Battle # 9

20.5K 750 84
                                    

[[[ Third Person’s POV ]]]

Kanya kanyang diskarte ang mga natitirang players para hindi sila makatulog. Merong nakikipagkwentuhan sa kabilang room para huwag antukin, Merong nagpapatugtog ng napakalalakas na music. Halos lahat sila ay iniiwasan na maging tahimik ang paligid dahil paniguradong  pipikit ang kanilang mga mata

Iba’t ibang taktika ang ginagamit ng lahat pero iisa lang ang gusto nila… ang huwag makatulog sa larong ito dahil paniguradong mamatay sila

“Wala na ba talagang ibang paraan para makaalis sa lugar na to!?” Tanong ni Samantha kay Jane, Frelle at Ella

“Mag ikot tayo.”  Nakuwa naman ang atensyon nila ng taong biglang nagsalita sa bungad ng pinto

‘Anong ginagawa niya dito?” tanong nilang tatlo sa kanilang isipan

Ang nasa harapan nila ngayon ay si Daryl. Ang Weird na si Daryl na laging nagbibigay ng babala kay Sam.hindi din alam ni Daryl pero sa kanilang lahat ay si Sam lang ang gusto nyang pagkatiwalaan.

“Tara na Sam, Sumama na tayo kay Daryl kasi naman nabobored na kami dito eh!” Sabi ni Ella kay Sam

Tinignan ni Sam ang mukha ng kanyang mga kaibigan at kitang kita dito ang pagkabagot kaya naman napagdesisyunan nilang sumama kay Daryl

Habang naglalakad sila Sam para mag-ikot. Nakatingin lang sa kanila si April, Hindi nya alam kung paano pa sya makikisama sa kanila dahil sa ginawa nito, lalo na kay Frelle. Ngayon ay naaawa sya sa sarili nya, sa pagiging desperada nyang mabuhay nagbago ang tingin sa kanya ng kanyang mga kaibigan

Sa room naman nila Anne

“Ayoko na! Sukong suko na ko!, Pagod na ko!. Pagod na kong pagmukhain na matapang ang sarili ko, Kahit sa totoo lang ako ang pinakanasasaktan saming lahat” Umiiyak na sabi ni Anne, Tuloy tuloy lang ang pagdaloy ng mga luha na nanggagaling sa kanyang mga mata

Oo! Natutuwa sya dahil sa kanya kumukuwa ng lakas ang mga kasamahan nya, Masaya sya dahil napapagaan nya ang loob ng kanyang mga kasamahan. Sa kabila ng iyon mas bumibigat naman ang dala nyang mga pasanin, Ang mga kasamahan nya ay sa kanya humuhugot ng lakas pero pano naman sya? Hindi alam ni Anne kung san sya huhugot ng lakas para magpatuloy

Ang pagiging matapang at matatag lang ni Anne ang napapansin ng kanyang mga kasamahan, Hindi sumagi sa kanilang isipan na babae din si Anne… Bali baliktarin mo man ang sitwasyon, Nasasaktan din sya.

Nakatulala lang si Anne habang nakatingin sa hawak nitong lason

***

[[[ POV Samantha ]]]

Naglalakad kami ngayon sa gilid ng dagat, nauunang maglakad si Ella, Frelle, at Jane. Naghaharutan pa nga yung tatlo eh… Sana parati na lang silang ganyan, Laging nakangiti

“Be careful, The one you trust is the one who will backstab you” Ayan na naman tayo sa mga makakahulugang salita na binibigkas ni Daryl, Magkasabay kasi kaming dalawa na maglakad. Sinabi nya yun pero hindi sya tumitingin sakin

“Daryl sino ka ba talaga? Bakit ba lagi mo kong binibigyan ng warning?. Simula ng may mangyaring pagpatay binibigyan mo na ako ng babala. Bakit hindi mo na lang na mamamatay si eto, tapos sunod si ganto… adeh sa ganong paraan hindi na tayo nahirapan” sabi ko sa kanya

“I only just predicting. Binibigyan lang kita ng babala para maging alert ka sa mga pwedeng mangyari, Pero hindi ko kaya hulaan ang mga pagkamatay. I just warned you and I know na sapat na yun para gumawa ka ng way para matulungan sila. Kung mamamatay man ang isang tao, tandaan mo… nakatadhana na yun” Sabi nya sakin, Shit lang! Mas lalo lang akong naguluhan

Naalala ko bigla ang mga sinabi sakin ni Daryl

‘Wag kayong magpapalinlang sa mga nakikita nyo’ sinabi nya yan nung namatay si Rylie

‘Ingat ka.’ Simpleng mga salita pero napakalalim ng meaning, yan yung time na natanggap namin ang mga numbers

‘Follow her’ yan yung sinabi nya bago nawala si Joyce. Sinunod naman namin sya pero it’s too late kasi namatay na si Joyce nung dumating kami

Malakas din ang hinala ko na si Daryl din ang nagbigay sakin ng warning bago kami pumunta dito sa isla, sya din yung nagpadala sakin ng Baril.

Sino ka nga ba Daryl Mae Delgado? Ano nga ba ang role mo sa larong to?

“WAAAAAAH!!”

Isang malakas na sigaw ang pumutol sa malalim kong pagmumuni muni… nanggaling ang sigaw sa hotel naming tinutuluyan

Nagkatinginan muna kaming lima bago kumaripas ng takbo papunta sa hotel

***

[[[ POV April ]]]

nandito lang ako sa loob ng room ko mag isa, hindi ko nga alam ang gagawin ko eh. Karamihan sa kanila ay galit sakin, pero seriously... masisisi nyo ba ko ? sa mga gagawin mo dito sa larong to... nakataya ang buhay mo,  kailangan mo lang isahan si kamatayan sa larong to, tandaan nyo ang kamatayan ay hindi nakikipaglaro ng fair yan.  If you want to live, you should know how to cheat. Ang pagiging bait baitan mo dito ang magpapahamak sayo,  pag mabait ka madali ka lang maaagrabyado ng ibang tao

Shit! Ano ba tong mga iniisip ko grabe! Nakakaantok!. Nararamdaman ko na pumipikit na ang aking mga mata pero pilit ko itong pinipigilan

“WAAAAAAH!!”  nawala ang pagkaantok ko ng may marinig akong malakas na sigaw

Napabalikwas ako at napabangon, agad akong tumakbo papunta sa kung saan nanggagaling ang ingay

Napansin ko na tumatakbo din papunta sa pinanggagalingan ng sigaw sila Sam

“KYAAAAAAAH!” nakita namin na tumitili si Myra, nasa tapat sya ng room ni Anne

Shit hindi kaya?!? Anong nangyari kay Ane!?!

“ANNE!!” halos sabay sabay naming sigaw at tumakbo papasok sa kwarto ni Anne

Nakita namin na merong lason na nakapatong sa lamesa ng room ni Anne, halos nagpanic naman kaming lahat nung nakita namin yun

“Ano bang ginagawa nyo?” Nagtatakang tanong samin ni Myra, Eh shit! Sta nga tong sumigaw para makuwa ang atensyon namin eh

“Ano Myra wala na ba?” narinig naming boses sa labas ng pinto……. Boses iyon ni Anne

“Shit! Hindi ko alam kung wala na yung letcheng malaking daga na nakita natin Anne… Letcheng daga yun, napatili pa ko!” Sabi ni Myra at hinihingal hingal pa siguro dahil sa takot

“Omoh! Myra bakit ang daming tao sa kwarto ko?” nagtatakang tanong ni Anne saming

“Hehe hindi ko nga alam eh, tutulong yata maghanap sa daga….siguro hehe” sabi ni Myra at kinakamot pa ang ulo nito

Shit! Natakot ako dun ah! Akala ko kung napano na si Anne, im glad naman na she’s safe

Pero seriously?!? Bakit may lason sa kwarto ni Anne?

Death Game: Don't Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon