Battle # 16

17.3K 628 37
                                    

POV Daryl

"Umalis ka na dito! Hindi na ikaw ang bestfriend ko" Madiin kong sabi sa kanya

"Oh talaga? Bakit ka kaya nagtransfer ng school nung nalaman mong lilipat ako? What a coincidence pa nung parehas tayo ng pinaglipatan" sabi nya at binigyan ako ng nakakalokong ngiti

yeah si Rena ang kausap ko ngayon, my Ex-bestfriend. Simula nung namatay ang kanyang kapatid at magulang kasabay nun ang pagkamatay ng Rena na nakilala ko

"Kaya ako lumipat dahil natatakot ako sa mga bagay na pwede mong gawin" Sabi ko sa kanya

"Concerned ka sakin? I love you bestfriend! Kaso masyado ka ng pakielamera eh. Porke't isa kang anak ng detective? Using your knowledge to F*ck up my game?" Sabi nya sakin at halatang halata ang pagkainis nito

"Please get out... pagod na ko, wag mo ng ipaalala sakin yan!" sigaw ko sa kanya, I Hate remembering the past

"Bakit? Ayaw mong ipaalala ko sayo na Mukhang pera ang tatay mo?!? Tch. How stupid!" Sabi nya sakin then naglakad palabas ng room ko, malakas nyang isinara ang pintuan ko

Pero bago sya lumabas ay mayroon pa syang sinabi

"Ang tanga mo! Binigyan na nga kita ng chance para patayin ako ngayon pero hindi mo ginawa. Acting like a cold hearted one but deep inside you can't kill or hurt anyone" Sabi ni Rena sakin at binigyan ako ng nakakalokong ngiti

"Ikaw rin naman ah... Acting like a though and scary but you are deeply hurt inside" umalis na lang sya bigla na wala ng ibinatong salita o titig man lang sakin

***

[[[ POV Samantha ]]]

Umaga na ngayon, halos medyo nanghihina na kaming lahat dahil sa pare parehas kaming walang mga tulog. Isa pang nakadagdag sa pag aalala namin ay hanggang ngayon ay wala pa rin si Ayano.... wala rin kaming Daryl na nakikita

"Umaga na guys, baka naman pwede na nating hanapin si Ayano? Masyado na kasi akong nag-aalala" Iritadong sabi ni Angel samin, Isa sya sa pinaka nag-aalala kay Ayano dahil malapit nya iyong kaibigan.

"Tara na" Sabay sabay naming sabi pero nung patayo na kami sa upuan ay kasabay nito ang pagkabuhay ng TV sa lobby

May biglang lumabas na mapa, yung mapa na katulad sa mga games. Medyo malaki yung map na iyon, Sa gilid ng mapa ay mayroon na pixelated na mukha ni Ayano yung katulad sa mga retro games... sa isang gilid naman ay mukha ni Rena, Then may bigla na lamang bumagsak na walkie talkie

Agad ko naman iyon dinampot at in-on... nakagilid lang ang iba kong mga kasamahan. Lahat kami ay natatakot sa pwedeng mangyari. Alam namin lahat na isa na naman ito sa mga laro ng baliw na gawa ni Rena

(he-hello.... tulungan mo ko!!! please tulungan mo ko)

Humahagulgol sa iyak si Ayano nung narinig ko ang kanyang boses

pare parehas kaming nagulat nung boglang gumalaw yung pixelated na Rena sa mapa.... so eto ang laro nya

"Ayano! Tumakbo ka papuntang kanan! Bilisan mo, maabutan ka na nya!!" nagpapanic kong sigaw sa kanya dahil patuloy pa rin sa paggalaw ang pixelated na Rena, Tinuturuan din naman ako ng mga kasamahan ko

(Anong ibig mong sabihin?)

"Basta takbo!! If you want to stay alive, please follow what I'm saying"

Mukha naman dun lang sya natauhan, siguro ay tumatakbo si Ayano, dahil magulo ang naririnig ko sa walkie talkie, nakikita rin namin sa mapa na gumagalaw na si Ayano

Death Game: Don't Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon