[[[ POV Samantha ]]]
Gabi na naman, nababalot na naman kami ng puro takot at kaba
Nakakatakot na sa isang iglap lang ay biglang pumikit ang aking mata at wala na kong abutan na umaga
“Gusto ko ng umalis dito” Mahinang bulong ni Frelle
“Natatakot na ko” Dugtong nya pa, paulit ulit nya iyang sinasabi habang nanginginig ang buo nyang katawan
“Oh please nerdy! Stop that bulong thingy! Hindi nakakatulong yang mga pagbulong mo na yan sa sitwasyo natin… nakakairita ka lang peste ka!” sabi naman ni April sa kanya
Nandito kaming lahat sa lobby para narin mabantayan namin ang isa’t isa
Nakarating kami sa islang to na may labing walong na taong buhay, makalipas lamang ang dalawang araw ay walo na lamang kami, gusto ko ng maiyak dahil sa mga nangyayari. Iilan na lamang kaming buhay, Sunod sunod din ng pagkamatay ang nasaksihan ng dalawa naming mga mata
“T*ngna lang! kelan ba matatapos tong bangungot na to?” Malakas na sigaw ni Ella
“Kumalma lang tayo, makakaalis din tayo sa islang ito” sabi naman ni Anne
"kalma ? hahah nagpapatawa ka ba ? namatay na ang sampu nating kasamahan sa loob ng dalawang araw... kalma ? meron pa tayong limang araw dito at walong na lang tayong buhay kalma pa ? " kinalampag ni Jane ang lamesa
“Ang sinasabi ko lang naman is wag kayong magpadala sa takot nyo ngayon”
“ARGH! Napaka iingay nyo!” Sigaw ni Ayano at padabog na lumabas , kinalampag nya pa ng malakas ang pinto
“Bukas kailangan makapag-isip na tayo ng paraan kung paano makakaalis sa lugar na to” sabi ko sa kanila
“Why it should be tomorrow if pwede naman today?” sigaw ni Angel sa kanila
“Bobita! Hindi mo ba nakikita, Madilim na!. mapapahamak lang tayo kung ngayon natin iyon gagawin. Mas better na maghanap tayo ng kanya kanya nating paglilibangan para hindi tayo makatulog” Sabi ni Ella
“Wait gusto nyo bang magising ang mga diwa nyo? Sabi ni April na may nakakalokong ngiti sa kanyang labi at binigyan naman namin sya ng tango bilang sagot
Agad naman syang tumakbo papuntang kitchen at pagbalik nya ay mayroon na syang dala na Beer at shot glass
“Sira ka ba April!?! Lalo lang tayong aantukin nyan sa plano mo eh!” Sigaw ni Jane sa kanya
“Ikaw ang sira! Kapag marami ka lang nainom, duon ka lang malalasing at makakatulog… Pero kapag mag sho-shot ka lang ng mga 1-3 glasses, Magigising ang diwa nyo… don’t worry subok ko na yan kagabi, effective promise!” sabi ni April samin habang nagsasalin sya ng alak sa shot glass
“Try!” Sabi nya kay Angel habang inaabot dito ang shot glass
“Eeew! Why Alak lang? There’s no wine ba? Yuck ah! So pulubi” maarteng sabi ni Angel pero kinuwa nya pa rin ang alak na inaabot sa kanya ni April
lahat naman kami ay tumikim ng alak. yeah, tama si April na hindi ka naman agad tatamaan sa simpleng pagshot lang, actually nakatulong nga sya para magising ang buong diwa namin ngayon..... ngayon ay nagkaron na ko ng idea kung paano gagawin kapag feeling ko ay inaantok ako
“See Guys! Adeh naniwala din kayo sakin, sabi ko naman sa inyo eh. Shot is’nt bad, you should thank me for giving you an idea” sabi ni April samin habang nakangiti
Nililigpit na namin ang mga chips namin kinain at nililinis na rin namin ang lobby
“Guys hanggang ngayon hindi pa rin nakakabalik si Ayano” Biglang sabi ni Frelle at dun lang bumalik sa ulirat ko na nagwalk out nga pala kanina si Ayano
“Oh shit!?!” Nagpapanic naman kaming kumilos lahat
“Wag na kayong lumabas gabi na” sabi ni Daryl samin
“Pero paano si Aya------“
“She can manage herself, Mapapahamak lang kayo kapag lumabas kayo ngayon… madilim na ang buong paligid” Sabi ni Daryl at lumakad na papunta sa kanyang kwarto
“Tama si Daryl, Ginusto ni Ayano na magwalk out eh! Hayaan muna natin na magmuni muni muna si Ayano, im pretty sure naman na wala sa plano ni gaga ang magpapatay sa larong ito” sabi ni April samin
Nagkatinginan muna kaming lahat, and in the end. Sinunod namin ang sinabi ni Daryl, nagstay na lang kami dito sa hotel
I hope na walang mangyaring masama kay Ayano
“Hintayin na lang natin sya dito sa lobby… tutal naman hindi tayo matutulog” sabi ni Ella samin at sinang ayunan namin
Muli kaming umupo sa couch at patuloy na hinihintay ang pagdating ni Ayano. Pero ilang oras na rin kaming naghihintay ay walang Ayano ang tumambad samin… dito na kami nagsimulang kutuban at mag-alala
***
[[[ POV Daryl ]]]
Naglalakad ako ngayon papunta sa aking kwarto, Actually nag aalala din ako para kay Ayano pero hindi ko lang pinapahalata
Feeling ko kasi masyado na silang nakadepende sa mga hula ko. Masyado na silang nakaasa sa mga warning na ibibigay ko… Alam ko naman kasi na dadating yung time na papalya ang hula ko at baka masisi pa ko sa bandang huli
Wala akong superpowers or what so ever!. Im just a keen obeserver kaya naman nalalaman ko ang mga maaring mangyari in near future.. I just observe carefully the things that I feel and see.
Pagkabukas ko ng room ko ay agad akong pumasok… hindi ko inaasahan ang taong bubungad sakin pagkapasok ko
“Anong ginagawa mo dito?!?” Madidiin ang bawat salita kong tanong sa kanya
“Aaaw! Ganyan mo ba Iwelcome ang BESTFRIEND mo? Or should I say your EX-BESTFRIEND?” sabi nya sakin, naaasar lang ako kapag naaalala ko ang mga panahong iyon
BINABASA MO ANG
Death Game: Don't Fall Asleep
HorrorThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...