Battle # 2

33.2K 1K 172
                                    

[[[POV Samantha]]]

Ilang araw na rin ang lumipas simula ng matapos ang insidenteng iyon, hanggang ngayon nga ay hindi parin nagsisink in samin ang pangyayaring iyon, hindi pa rin kami lahat makapagmove on

Kung titignan mo ang room naming parang ang normal… ngumingiti nga sila pero halata naman na puno iyon ng kaplastikan, alam mo yun? Lahat ng gawin namin sa room pilit. Wala parin kaming teacher hanggang ngayon dahil wala pang pumapalit kay Ma’am Eve…. Wala naman ibang teacher ang gusting mag substitute para turuan kami.

“Excuse me po” sabi nung batang sumilip sa room naming, mukha lang syang middle schooler base sa suot nyang uniform at hubog ng katawan nya

“Anong kailangan nila?” mahinahong tanong ni Ella habang papalapit sya sa bata

“Sino po ba dyan si Rylie?”

“RYLIE! MAY HUMAHANAP SAYO!” malakas na sigaw ni Ella….nakuwa nya naman agad ang atensyon ni Rylie na kasalukuyang nakikipagkwentuhan sa kanyang mgabestfriend

“Pinapatawag ka pos a office” sabi nung bata at tumakbo na paalis

Lahat kami ay napatingin kay Rylie na naglalakad palayo sa room naming, bakit kaya sya pinatawag?

“Guys! Hindi ako criminal! Wag nyoakong tignan ng ganyan…. It’s creepy you know!” sabi ni Rylie at nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng room naming

As usual! Dahil nga isang all girls school to, pagkalabas pa lamang ni Rylie ay umugong na naman ang napakalakas na chismisan at bungisngisan ng mga kaklase ko

“Alam nyo ba! Lilipat dawn g school si Rylie” kwento ni Joyce na ikinatahimik ng buong room naming

“Talaga? Bakit daw?” curious na tanong sa kanya ni Jane

“Dahil daw sa nangyaring pagpatay kay Ma’am Eve, grabe noh? Ang lakas mang iwan sa ere ng babaeng iyon” sabi ni Joyce at nagsimula na naman ang malalakas na bulungan mula sa aming room

Dahil nga isa itong all girls school, asahan nyo nang may pakpak ang balita at malalakas ang pandinig ng mga tsismosa

“Rena san ka pupunta?” tanong ko ng makita kong tumayo si Rena sa upuan, lakas ng loob kong magtanong noh? Feeling close kase ako madalas

“Break time na, kakain ako… ikaw ba hindi kakain?” pagbabalik nya ng tanong sakin

Tumingin namana ko sa orasan at saktong 10:00 AM na nga… Break time na nga naming, iba iba ang oras ng break time sa school na to kaya hindi masyadong hassle sa pagpila… mga dalawang section lang ang makakasabay namin papunta sa cafeteria…. Marami narin sa mga kaklase ko ang nagsisilabasan para magbreak

“Sam tara na!” sigaw sakin ni Joyce kasama si Ella at Jane, nakasanayan na kasi naming apat na magbreak ng magkakasabay

“Papunta na! sige Rena magbebreak na ri--------- hala asan na yung babae na yun?” naitanong ko na lang sa sarili ko ng paglingon ko ay wala na kong makitang Rena, kanina lang ay nakatayo sya sa gilid ko ah!... baka nauna na, siguro dala na rin ng sobrang gutom nya tsaka bored na sya sa room, wala kasi syang kinakausap eh

“Hello! Samantha Chua! Sige lang bagalan mo pa! hindi ka naming hinihintay eh. Sige take your time” sarkastikong sigaw sakin ni Jane

“Ah---- oo ayan na ko! Tara na!” Sabi ko sa kanila at tumakbo na ko papunta sa kanila…. Habang naglalakad kami papunta sa cafeteria ay nadaanan naming si Daryl na naglalakad pabalik ng room

“Hi Daryl!” sabay sabay naming bati sa kanya, ganto lang talaga kami! Kilala kami sa school na to dahil sa kakapalan ng mukha naming at sa sobrang FC naming

Death Game: Don't Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon