POV Anne
Nandito ako ngayon sa kwarto kung san nangyari ang krimen, tulad ng sinabi ko papatunayan ko na inosente ako kaya gagawa ako ng sarili kong imbistigasyon
"San ba ko magsisimula?" bulong ko sa aking sarili
"Sa paghahanap ng killing weapon" Biglang may nagsalita sa aking likuran, dahil duon ay napatingin ako sa aking likuran at nakita ko si Daryll
"Gumagawa ka ng sarili mong imbistigasyon pero paano kung Makita ka ng iba? Sigurado akong iisipin nilang nililinis mo ang mga ebidensya" sabi ni Daryl habang malalim na nakatitig sa bangkay ni Keana at Ella
"Wala akong pakielam kung magalit sila! Wala din akong pakielam sa iisipin nila sakin ngayon. Ang importante malaman ko kung sino ang may gawa nito dahil kung hindi ay dalawang buhay ulit ang mawawala" Naiinis kong sabi kay Daryl
"Kung ganun sumunod ka sakin, may ipapakita ako sayo" sabi nya at mabilis na lumabas ng kwarto
Nung una ay ayoko dahil pwedeng sya ang killer pero naisip ko na dapat lutasin ko itong kaso na to, at para malutas ito, kailangan kong sumugal.
Sumunod ako kay Daryl pero nakalabas na kami sa Hotel eh hindi pa rin sya tumitigil sa paglalakad at nang makarating kami sa lumang bodega ay mayroon syang gloves na inihagis sakin at ipinasuot
"Kung ano man ang makikita mo dito, kailangan panatilihin mo muna itong sikreto" sabi nya sakin at binuksan nya ang bodega
Pumasok kami sa loob ng bodega at pagkapasok namin ay may inihagis sya sakin na isang malaking black bag... psh! Ang rude, ang dalas manghagis
"Open it then tignan mo ang laman" utos nya sakin, sinunod ko naman sya at laking gulat ko ng may makita akong isang coat at gloves na punong puno ng mga dugo
Posible kaya ito ang........
"Tama, yan ang ginamit ng killer sa pagpatay kay Elsa at Keana" sabi ni Daryl na para bang nabasa ang kung ano ang iniisip ko
"Pero ang nakakapagtaka, bakit hindi nya sinama ang killing weapon dito" nagtatakang tanong ko sa kanya
"Teka! Diba dapat nilang malaman to?" sabi ko sa kanya... it's time na para malinis ang pangalan ko
"Hindi ba sinabi ko na sayo na kung ano man ang makikita mo dito ay wag mong ipagsasabi? Isa sa mga kasamahan natin ang killer. Kung sasabihin mo ang nalalaman mo hindi sila maniniwala at higit sa lahat ilalagay mo ang sarili mong buhay sa panganib." Paliwanag ni Daryl sakin
Magsasalita sana ako pero agad na pinutol ni Daryl iyon.
"Umalis na tayo dito at bumalik na tayo sa hotel, baka mamaya mag-isip pa sila ng kung anu ano sayo dahil sa tagal mong nawala" sabi nya at tumalikod na sya sakin
"Bakit? Bakit mo ko tinutulungan?" sabi ko sa kanya... hindi ko din naman maiwasang hindi itanong sa kanya, dahil tinutulungan nya kong mabigyan linaw ang lahat
"Dahil tulad nga ng sinabi mo, kung hindi natin ito malulutas dalawang buhay na naman ang mawawala... ano pang tinatanga mo dyan? Tara na at hahanapin pa natin ang killing weapon" sabi ni Daryl at naglakad na palayo kaya naman sumunod na ako sa kanya... Weird!
***
[[[ POV Daryl ]]]
"Hay! Grabe nakakapagod ang sakit na ng paa ko" reklamo ni Anne sakin at sumalampak sa may sofa dito sa reception hall... pano ba naman kasi dalawang oras na kaming naghahanap
Tulad ng inaasahan, wala kaming makikitang pwede ng makatulong sa paghahanap namin sa killing weapon. Masyadong malaki ang buong isla para saming dalawa, nakakainis!
Agad naman akong napangiwi ng marinig ko ang matinis na boses ni Angel
"OMG! Ang cute naman ng balat na nasa hands mo!" agad naman pumasok sa akin ang nabasa kong libro kaninang umaga
Tama! kung gugustuhin pwedeng maging killing weapon yun! Napatingin naman ako kay Anne at nakita ko na mukha sya nagiisip mukhang naisip din nya ang naiisip ko.
"Daryl Posible bang parehas tayo ng iniisip tungkol sa ginamit na killing weapon?" tanong sa akin ni Anne habang papalapit sya sakin
"Unfortunately yes parehas tayo ng iniisip. Kaya tayo na, Pag-aralan natin ngayon kung paano ginawa ang homicide case na ito" Pag-aaya ko kay Anne, mukhang mas magiging exciting to ah?
"Haah!?! Pwede bang magpahinga muna?" Tanong ni Anne sakin
"Psh. Bahala ka nga dyan" sabi ko at umalis, sa tingin ko naman ay sumusunod sakin si Anne
Pagkapasok namin sa kwarto ni Elsa agad kong nilapitan ang mga bangkay nila ta tinitigan ko ang hiwa nila sa leeg habang nagsusuot ng gloves. Sabi na eh. Tama ang theory ko.
"Daryl ano? Sa tingin mo iyon nga ang killing weapon?" Tanong ni Anne na umupo sa aking tabi
"Oo tama tayo sa killi----- Teka! Ano yang ginagawa mo?" di ko na natapos ang aking sasabihin kasi nakita ko si Anne na para bang may dinudukot sa bulsa ni Elsa
"Jaraaaan!" Parang bata nyang sabi ng mailabas nya ang isang papel
Agad ko namang kinuwa ang papel at binasa. Ito siguro ang note na binigay nya kay Elsa para papuntahin ito sa kwarto nya. Kung ganoon sya pala ang killer.
"I-imposible! B-bakit sya pa?" di makapaniwalang tanong ni Anne at para bang anytime babagsak na ang kanyang mga luha
"Di pa tayo sigurado kaya kumalma ka lang muna, ang mabuti pa ay maghanap pa tayo ng mga bagay na pwedeng tumulong sa paglutas ng pagpatay na ito" saway ko sa kanya
"Tama ka Daryl. Teka Daryl!tingnan mo yung kamay ni Keanna bakit parang burado yung dugo? Siguro may nahawakan sya at napahiran ng dugo bago sya mawala, Pero ano kaya iyon?" Sabi ni Anne ng makabawi sya
Chineck ko ang bulsa ni Keana at tulad ni Elsa may note din si Keana ang pinagkaiba lang ay ang oras sa meeting place
"Alam na natin ang killing weapon, ang mga gamit sa pagpatay, may prime suspect na rin tayo at alam na rin natin ang oras, at pagkakasunod sunod ng pagpatay. Ang kailangan na lang natin gawin ay linisin ang detalye ng krimen." Sabi ko sa kanya
"Alam ko na"
"Eto ang teorya ko sa mga nangyari......" Sabi ni Anne at lumapit sya sakin para ibulong ito
"Pero hindi ko ineexpect na sa lahat ng tao ay sya ang gagawa nito kay Keana at Elsa, at lalong lalo na sakin. Akala ko talaga mabait sya" Sabi nya at tumulo na naman ang kanyang mga luha.
"Every struggle in your life has a shape into a person you are today. Be thankful for the hard times, they can only make you stronger" Sabi ko sa kanya at inabutan ko sya ng panyo
" nakakaasar *sniff* Bakit ba parati ka na lang tama *Sniff*" reklamo nya
" Ang mabuti pa papuntahin mo na silang lahat sa Auditorium sasabihin na natin kung sino ang killer" utos ko kay Anne at umalis na.
Buti na lang kahit papano ay may leadership si Anne kaya naman magaling sya makipag cooperate sa pagiimbistiga
BINABASA MO ANG
Death Game: Don't Fall Asleep
HorrorThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...