POV Samanthamedyo kinabahan ako sa nangyari kanina kay Anne. Akala ko talaga na may nangyaring masama sa kanya, Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit may lason na nakapatong sa lamesa ng room ni Anne.
Tinanong namin si Anne tungkol doon, ang sabi nya ay nasa room nya na yung lason talaga bago pa sya pumasok......... pero bakit ang kwarto nya lang ang meron nun at wala samin?
“Sam, Mag almusal na muna daw tayo” Walang ganang sabi sakin ni Ella, Makikita mo rin sa mga mata nito ang malalaking eyebags, tiniis talaga namin na hindi makatulog nung araw na yun. Sa ngayon kay a pa naming tiisin, hindi ko naman alam kung hanggang kelan ako tatagal sa mga susunod na araw.
Nanlalata akong bumangon sa couch. Parang kahit anong oras mula ngayon ay babagsak na ang mata ko at tuluyan ng makakatulog
“Sam! Oy!! Wag kang makakatulog dyan kung hindi pepektusan kita” palapit na sabi sakin ni Jane habang may hawak na isang tasa ng kape
Kinuwa ko naman ang dinala nyang kape at ininom ito, kahit papano nagkalaman ang tiyan ko pero hindi nagising ang diwa ko
“WAAAAAAAH!!”
Nakarinig kami ng isang malakas na sigaw at agad kaming tumakbo, Doon lang sa tili nagising ang diwa ko… maybe dahil na rin sa takot ko sa mga susunod na pwedeng mangyari
“ANONG NANGYARI!” tanong ko kay Frelle dahil namimilog ang mga mata nito at nakatingin lang sa iisang direksyon
Nakita namin si Elsa at Keana parehas walang buhay at nakahandusay sa iisang room. Parehas hiwa ang leeg nila na parang ginilitan, bumubula rin ang bibig, at may saksak sa buong katawan...... malapot pa ang dugong umaagos sa katawan nila kaya paniguradong kani-kanina lang ito nangyari
Agad kaming tumakbo patungo sa loob ng room na yun para malaman ang kundisyon nila
“Wala na, Patay na sila” Mahinang sabi ni Ella habang hawak hawak nito ang pulso ng dalawang bangkay
“Guys pamilyar to ah?!” tanong ni Joyce habang hawak hawak ang isang bagay na napulot nya sa sahig… isang bote ng lason at meron pang bakas ng bloody fingerprints
Nung nakita ko ang bote ng lason na yun, iisang tao lang ang agad na pumasok sa isipan ko… Si Anne
“Tara guys, Mukhang may kailangan tayong kausapin about sa pangyayaring ito, tinakpan ko naman ng putting kumot ang dalawang bangkay, I will make sure na magbabayad ang taong may gawa nito
Agad akong lumabas ng room na yun at sumugod sa kwarto ni Anne… Pangalawang araw pa lang pero labing isa na lang kaming natitirang buhay! Pak that shit naman oh! Baka hindi pa kami umabot ng isang linggo
Agad kong kinalampag ang pintuan ng room ni Anne… napansin ko naman na papalapit sakin si Daryl at April
Agad naman na nagbukas ang pinto ng kwarto ni Anne
“Oh morning guys! Thanks naman at gisi---------“ bago nya pa matapos ang kanyang sinasabi ay dumapo na ang aking mga kamay sa kanyang pisngi
“F*CK! Para san ang sampal na yun!” galit na sabi ni Anne pero wala akong pakielam… she should learn her lesson
“For this” sabi ko sa kanya at pinakita ang hawak kong lason… kapag ako hindi nakapagtimpi sa kanya baka bigla ko itong ipainom sa kanya
“Para san naman yan? Tsaka pano mo yan nakuwa eh nasa loob ng bag ko yan!?!” Sabi nya sakin at inagaw ang lason… nakuwa nya naman ito
“Ikaw ba ang pumatay kay Elsa at Keana?” Seryosong pagtatanong sa kanya ni Ella
“A-ano!?! Patay na sila!?!” tanong nya samin…. Psh! Painosente pa ang gaga!
“Wag ka ngang umarte! Alam kong ikaw ang may gawa nun dahil ikaw lang naman ang nagdala nung lason at ikaw lang ang may dalang lason satin. Bakit kasabwat ka ba? Plano mo rin bang patayin kami?” sabi ni Jane
“Wala akong alam dito! Hi-hindi ako ang may gawa nyan!” sabi ni Anne at para bang naluluha, psh! Paawa
kahit na hindi din ako sigurado na sya talaga ang may gawa nun, pero sa sitwasyon namin ngayon lahat pwedeng mangyari, lahat ng " BAKA " is magkakatotoo
imbis na masaktan ko si Anne ay mas pinili ko na lang na umalis sa tapat ng room nya, ayokong magkasakitan kami,Pero sana nga na inosente sya sa pagkamatay ni Elsa at Keana
tumungo na lang kami ni Ella sa kusina para kumain ng almusal.
***
[[[ POV Anne ]]]
shit! Tang ina! Frame up tong nangyari na to! Promise wala talaga kong alam sa mga nangyaring pagkamatay!
Shit! kaya ako nagdala ng lason dahil baka hindi ko kayanin ang mangyayari at pumasok sa isip ko na magsuicide. Tama, expected ko na ganto ang mangyayari.... this vacation will be another cursed. Kung bakit pa ko sumama kung alam kong ganto ang mangyayari ? simple lang, i want to protect them. hindi ako yung tipo ng tao na nang iiwan sa ere, kung sama sama kaming napunta sa gantong sitwasyon, hanggat maari ay gusto ko na sama sama kaming umalis dito
Pero bakit ako pa ang nadidiin ? ako pa ang nagmumukhang masama sa harap ng iba
Kung Sino man ang pumatay kay Keana at Elsa, aalamin ko yun, Kaya kong linisin ang pangalan ko. I will make sure na hindi matatapos ang araw na to na hindi ko nalalaman kung sino talaga ang may gawa nun
Baka naman nakatulog lang silang dalawa ? O kaya naman, meron pang isang tao bukod kay Rena ang mayroong galit samin ?
![](https://img.wattpad.com/cover/15017446-288-k299310.jpg)
BINABASA MO ANG
Death Game: Don't Fall Asleep
HorrorThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...