Battle # 8

19.8K 750 63
                                    

[[[ POV Samantha ]]]

nandito ako ngayon sa loob ng room ko, lahat ng connection tinry ko na para makaalis sa demonyong lugar na to

pagkatapos ng pagkatapos ng game ay agad akong nagchecked ng internet sa laptop ko. Naghanap din akong wifi connection pero wala pa din.... kahit sa cellphone  tinignan ko kung magkakasignal pero bigo pa din ako

oo nga at may dala kong baril pero hindi naman ako sanay sa paggamit nito at natatakot rin akong gamitin yun

“Players the food was ready~ Please proceed to dining area”

Yan ang narinig kong announcement… Dali dali kong cinompose ang aking sarili para mabalik ako sa aking katinuan

“Aja Sam! Mabubuhay ka pa” bulong ko sa sarili ko habang mahinang tinatapik ang aking pisngi

Paglabas ko ng pinto

“Oh Sam! Anong nangyari sa mukha mo?!? Ayos ka lang ba!?!” tumatakbong papalapit sakin si Ella habang nakabuntot naman sa kanya si Frelle at Jane

“Ah! Wala lang to!, nagkaron lang ng konting problema habang nasa game” sabi ko sa kanila. Nakaband aid na rin ang aking mga sugat kaya naman hindi na nila makikita ang baon na baon na sugat dahil sa pagkakakalmot sa kanya ni Ingrid

“Sinong may gawa nyan? Muntikan ka ng madaya?” tanong sakin ni Jane

“Ingrid” Tipid kong sagot sa kanila pero im sure nagets naman nila yun

“Grabe talaga yung babaeng yun! Napakadesperada, nagawa nya pang sirain ang maganda mong mukha” sabi sakin ni Ella pero hindi ko sila kinibo. Naglakad na kami papuntang kitchen

“Wala ba kayong napapansin?” tanong bigla ni Frelle

“Bukod sa magandang mukha ni Sam na nasira, ano pa ba ang dapat naming pansinin?” sarkastikong sabi ni Ella

“Diba may narinig tayo kanina na mga sigaw pagkatapos ng game at dito yun sa hall nanggaling. Deh ibig sabihin dito pinatay ng killer ang dalawang babae, Bat walang blood stain? Tsaka ba’t parang ang ayos ayos pa din ng lugar?” Makahulugang tanong samin ni Frelle. May point sya eh! Bakit nga ba walang blood stain?

“Like duh?!? Matagal tagal din tayong nagstay  sa kanya kanya nating rooms, baka nalinis na ng killer yung mga dugo” sarkastikong sabi ni Jane pero kahit ganun, may point din tong babaita na to eh

Pero imbis na isipin kong mabuti kung nasan nga ba ang dalawang bangkay at kakaibang ayos ng hall ay nagtungo na lang kami sa dining dahil gutom na kami

Pagdating namin sa dining ay mayroon kaming nakitang isang mahabang round table

“Sino ang wala?” Bungad na tanong ni Anne. Ngayong wala na si Lyka, Si Anne na lang ang natitirang matapang at leadership skill samin… Hindi man halata pero ramdam ko na karamihan samin ay kay Anne humuhugot ng lakas para magpatuloy lumaban

“Si Ingrid at Fate” Mahinang sabi ni Myra, Sa aming lahat, Si Myra ang pinakamahiyain

Naupo na lang kaming lahat sa mga upuan, Ang sasarap nung mga pagkain na nakahain. Mukha naman palang hindi kami gugutumin dito

“Wala bang lason ang pagkain na it-------Oh Frelle andito ka pala! Im glad that you manage to survive” sabi ni April at ngumiti ng puno ng kaplastikan kay Frelle… Si Frelle naman ay naikuyom ang kanyang mga palad dahil sa galit at inis kay April

“Wag na muna kayong magtalo, Nasa hapag kainan tayo” Sabi ni Ella at  umupo sya sa pagitan ni Frelle at April, Baka kasi bigla na lang magwrestling yang dalawa na yan dito. Naku patay na! sayang ang pagkain

Napakasasarap ng pagkain, tamang tama ang pagkakaluto sa lahat!. Tahimik lang kaming kumakain lahat ng biglang may narinig kaming ingay galing sa kisame

“Narinig nyo yun?” nagkatinginan kaming lahat, sabay sabay kaming napatingin sa kisame

Lahat kami ay nakikiramdam lang sa kung ano ang susunod na mangyayari, Parang ayokong tignan ang kisame dahil sa takot pero hindi magawa ng mata ko na ialis ang tingin dito

“WAAAAAH!!!” sabay sabay kaming napasinghap at napasigaw. Lahat kami ay napatakbo palayo ng table

Pano ba naman biglang bumagsak ang walang buhay na katawan ni Fate sa gitna pa mismo ng table. Puro galos ang katawan nito, Merong mga pako na malalim na nakabaon sa mukha nito… bali bali din ang buto sa paa at bawat daliri

Meron samin ang mga nasuka dahil nga kumakain kami ng biglang bumagsak ang bangkay ni Fate

Yung iba samin ay napatakbo palabas ng Kitchen

“WAAAAAAH!!” sigaw nila at napaupo sila sa sahig

Paano ba naman kasi pagkabukas nila ng pinto ay bangkay agad ni Ingrid ang bumungad sa kanila… Nakikita ko pa ang mga natuyong dugo sa mukha ni Ingrid dahil sa pagkakahampas ko dito ng Flower vase, Putol din ang dalawan kamay nito.

“Tulong!! KYAAAAH!” halos nagkakagulo na sa loob ng kitchen dahil sa mga nakikita naming mga bangkay… napapapikit na lang ako dahil sobra na tong nangyayari samin, Isa na tong malaking bangungot!

“Ano nararamdaman nyo na ba na nasa sarili KONG laro kayo?” nakangiting demonyo samin si Rena

Napatigil kaming lahat at takot na napatitig kay Rena

“Ano!?! Nag eenjoy na ba kayo sa laro natin? OO! Ako ang may pakana ng lahat na to! Napakalaki nyo lang tanga dahil sumama pa kayo sa bakasyon na to! This vacation will be the worst vacation in your life” sabi nya samin

“HAYOP KA!!” nakaamba ng susugod si Anne pero pinigilan lang namin dahil biglang naglabas ng baril si Rena

“SIGE!?! Subukan mong lumapit sakin kung gusto mong sumunod sa presidente nyong bobita!” sabi ni Rena habang  nakatutok sa ulo ni Anne ang baril

Napatingin ako sa baril na hawak ni Rena… at iyon ang dala dala kong baril

“Naramdaman nyo na ba ang saya sa laro natin? Pero sa ngayon bibitinin ko muna kayo, pero bukas sisiguraduhin kong maglalaro ulit tayo at iaassure ko naman sa inyo na bukas, mas masaya, mas madugo, at mas brutal ang mararanasan nyo. Pero sa ngayon magpahinga muna kayo” sabi nya samin

“And one more thing! Bawal matulog habang nandito kayo sa isla. Ang taong makakatulog ay wala ng umaga ang dadating sa kanya, You will just going to rest players but please! Don’t Fall ASLEEP!!!” pagkasabi nya ng ‘asleep ay meron syang kutsilyo na dinampot at inihagis samin

“KYAAAH!” lahat kami ay napasigaw dahil sa bilis ng mga pangyayari

Bigla kaming napatingin sa direksyon na pinaghagisan ni Rena ng kutsilyo… lahat kami ay napasinghap dahil sa gulat

Bigla na lang bumulagta ang katawan ni Gabby habang tagusan na nakasaksak sa kanyang noo ang kutsilyo… maraming dugo ang umaagos

“WAAAH!!” sabay sabay naming sigaw at dumistansya pa lalo kay Rena

“Hahahahah! Gusto ko lang mabigyan kayo ng thrill, Wag kasi masyadong pakampante dahil anytime, kaya ko kayong patayin… just be careful guys!”

“ALWAYS REMEMBER! DON’T FALL ASLEEP”

Death Game: Don't Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon