POV Samantha
Ako ngayon ang naatasan na magbantay kay Jane, natatakot nga ako na baka biglang makatulog si Jane eh.
“Sam kaya ko na, wag mo na kong bantayan. Promise hindi ako makakatulog” Nakangiting sabi sakin ni Jane
“Ayoko ngang iwan ka, may sakit ka eh… malaki ang possibility na bigla ka nalang makatulog dyan”
“Sam, kaya ko promise” Itinaas pa ni Jane ang kanyang kanang kamay na para bang nangangako sakin
“Jane”
“Promise!” Nakangiti nyang sabi sakin at sa huli? Ako din ang sumuko, masyado din kasi tong makulit eh
“Oh sya sya! Ipagtitimpla lang kita ng kape, saglit lang ako” Sabi ko at at naglakad na ko patungo sa kusina para ipagtimpla sya
Pagdating ko sa kusina ay agad akong kumuwa ng baso pero laking gulat ko ng bigla itong dumulas sa aking kamay at nalaglag
Bigla naman akong nakaramdam ng takot sa pagkalaglag na iyon... pupulutin ko na sana ang basong nabasag ng bigla akong nahiwa ng bubog
Para akong tanga na nakatingin lang sa aking daliri na umaagos ang napakaraming dugo
“OMG Sam!! Are you engot ba? Why you only watch the dugo flowing in your hand? Your blood is not a teleserye ! why you panuod it!?” Sabi sakin ng conyong si Angel. Doon lang ako parang nabalik sa aking ulirat
“Ahh Angel kaya ko na! Malayo naman to sa bituka eh, yakang yaka ko to” nakangiti kong sabi sa kanya para hindi naman sya mag alala sakin
“Okay I will leave you na. Pero make sure na you will gamut your sugat because ang daming blood na umaagos… like Oh my god!” maarte nyang sabi sakin at umalis na ng kitchen
Sanay na ko sa moodswing ni Angel… Minsan Maldita, minsan seryoso Madalas conyo
Hinugasan ko ang aking kamay upang mawala ang dugong umaagos dito. Kumuwa rin ako ng band aid sa first aid kit para naman ilagay sa sugat ko
Naalala ko bigla yung baso kong nabasag. Bigla naman akong nakaramdam ng takot na para bang merong hindi magandang mangyayari ngayong gabi… Itinuloy ko na lang ang pagtitimpla ng kape matapos kong malinisan ang aking sugat
***
“Je—JANE!!!” Malakas kong sigaw matapos kong Makita na nakatulog si Jane.. nabitawan ko na rin ang tinimpla kong kape dahil sa sobrang shock
Mali pala yung sinabi kong nakatulog… Dahil patay na si Jane. Nagkalat ang maraming bote ng lason sa sahig, bumubula rin ang bibig ni Jane
“JANE!!” Sigaw ko papunta sa kanya. Laking gulat ko ng may mabasa akong note sa table
‘Sorry guys…. I give up! I Can’t take it anymore! I can’t live in this nightmare anymore”
yan ang nakalagay sa note
Isa isang nagsitakbuhan ang mga natitirang buhay kong kasamahan papunta dito sa lobby
“Anong nangyari?” Umiiyak na sabi ni Ella
Nagulat kami ng bigla na lamang nabuhay ang TV at lumabas angnakakatakot na si Rena..... suot parin nya ang kanyang malademonyong ngiti na kapag nakta mo ay parang biglaan na lang magtataasan ang mga balahibo mo sa katawan
“This night we will play a game… AGAIN” sabi nya
“Sandali lang!! Kakamatay palang ni Jane! Hayaan mo muna kaming magluksa sa kanya” Sigaw ni Anne… Pero hindi naman sya pinansin ni Rena at itinuloy na lamang nito ang kanyang sinasabi
BINABASA MO ANG
Death Game: Don't Fall Asleep
TerrorThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...