Battle # 6

24.6K 785 222
                                    

POV SAMANTHA

"GUYS ANO READY NA BA KAYO?" masiglang sigaw samin ni Lyka, andito kami sa may school gate at hinihintay ang pagdating ng bus na inarkila namin

Pinayagan naman kami ng school namin na magbakasyon ng isang linggo,k ailangan daw namin to. Okay, yun lang naman ang magagawa ng school eh. Syempre pagbabakasyunin na kami nyan dahil kapag nagbabakasyon kami at may nangyaring patayan hindi madadawit ang pangalan ng school

Sanayan na lang naman talaga yan eh! Tatlong linggo nung nagsimula ang curse….. pati ako ay napapaniwala na sinumpa ang section namin. Sa first week nawala si Ma’am Eve at Rylie, sa second week si Jacky, and sa third week ang pinakamasakit… nawala na ang isa sa matalik kong kaibigan, si Joyce

 Kamakailan lang nailibing si Joyce… kami kami lang magkakaklase ang dumalo sa burol nya pati na rin sa libing nya…. Syempre naniniwala ang ibang section na sinumpa talaga kami

Meron pang nangyari kagabi eh, habang inimpake at inihahanda ko ang mga gamit ko kagabi para sa vacation na to, Nakatanggap ako ng text galing sa unknown number…. Actually sya rin yung unang nagbigay sakin ng warning

From: 093++++++++

The killer was with us tomorrow… better bring your 5 senses, bring a gun too maybe you can use it :)

 

Yan yung nakalagay sa text na nareceive ko kagabi, hindi ko alam kung sino sya, pero binansagan ko syang Angel dahil lagi syang andyan to give us a warning

That night, pasimple akong pumasok sa kwarto ng parents ko then kinuwa ko sa isang kahon nila ang isang pistol na nakatago. That pistol, ginagamit lang namin sya para pandepensa…. Siguro naman in my situation magagamit ko sya bilang pandepensa hindi ba?

Naputol naman ang malalim kong pag iisip ng may marinig kaming isang malakas na busina, mahaba habang biyahe din kasi malayo ang private island nila Lyka… after namin sumakay ng bus ay sasakay kami sa yacht, malaki naman ang yacht nila Lyka eh… im sure na magkakasya kami dun

Sumakay na kami sa bus at im hoping na sana ay walang mangyaring masama samin

“Guys! Pano kung isa isa tayong mamatay dun sa isla?” malakas na sigaw ni Gabby, grabe napapraning na sya pero at the same time, may point naman talaga sya

“Ano ba Gabby! Why are you make alala ba about sa curse thingy? We’re going there para magpakasaya and pansamantala nating makalimutan ang mga problems” Maarteng sabi ni Angel… si conyo girl ng klase

Narinig kong nagstart na ang engine ng bus… nakaupo kami sa pinakadulong seats, yung pangmaramihan, kasama ko si Anne, Jane at Ella.

Habang nasa biyahe kami ay nakatulala lang ako sa may bag ko, sa loob ng bag ko na yun ay andun yung baril

Nakapagdesisyon na ako kagabi na kung sino man ang gumagawa ng pagpatay, I will end up her life… Baliw na kung baliw! Para samin tong gagawin ko.

“Sam ayos ka lang ba? Kanina ka pa seryoso dyan ah!” biglang kalabit sakin ni Ella na nakapagpabalik sa ulirat ko, napalingon naman ako sa katabi ko sa kabilang side, napansin ko si Jane

Simula ng nawala si Joyce, madalas na syang tahimik at halatang halata sa kanyang ang mugto ng kanyang mata… Masasabi kong partners in crime si Jane at Joyce kaya naman matindi talaga ang kalungkutan na nararamdaman ni Jane

“Hello Sam! Im talking to you… ayos ka lang ba kako?” tanong ulit sakin ni Ella

“Ah-Eh--- OO! Ayos lang ako, medyo kulang lang ako sa tulog” sabi ko at ipinatong ang ulo ko sa balikat ni Jane

Death Game: Don't Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon