POV Samantha
Nandito kami ngayon sa loob ng hotel specifically sa lobby
“Sa-Sam…” Sabi sakin ni Ella, base sa ikinikilos nya ay parang hindi sya mapakali
“Oh ba’t mukhang hindi ka mapakali dyan Ella, may nangyari bang masama?” tanong ko sa kanya habang pilit ko syang pinapakalma
“Si-si Jane ang taas ng lagnat” Sabi nya sakin. Bigla ko naman naalala ang mga kaganapan kanina dahil, ang daming mga nangyari na hindi ko lubos akalain na magagawa.... ano yung mga sinabi sakin ni Daryl? at nalaman ko din na may psychotic side din pala si Angel
“Hayaan muna nating magpahinga si Jane, kailangan nya ng pahinga dahil may sakit sya” sabi ko kay Ella
“Ayun na nga eh!! Sam kapag nagpahinga si Jane makakatulog sya! Mamamatay sya!! Sam pano na si Jane?”muling sabi nya na naman sakin at halata sa kanyang mga mata ang pag aalala at pinagdidikit nya ang kanyang palad, kapag ginagawa nya yun sign a yun na nagpapanic na si Ella sa loob loob nya
“Kamusta ang lagay nya?” tanong ko sa kanya
“Mataas nga ang kanyang lagnat”
pinuntahan namin sa Lobby si Ella.... nandoon si Anne para bantayan si Jane na hindi makatulog at si Frelle naman ay pinupunasan sya ng maligamgam na basahan.
“Ang lamig… ang lamig!” patuloy na sabi ni Jane habang nangangatog sa lamig
“Ikuwa nyo sya ng kumot” Sabi ni Anne at tumakbo naman si Ella paalis upang sundin ang utos ni Anne
“Ang hina naman ng resistensya ng bobitang yan! Ako nga nasabunutan na, naulanan pa! pero eto ako buhay na buhay!” sabi ni April
“Pano kasi masamang damo ka, immune ka na sa mga ganyan” Narinig kong bulong ni Frelle na halatang may inis pa rin kay April, buti na lang at hindi narinig ni April ang sinabi ni Frelle… kapag narinig sya nun panigurado magkakagulo na naman dito
“Maligo na nga muna kayo, baka magkasakit rin kayo” Sabi ni Anne samin. Tama naman sya eh, Hindi dapat kami magkasakit lahat dahil nga pare parehas kaming walang tulog at baka bumigay na lang kami bigla kapag nagkasakit pa kaming lahat
Maglalakad pa sana ako pero nagulat na lang ako bigla akong hinatak ni April
“Pwede bang mag-usap tayo sa rooftop?” sabi nya sakin. Malakas parin ang ulan sa labas pero bakit naisipan nya pang sa rooftop? Ayoko sanang sumama pero merong part sakin na gusto ko syang pakinggan at ginusto rin naman ng loka loka kong katawan na sumama sa kanya
Kilala naman natin si April eh, tuso yan eh. Pero hindi ko pa rin malaman sa sarili ko kung bakit ako sumama sa kanya
Noong nasa taas na kami, binuksan ko na ang pinto. Pero nabigla ako ng bigla nya akong tinulak, dahilan para masubsob ako sa sahig at basing basa na naman ako ulit ng ulan
“Anong gagawin mo?” Tanong ko sa kanya habang masamang nakatingin
“Kahit kelan bobita ka rin eh!” sabi nya sakin, nagulat na lang ako ng may bigla syang kinuwa na matalim na bagay mula sa kanyang likuran. Hindi ako nagkakamali, Isa iyong kutsilyo
“Kapag pinatay kita ngayon, sigurado na ang safety ko at makakaalis ako ng ligtas sa impyernong isla na to” sabi nya habang tinitignan nya ang pinaglalaruan nyang kutsilyo..... natatakot na ko, hindi ko alam na ganto pa la ang mangyayari, ang tanga ko kasi alam kong tuso itong babae na to pero sumama pa rin ako
“Papatayin mo ko?” Madiin ang bawat salita kong binibigkas, ayokong magpakita ng kahit anong kahinaan sa babaeng ito
“Hinde! Hinde! Pinapakita ko lang sayo tong magandang kutsilyo na nakita ko sa kusina… ganda noh?” sarkastiko nyang sabi sakin at pagkatapos ay ngumiti ng malademonyo sakin

BINABASA MO ANG
Death Game: Don't Fall Asleep
HorrorThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...