Battle # 1

49.5K 1.3K 483
                                    

[[[POV Samantha]]]

Ako nga pala si Samantha Chua, isa na kong senior high at nag-aaral ako sa St. Mildreds Academy

Ang St. Mildreds Academy ang pinakasikat na all girls school sa buong Pilipinas at matunog naman ang pangalan sa buong mundo, kaso nga lang hindi mo magugustuhan ang mga kasamahan mo dito, dahil nga puro rich kids na babae…. Lahat na ata makakasalamuha mo dito Bratinella, Maarte, Spoiled Brat, Bullies, High Socialites, Well Respected, Heiress of big Companies, Flirt, at matataray.

Since kinder dito na ko nag aral so dapat bigyan nila ko ng Loyalty award, sanayan na lang yan kung paano ka makikisalamuha sa ibang tao, pero sa school na to hindi maiiwasan magkaron ng backfighters, mayayaman eh! Pekean ang labanan

Kung tatanungin nyo ko kung mayaman ako? Yes! Hahaha nilalait ko ang mayayaman pero im one of them pala  noh?

“Okay Class, meron kayong magiging bagong classmates” sabi ni Ma’am Eve pagpasok nya pa lamang sa may room namin, sya ang adviser class namin

 

“Why she need to transfer pa? it’s already gitna ng taon na then she lipat pa” –Angel

“Bakit daw lumipat? Financial Problem?” –Rylie

“Gaga ba kayo! Puro mayayaman lang kaya ang nakakapasok dito” –April

 

Kung ano ano pa ang narinig ko mula sa aking mga kaklase, well may point naman kasi sila, bakit pa lilipat kung kalahati na ng taon diba?

Napatigil na lang ang ingay ng may dalawang babae ang pumasok sa room namin

Parehas silang maganda at parehas mistisa, yung isa is nakanerdy glass at naka dora style ang  buhok, yung isa naman chinitang mapayat….. so dalawa pala ang transferee

“Introduce yourselves young ladies” Sabi ni Ma’am Eve at pinapwesto sa harapan silang dalawa

“Rena Matsui” Sabi ni Babaeng Chinita then nagbow, yun na yun? Walang kachuchu-an sa introduce yourself? Ang boring naman nya

“Daryl Mae Delgado, 16 years old” sabi naman nung babaeng nakasalamin…. Okay! Parehas silang mysterious… hindi ba uso sa kanila ang pagiging madaldal? Baka dahil transfer sila ay nahihiya pa sila

Nakita ko pa sa peripheral vision ko na nagsmirk si Rena kay Daryl…. Ohhhhhkay! Napaka mysterious talaga

Dahil parehas bakante ang dalawa kong katabing upuan ay doon sila pinaupo, dahil nga math ang subject namin at wala naman akong naiintindihan ay tumingin na lang ako sa labas at pinagmasdan ang mga ulap

Doon ko napansin na medyo madilim na pala, mukhang may paparating na malakas na ulan dahil sa lakas ng kulog at kidlat na naririnig namin…. Hindi na kami makapagfocus sa lesson dahil natatakot nga kami na abutan ng malakas na ulan

“Hala, uulan pa yata” bulong ko sa aking sarili then nagkatikot ako sa bag at tinignan ko kung may payong akong dala, but sad to say… wala akong payong

“Ella buksan mo naman yung ilaw, ang dilim na eh.” Narinig kong sabi ni Joyce, tumayo naman si Ella at binuksan ang ilaw…. Grabe! Parang katulad na sa mga horror movies na napapanuod ko itong school namin dahil sa dilim

Ganto yung sa mga Horror movies eh!.... didilim tapos isa daw samin ang pumapatay… tapos tapos-------- Ay! Grabe Samantha kung ano ano na yang tumatakbo sa isip mo!

Naputol naman ang pagmumuni muni ko ng biglang kumulog ng napakalakas na nagpatili sa karamihan samin, then meron pang mas malakas na kulog ang sumunod at nawalan ng ilaw sa room kaya dumilim

Dahil nga puro maarteng rich kid ang nandito, nagpanic sila este! Kami

“WAAAAAAAH!” naririnig kong hiyawan ng mga kaklase ko, nagkakatungguan kami dahil sa pagpapanic

“AYAW MABUKSAN NG ROOM!!” sigaw ni Myra, hindi nga naming sya Makita dahil madilim, naririnig ko na lang ang pagkalampag nya sa may pinto ng room

Bakit ganun? Feeling ko mayroong  tumatama sakin na malapot at mainit na tubig sa katawan ko

“WAAAAAAAH!!!”

Lahat kami ay nagpanic dahil isa isang nabasag ang mga salamin sa loob ng aming room,  napakapit na lang ako sa kamay ng isa kong kaklase , hindi ko nga sya makilala eh, basta napakapit na lang ako sa kanya dahil sa takot

“ASAN NA KAYO!?!” narinig kong sigaw ni Jane

Medyo nagkaliwanag ng biglang maglabas ng cellphone si April at inilawan kaming lahat gamit iyon

“A-anong nangyayari?” takot na takot na sabi ni Frelle

“Aba’y ewan namin! Kami may gawa? Kami may gawa?” pang aaway sa kanya ni April, kahit kelan talaga lagi nyang binubully si Frelle

Muli kaming nakarinig ng isang malakas na kulog at kidlat, muli kaming napatili dahil sa takot….. pero after ng kulog ay bigla ng lumiwanag at nabuhay na ang mga ilaw sa room

Nagulat kami at nagkatinginan lahat dahil nakita naming na puro dugo ang aming mga suot, ang mga kaklase ko ay nakita kong may nagtatago sa ilalim ng lamesa at merong magkayakap. Lahat kami ay nanginginig. Bakas sa mga mukha naming ang takot

Pero ang mas ikinagulat naming ng Makita naming na nakahiga sa sahig ang walang buhay na katawan ni Ma’am Eve

“WAAAAAH!!!” sigaw ko na lang dahil ang kamay ko palang hinawakan kanina dahil sa takot ay ang putol na kamay ng aming guro, yung iba ko mang kaklase ay may hawak na iba’t ibang putol na bahagi ng katawan na galling kay Ma’am Eve… puro dugo sa buong lugar

Lahat kami ay nabato sa kinatatayuan naming dahil sa takot ay hindi agad kami makapag react sa mga nangyayari… napalingon kami sa board ng may nakita kaming sulat

“WANNA PLAY A GAME?”

Yan ang nakasulat sa board gamit ang dugo

Nung nabalik na kami sa ulirat, lahat kami ay nagmamadaling tumakbo palabas ng room naming… nagulat at natakot pa nga samin ang mga taga ibang section ng Makita nila kami…. Puro kasi dugo ang mga uniform naming at ang mga mukha naming, grabe! Para kaming galling sa isang massacre

Lahat kami ay umiiyak sa takot, first time lang may mangyaring ganto sa school naming… natatakot na ko sa mga susunod na mangyayari

Death Game: Don't Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon