Battle # 23

16.3K 599 104
                                    

POV Samantha

Nanlamig kami bigla ni Daryl sa kinatatayuan namin... parang hindi pa masyadong nagsisink in samin ang mga mangyayari.... napaatras ako patalikod habang nanginginig ang buong katawan ko... dahil na rin sa kaba ko ay hindi ko napansin na natunggo ko na pala ang vase na nakapatong sa lamesa....

ang tunog ng pagkabasag ng vase ay naging hudyat saming dalawa ni Daryl upang tumakbo kailangan naming hanapin ang iba naming mga kasamahan bago pa kami makita ni Rena at patayin isa isa

***

[[[ Third Person's POV ]]]

Naghiwalay sa paghahanap si Daryl at Samantha... si Daryl ang sumundo sa mga kasamahan na nasa garden at si Samantha naman ang naghanap ng mga kasamahan nya na nasa mga rooms

"April!! April!!" Malakas na sigaw nya pagkabukas ng kwarto ni April

"Why bitch?" bored na sagot ni April sa kanya, Walang kaalam alam si April na nagsisimula na naman ang isang laro kung saan nakataya ang kanilang mga buhay

"TARA NA!! SUMAMA KA NA LANG PLEASE, BUHAY NATIN ANG NAKATAYA DITO" malakas na sigaw ni Samantha

"K. Fine" bored na sagot ni April.. nagawa pa nitong magpulbos at ayusin ang sarili bago sumama kay Samantha

"ANGEL!! ANGEL!!" malakas na sigaw ni Samantha habang kinakalampag ang pinto... kinakabahan na rin sya dahil sa oras na iyon ay sigurado syang malapit na sa kanila si Rena

"Yeah!! Kembot to the left! Kembot to the right!" sinasabayan naman ni Angel ang malakas na tugtog sa kanyang kwarto, dahil sa lakas ng tugtog nito ay hindi nya napapansin na kinakalampag na ang pinto nya

"Oh my god! Im so pawis and tired sa dancing and singing ko dito sa room ko... I should take a bath na para marefresh ang beauty ko" Maarteng sabi ni Angel sa kanyang sarili at pinunasan ang kanyang sarili gamit ang bimpo... hindi rin nya in-off ang malakas nyang tugtog para patuloy syang makapagsayaw sa kwarto nya

"Hayaan mo na nga yung conyong baluga na yan dyan!" Maarteng sabi ni April sabay tingin sa labas ng bintana...... nashock sya sa kanyang nakita dahil tumambad sa kanya ang mukha ni Rena nakademonyong ngiti na nakatingin sa kanya... may hawak itong malaking itak

"Sa--- Sam!! Tara na Sam!!" nagpapanic nyang sigaw habang hinihila ang braso nito

"Hindi! Nandito pa si Angel, hindi pa natin sya pwedeng iwan!!" sabi ni Sam kay April at patuloy ito sa pagkalampag ng pintuan ni April

"LUKA LUKA!! ANDYAN NA SI RENA!! PAAKYAT NA SYA DITO, KAYA NAMAN SAM TARA NA!! MAHAL KO PA ANG BUHAY KO!!" sigaw ni April kay Samantha... nagpapanic na talaga kasi sya

"Pero pano si----"

"Sam please! Mas iintindihin mo pa ba yung kapakanan ng iba keysa sa sarili mong kapakanan? Kung mamamatay sya, Katangahan nya na yun. Wala ka ng kasalanan dun" Sabi ni April at hinila nya paalis si Sam padaan sa emergency exit

***

[[[ POV Daryl ]]]

"Daryl ba't ba tayo umalis ng hotel?" tanong sakin ni Anne, Tumakbo kasi kaming tatlo nila Frelle papunta sa magubat na bahagi ng isla

"Takbo lang ng takbo Anne! Buhay mo at buhay ko ang nakataya dito!" Sabi ko sa kanya at patuloy kami sa pagtakbo

Nagkasabit sabit kami sa mga sanga ng puno at napupunit na ang damit namin.... nagagalusan na rin kami sa katawan

Dahil nga mahina at lampa si Frelle sa mga physical activities... natisod ito at nadapa

"Frelle tayo dyan!! Tayo na!" Sabi ni Anne at dali dali nyang itinayo si Frelle

Death Game: Don't Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon