POV Samantha
Hindi ko inaakalang may mabigat pa lang dinadala si Daryll. Gusto kong tumulong sa kanya ngunit alam kong wala ako sa lugar at wala rin naman akong maitutulong sa kanya, naawa rin ako sa kanya dahil sya ang naghihirap para lang sa pagkakamali na nagawa ng kanyang ama
“Oh my god Sam! Your so hibang na, your always tulala na” maarteng sabi sakin ni Angel
“Sam ayos ka lang ba talaga?” tanong naman sakin ni Ella at bakas dito ang pag aalala. Kapag nakikita ko silang lahat, hindi ko maiwasan na maisip ko yung mga naisip ko kahapon... natatakot ako na magkatotoo yun at tuluyan ng mawala ang mga kasamahan ko
“A-ayos lang ako” Sabi ko sa kanila at inayos ang pagkakapusod ko sa aking buhok
“Ang sarap mong sampalin bitch! Parati kang lutang!” sabi ni April habang nilalagyan nya ng thermometer si Jane... titignan nya kung may changes na sa sakit at condition ni Jane
“Wala to medyo napapagod na siguro ko.” Sabi ko sa kanya, hanggang ngayon hindi parin lumalabas sa CR si Daryl. Mas pinili nya kasing mapag-isa duon at umiyak, gustuhin ko mang damayan sya pero sino ba ko para bigla na lang umepal sa senti moment nya?
“Guys ihahanda ko lang ng makakain si Jane” Sabi ni Ella at pumunta na sa kitchen, naiwan naman kaming dalawa dito ni Anne sa lobby
Malaki nga ang admiration ko kay Anne dahil nakaya nya yung mga pagbibintang sa kanya... naipaglaban nya ang kanyang rights.... basta alam nyang nasa tama sya, lilinisin at lilinisin nya ang kanyang pangalan
“Sam ano ba ang bumabagabag sayo? Simula nung araw na nasugatan ka sa kitchen sabi ni Angel nagging lutang ka na daw” Mahinahong sabi sakin ni Anne at bakas ko sa mga mukha nito ang matinding pag aalala para sakin
“Yeah, she’s like nalulukaret na! like ohmaygahd!. Hindi nya nga napansin na im healing her sugat na so very kaderder” Maarteng sabi ni Angel… selan naman nito! Padilaan ko pa sa kanya yung sugat ko sa kanya eh!
“Sam kung may problema ka wag mong solohin, iisang team tayo dito. Kapag nanghina ang isa, apektado ang lahat” Explain sakin ni Angel
“Wala may inaalala lang ako at im hoping na hindi magkatotoo yun”
“Mukha naman na walang balak magkwento tong malanding bitchesa na to. Pabayaan nyo na nga lang sya! Pa VIP pa eh”
“Epal naman yung isa” Narinig kong bulong ni Frelle. Naalala ko bigla yung mga sinabi sakin ni April, nangiti naman ako bigla kasi naamaze talaga ako sa ginagawa nya para kay Frelle
“Oh! Look oh! Look oh! Sam is so baliw na!. She’s just smiling without any reason… Oh Sam! Baka mashock na lang kami na bumubula na ang iyong mouth dyan” conyo na naman sabi sakin ni Angel
hindi naman maiwasan na matawa na lang sa pagkakadeliver ng mga salita na sabi ni Angel samin
***
Dumating na sa loob ng lobby si Ella… dun ko napansin na kasama nya na ngayon si Daryl, dala dala ni Ella yung sopas nya na niluto para kay Jane
“Waaah! Ella! Your sopas is so bango! Can I make tikim? Gosh im so takam na!” Sabi ni Angel at akmang kukunin na ang kutsara para humigop ng sabaw, Pero agad na hinampas ni Ella ang kanyang kamay
“Baliw ka ba? Para sa may sakit to” Sabi ni Ella kay Angel at iniwan na ito para lumapit kay Jane
“Oh Jane humigop ka muna ng sabaw” Sabi nya kay Jane. Umayos naman ng pagkakaupo si Jane at kinuwa ang kutsara para humigop ng sabaw
“Alam mo Ella your so damot talaga, it’s just a simple sopas lang naman eh” sabi ni Angel at parang batang nagtatantrums
“Para nga kasi sa may sakit yung sop------- OH MY GOD!! WHAT’S HAPPENING!!” Napasinghap at napasigaw naman si Frelle nung Makita nyang nangingisay at bumubula ang bibig ni Ella
Nakatirik ang mga mata ni Jane at kitang kita ang puti nito. Gumugulong naman sya sa sahig dahil sa sakit na kanyang nararamdaman
“WHAT THE FUCK ELLA!! ANO BANG NILAGAY MO SA SOPAS MO NA YAN!?!” Malakas na sigaw sa kanya ni April
“H-hindi ko alam... Wala akong alam sa kung anong nangyayari!!” naguguluhang sabi ni Ella at lumapit pa kay Jane at niyakap ito
Napansin namin na dugo na ang umaagos mula sa bibig ni Jane... Doon na kaming nagsimulang kabahan lahat lahat
“OH MY GOD!! SHIT! WHAT’S HAPPENING!!” naghi-hysterical na sigaw ni Angel
“hindi ko alam!! Hindi ko alam!!” umiiyak na sabi ni Ella habang yakap yakap pa rin si Jane
“Pinaplano mo bang lasunin kaming lahat? Para ano?!? Makaalis sa islang to?” Sigaw naman ni April
“Hindi ko alam!! Hindi ako ang may gawa nito! Hindi ko alam!!” sigaw ni Ella at tumutulo ang kanyang mga luha
Dun namin napansin na wala ng buhay si Jane.... punong puno ng dugo ang kanyang damit at patuloy pa rin sa paglabas ng malalapot na dugo sa kanyang bibig
“Anong ginawa mong bitch ka!!” Lalapit sana si Angel para saktan si Ella pero agad naman syang napigilan ni Frelle
“Acting like the good bestfriend huh? Lahat talaga ng mga kabaitang pinapakita ngayon oo, imposible na wala ng hidden agenda” Nakangising sabi sa kanya ni April
“Masisisi nyo ba ko!?! Kung bakit ko to nagawa?” umiiyak pero nakangiting sabi ni Ella, It’s not just a simple smile.. it’s a real demonic smile
“What a bitch!”
“Alam nyo bang pinaplano kayong patayin ni Jane? Ahahaha MGA TANGA!! Alam nyo bang gusto nya ng makaalis dito sa islang to? Makaalis kaming dalawa dito? Hindi nyo alam? KASI NGA MGA BOBO KAYO!!, Pinaplano nya kayong patayin!”
“Pano naman kami maniniwala sayo?” Madiin ang bawat salita na sabi ni Angel… inilabas naman ni Ella ang kanyang cellphone at may pinarinig samin
" Gusto mo bang makaalis tayo dito ? " narinig naming nagsalita si Jane
“Gaga! lahat tayo gustong makaalis dito"
"I have a plan...... let's kill them"
"Seryoso ka ba sa sinasabi mong yan Jane?"
"Pretty serious..... i will play the role the sakit sakitan role tutal naman nilalagnat ako"
“Oh ano naniniwala na kayo?”
“Pero paanong----“
“Ewan ko! Pero ginawa ko lang naman ang bagay na sa tingin ko ay tama… isang buhay kapalit ng buhay ng lahat! Sounds great right?” Sabi ni Ella sabay tadyak ng malakas sa mukha ng walang buhay na si Jane
“Oh bitch!” sabi ni Ella at dinuraan pa nya ang mukha ni Jane… Nanginig bigla ang tuhod ko dahil parehas ko silang kaibigan. Hindi ko lubos akalain na buong oras na magkakasama kami… nagpaplastikan lang pala silang dalawa
“Hindi to totoo!”
Feeling ko mas maganda pa yung nangyari sa guni guni ko, Keysa ngayon na sarili kong mga kaibigan ang nagpapataya, ang sakit! Ang sakit sakit!!
BINABASA MO ANG
Death Game: Don't Fall Asleep
HorrorThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...