[[[ POV Samantha ]]]
“Oy Sam! Hindi pa ba tayo papasok sa mga rooms natin? Pagod na kasi akong magtampisaw sa dagat eh” tumatakbo na papalapit na sabi sakin ni Ella.
Umalis na rin yung Yacht na sinakyan namin, Babalikan na lang daw kami after this vacation
“Tara na nga muna sa mga rooms, tignan mo naman kasi oh… yung mga maleta natin nakakalat parin dito sa labas” sabi ni Ella then hinatak ang kamay ko, Actually init na init na rin ako dito sa labas eh kanina pa kasi kami nakabilad dito sa labas. Siguro naman airconditioned ang mga kwarto dito kasi napakainit talaga sa isla
Kanina ko pa hindi nakikita si Lyka… baka naman nauna ng magpahinga ang gaga? Psh! Ang daya talaga ng babaeng yun, hindi man lang kami ininform
Pumasok kaming dalawa ni Ella sa room na pag iistay-an namin
Ang gara nga ng theme ng hotel na to eh dahil school themed sila… nakakasora nga eh, parang imbis na Hotel ang pinuntahan namin parang school lang din, Kaloka!
Nakakapagtaka naman, sabi ni Lyka mataas daw ang security sa lugar na to, pero ba’t wala pa kong nakakasalubong na staff at guard ng lugar?
Baka naman nagmemeeting pa sila nila Lyka? Oo tama! Siguro inaassure ni Lyka na mag eenjoy at magiging safe kami sa lugar na to
“Hala Sam tignan mo oh! Nakalock lahat ng rooms” sabi ni Ella habang pinipihit ang mga doorknobs ng bawat rooms
“Baka na kay Lyka pa yung mga susi at nag uusap pa sila ng mga staff ng hotel na to” sabi ko sa kanya
“Grrr…. Makabalik na nga lang sa dagat grabe nilalamig ako” sabi ni Ella, diba nga lumangoy si Ella sa dagat. Diba kapag umaahon ng dagat feeling mo ang lamig lamig
“WAAAAAH!! TULUNGAN NYO KO!! TULUNGAN NYO KO!!” Bigla na lang kaming nakarinig na malakas na sigaw na nanggagaling sa ground floor
Nagkatinginan muna kaming dalawa ni Ella na para bang pinakikiramdaman ang isa’t isa at nagmadali kaming tumakbo papuntang ground floor
“Tulong! TULONG!” Sumisigaw na papalapit na sabi samin ni Frelle… umiiyak na ito at halos gumapang na papunta samin, Si Frelle ang pinaka nerd ng klase, Magaling sya sa mga mental activities at bobita naman sa mga physical activities
“Si….si LYKA!!” sigaw nya habang inaalog ang aking balikat, bakas sa mukha nito ang takot na kanyang nararamdaman
“Anong nangyari kay Lyka?” seryoso kong tanong sa kanya… pero imbis na sumagot ay itinuro nya ang isang kwarto na bahagyang nakauwang
Dahan dahan akong lumapit papunta sa room, kasabay ng mga hakbang ko ang palakas na palakas na kabog ng dibdib ko
Dahan dahan ko rin binuksan ang pinto ng kwartong iyon, Nagulat at nanlumo ako sa nakikita ko ngayon. Napahagulgol na lang ako ng iyak dahil hindi ko makayanan ang nakikita ko ngayon
dahil nakita ko ang bangkay ni Lyka na nakahiga sa sahig..... naliligo sa dugo ang buo nyang katawan.... hindi ko na rin sya makilala sa mukha dahil lapnos na lapnos na ito..... nakilala ko na lang sya sa pamamagitan ng damit.... may nakadikit na sticky note sa noo nya na nakalagay na "4"
“Sam Ba’t ka umiiyak?” tumatakbong sabi sakin ni Ella, imbis na sagutin ko sya ay napalingon na lamang si Ella sa direksyon kung san ako nakatingin
“Oh my gosh!” napatakip ng bibig si Ella at isa isang pumatak ang kanyang mga luha. Si Frelle naman ay tinulungan akong makatayo pero patuloy pa rin ito sa pag iyak
BINABASA MO ANG
Death Game: Don't Fall Asleep
HorrorThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...