POV Anne
Makalipas ang halos isang oras ay nandito na kaming lahat sa auditorium pero hanggang ngayon ay wala parin si Daryl
“Nasan na ba yung Daryl na yan! Pa VIP AH!” sabi ni April samin at umirap
Sakto namang bumukas ang pinto ng Auditorium at tulad ng inaasahan dala nya yung black bag na nakita nya sa bodega.
“Oh Dalian mo Daryl umupo ka na at sabihin ang gagawin natin sa plano sa pag iimbestiga” yamot na sabi ni Jane. Yun kasi ang sinabi ko sa kanila na pinapapunta sila ni Daryll sa Auditorium kasi magplaplano kami kung paano magiivestigate, para naman sumang ayon ang lahat.
“Anong sinasabi nila?” tanong ni Daryl sakin na mukhang naguguluhan sa sinabi ni Jane
“Diba iyon ang dahilan kung bakit mo kami pinapunta dito?” nagtatakang tanong naman ni Frelle
“Hindi. Pinapunta ko kayo dito kasi gusto kong sabihin sa inyo na nalutas na namin ni Anne an g Homicide case ni Keana at Elsa” Sabi ni Daryl kaya naman lahat sila ay napatingin sakin
“So umamin ka na pala kay Daryl?” Pang-aasar sakin ni April at muli akong inirapan
“Kaya ngayon sasabihin mo na din kung pano mo ginawa ang krimen?” Gatong ni Ayano
“Buti naman at nakonsensya ka na!” sabat pa ni Ella… grabe ang sasakit ng mga sinasabi nila sakin, parang sinasaksak ang puso ko
“Ano tapos na kayo? Sabihin nyo nga! May ebidensya ba kayo sa mga akusasyon nyo sakin?porke’t may lason kayong nakita sa kwarto ko ako na agad? Kung makapagbintang kayo akala nyo naman napakalilinis nyong tao… Parang ako lang ang masama dito ah! Puro lang naman kayo hinala eh!” Naiinis kong sigaw sa kanila… pagkatapos nun ay nabalot ng katahimikan ang buong auditorium
“Ehem! Tulad nga ng sabi ko kanina nalutas na namin ang kaso ng pagpatay, alam na namin ang lahat” pambasag ni Daryll sa katahimikan at tumingin sya sa akin na parang gusto nya ako ang magpaliwanag. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kanya
"Nangyari ang krimen ng sa pagitan ng 3-5 ng umaga. Sinimulan nya ang krimen sa pagpapapunta kay Elsa sa kwarto nito gamit ang isang note. Una nyang ginawa ay ang pagpapainom kay Elsa ng tubig na may lason at habang umeepekto ang lason tsaka nya nilaslas ang leeg nito at ----------."
"Wait! Kung nilaslas nya ang leeg nito dapat tatalsik ang dugo ni Elsa sa damit nya pero wala namang nagpalit ng damit sa atin, kung ano ang suot natin kagabi yun din ang suot natin ngayon?" sabat ni Lucy.
“Syempre gumamit sya nito” Sabi ko at inilabas ko ang coat at gloves na punong puno ng dugo sa black bag na bitbit ni Daryl
“S-san nyo nakuwa yan?” Tanong ni Myra.
“Nakita namin ito sa lumang bodega” Paliwanag ni Daryl kay Myra
"Habang pinaiinom nya ang tubig na may lason kay Elsa pumunta sya sa banyo at sinuot ang coat at gloves na tinago nya agad pagpasok nya sa kwarto ni Elsa at nang umepekto na nga ang gamot lumabas sya at nilaslas ang leeg ni Elsa sa pamamagitan ng kuko nya-----"
“WHAT!?! You mean kuko ang ginamit na killing weapon!?!” Gulat na gulat na tanong ni Ella.
"Bukod sa ngipin ang kuko ang pinakamatalas na parte ng katawan ng tao kung gugupitin mo namn ang magkabilang gilid noon mas lalo itong tutulis at kung tama ang hinala ko ang kuko sa hinlalaki ang ginamit ng killer sa pagpatay dahil sa limang daliri ng tao ang hinlalaki ang may pinaka malakas na pwersa." paliwanag ni Daryll kay Ella bago pa ako makapagsalita.
"Nang malaslas na ng killer ang leeg ni Elsa lumabas sya sa kwarto ni Elsa at nagtago sa pinakamalapit na kwarto, sunod namang pumunta si Keana sa kwarto ni Elsa. Sinadya ng killer na iwan ang bangkay ni Elsa sa kwarto nito para makita ito ni Keana at magpanic ito at hindi nga sya nagkamali pagpasok ni Keana sa kwarto nito ay pumasok sya agad para di ito makasigaw dahil nerbyosa si Keana kunwari nya itong kinalma sa pamamagitan ng pagpapaupo ng killer kay Keana sa kama ni Elsa at pinainom ng tubig at kagaya ni Elsa di alam ni Keana na may lason din ang tubig na yun at habang iniinom nya ang tubig nabitawan nya ang baso.Ginawa ulit ng killer ang ginawa nyang paraan ng pagpatay kay Elsa ng walang kahirap hirap. Tinago ng killer ang mga gamit nya sa isang kwarto. Pagkatapos noon patay malisya syang pumunta sa kitchen . Umarte sya na parang walang nangyari at nang mag announce na si Rena makalipas ang ilang saglit itinago nya ang gamit sa lumang bodega. Tama ba ko
.
.
.
.
Myra?” pagtatapos ko
“Teka ano bang pinagsasabi mo Anne? Bakit ako? Sa tingin nyo ba magagawa ko yun? Magkaibigan tayo, imposibleng magawa ko yan!” sabi ni Myra habang nagpapaawa sa lahat… Ang sarap sampalin ng babaeng to kaliwa’t kanan
“Yun na nga eh! Hindi ko lubos akalain na ikaw pa ang gagawa nun dahil MAGKAIBIGAN tayo” sabi ko then inemphasize ko talaga ang salitang kaibigan
“May patunay ka ba ngayon sa mga sinasabi Anne?” Tanong naman ni Ella
“Patunay? pagtinanggal mo Myra yang jacket mo ngayon may makikitang dugo sa bandang likod ng damit mo. Nakuha mo yan habang hinuhubad mo ang coat mo noong pinatay mo sila Elsa at Keana. Di mo napansing inihawak ni Keana ang kamay nya na may dugo sa likod mo at dahil nga malamig kanina hanggang ngayon naisipan mong magjacket kaya kung huhubarin mo yang jacket makikita mong may dugo sa likod mo." naiiyak kong sagot.
Nagkaron muna ng panandaliang katahimikan at tumawa na parang baliw si Myra
“Ha-haha-hahahaha! Pano nyo nalaman na ako?” tanong ni Myra makalipas ang ilang minuto
“Dahil di ka naging maingat nilinis mo nga lahat ng ginamit mo sa pagpatay pero nakalimutan mo namang iligpit ang pinakamahalagang ebidensya na magtuturo sayo at yun ang note na binigay mo sa dalawa bukod sa alam ni Anne ang penmanship mo nakaaddress naman ang pangalan mong sender doon sa note na binigay mo kay Keana."paliwanagni Daryll noong hindi ako magsalita.
“tss!! Bagay lang naman iyon sa dalawang impokrita na yun eh! Mga sinungaling sila! Sinabi nila na walang originality ang botique ng mommy ko kaya naman nagkasakit tuloy si mommy that time… at Namatay!” umiiyak na sabi ni Myra
“Pero bakit ako? Bakit ako ang gusto mong mapagbintangan? Ano bang kasalanan ko sayo? Hindi ba kaibigan kita?” sabi ko at isa isa narin pumatak ang mga luha ko
"Dahil sawang sawa na ako ! Sawang sawa na ako na ikinukumpara sayo! Sawang sawa na ako na lagi na lang pangalawa! Lagi na lang na ikaw ang hinahangaan, ikaw ang magaling , ikaw ang sikat, ikaw ang dapat tularan, IKAW ! IKAW! IKAW!"
naghyhysterical na sigaw ni Myra. Di na namin nagawang magreact dahil namatay sindi ang ilaw sa auditorium at nakita naming si Rena sa pinto pumapalakpak.
“Well, Well, Well, Napakadrama mong gaga ka! Pero I would like to congratulate you guys, specially Anne dahil nakaligtas kayo at para naman sayo Myra may little surprise akong inihanda” Sabi ni Rena while wearing her demonic smile
"Punishment Time!" sabi ni Rena at namatay ang ilaw. Nang sumindi ang ilaw wala na si Rena sa pintuan.
“WAAAAAAAAH!!” agad kaming lumingon kay Myra at nakita namin na tinaga ni Rena si Myra sa braso gamit ang isang butcher knife kaya bumagsak sya sa sahig. Tumatalsik ang mga dugo sa buong katawan ni Rena pero hindi nya ito pinapansin
“Hahahaha! Ganyan nga! Magdusa ka! Mamatay ka na! Eto pa! eto pa!” Nababaliw na sigaw ni Rena habang patuloy nyang tinataga si Myra sa mukha, tiyan, dalawang hita at dibdib nang paulit ulit.
Walang ni isa sa amin ang magawang gumalaw kahit ang magreact man lang dahil sa sobrang nginig at gulat. Nang halos luray luray na ang katawan ni Myra tumingin sa amin si Rena habang nakangiti na parang isang baliw. Kinilabutan kaming lahat kaya napaatras kami. Biglang ulit namatay ang ilaw at nang sumindi ulit ito wala na ni isang bakas ng Rena sa kwarto.
Dahil sa nangyari mas lalo naming ginusto na makaalis sa lugar na ito.

BINABASA MO ANG
Death Game: Don't Fall Asleep
HororThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...