matakot araw araw

“Guys so payag na kayo? Sa darating na Saturday natin gagawin, as soon as possible, Wag kayong mag alala Private Island ng pamilya namin, safe dun at mataas ang kalidad ng security” nakangiting sabi ni Lyka

Napalingon ako sa dalawa kong katabi dahil mukha naman silang na eexcite sa darating na Saturday. Si Rena mukhang excited dahil nakangiti sya, Pero parang iba ang mga ngiti nya…. Parang may malalim a kahulugan ang mga ngiti nya…. Weird! Pero siguro ganun lang talaga ngumiti si Rena, ako nga mukhang alien kapag ngumingiti eh!

Samantalang si Daryl ayun poker face parin. Minsan lang naman yan magsalita eh, kung magsalita pa yan napakalalim ng pinaghuhugutan. Kikilabutan ka sa mga sinasabi nya

Buong araw wala na naman nagturo samin kaya naman buong araw na naman kaming nakanganga. Nagdadala narin kami ng mga gadgets, pampatanggal ng boredom, Wifi zone naman tong buong school kaya naman party party sa Facebook!.... Galing ng school naming noh? Wifi zone pero prohibited magdala ng gadgets… Yung wifi na yan eh ginagamit lang ng school para gumanda ang image… Mga mukhang pera tch! Pa Peymus tong school naming eh!

So in the end, napagdesisyunan naming na magbakasyon sa private island nila Lyka

“Guys mauna na ko wah! Hindi na ko makakasabay sa inyong umuwi kasi may lalakarin pa ko eh” Sabi ni Joyce at mabilis na dinampot ang mga notebook nya at nilagay sa bag nya tapos kumaripas ng takbo palabas

Death Game: Don't Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon