Liya's POVNakatayo lang ako sa may veranda ng guest room nila Tita at nakatingin sa langit.
Pinilit nila na dito muna ako matulog, tutal ay gabi naman na at marami namang damit si Sam dito ay pumayag na rin ako.
"Sorry about kanina, makulit talaga si Mama." Tumaas ang dibdib ko ng marinig ko ang boses ni Sceven mula sa likod ko. Pumihit ako para makita sya.
Nakasandal ito sa sliding door at tila ba inip na inip.
"Ihmmm. HAHAHHA okay lang naman."sabi ko rito at saka tumayo sa kinauupuan ko.
"Are you okay?" Tumango ako bilang sagot. Ngumiti naman sya ng tipid at nabigla ako ng hapitin at yakapin nya ako.
"S-Sceven..." tawag ko rito. Niyakap nya lang ako ng mas mahigpit hinayaan ko lang sya sa ganong pwesto ng mayamaya ay sumisinghot na sya. Kumalas ako sa pagkakayakap nya at tinignan sya.
"Umiiyak ka?" Tanong ko.
"Go to your bed, Liya." Sabi nya sabay talikod. Inunahan ko sya sa paglalakad at hinarap.
"HALA SCEVEN! BAT KA UMIIYAK?" tanong ko, tinakluban ko naman ang bigbig ko dahil napalakas ang sigaw ko.
"Go to your bed, Li---" di ko na sya pinatapos at niyakap ko.
"Now tell me why are you crying?" Tanong ko rito. May kung anong pumapasok sa isip ko kung bakit sya umiiyak pero gusto kong kumpirmahin nya.
Tahimik lang sya. Inakay nya ako papasok at pinaupo sa kama, lumuhof naman sya sa harap ko at saka hinawakan ang pareho kong kamay.
"When Mom died, I thought My life is gone na rin. Then after a year, Mama and Dad get married. Gusto ko nung magwala kase pakiramdam di ako minahal ni Dad at di nya rin minahal si Mom, then there naging tahimik ako at sumplado. Habang gusto ko ay puro katahimikan, nakita kita sa may Sovereignty Garden, nakaluhod ka nun sa puno at umuukit. Para ka pang tanga non dahil ang gulogulo na ng buhok mo. Pero nung humarap ka sa akin, biglang bumalis yung tibok ng puso ko dahil ang ganda mo nun. Tumalikod na ako matapos mo akong makita."
"Scev..." ngumiti sya at para bang may inaalala sa kanyang isipan.
"Lagi akong pumupunta doon at lagi naman kitang nadadatnan. Hilig ko ang pagkuha ng litrato kaya lagi kitang kinukuhanan. Di mo naman ako napapansin kahit pinapalibutan pa ako ng mga babaeng nagkakagusto sa akin. Then the play came at doon ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala ka." Unti unting lumuha sya kaya naalarma ako.
"Ilang taon akong humanga sayo Liya, sana pala mas pinaaga ko yung Play. You really looks like my mom. Kasing ugali at kaamoy mo sya maniwala ka. Lalo na pagngumingiti ka, kamukha mo sya. Kaya nahulog yung loob ko sayo. Liya ikaw nalang ang magandang nangyari sa akin ng wala akong naramdamang sakit, kaya please wag mo akong sasaktan..." umiyak na sya ng umiyak sa balikat ko, hinayaan ko naman syang gawin iyon at yumakap rin. Mayamaya pa ay tumahimik na ang mga hikbi nya.
Doon kumabog ang puso ko.
Ayokong masaktan si Sceven at wala akong dahilan para saktan ang lalaking nasa harap ko ngayon.
"Gusto mong makapunta sa isang Gamezone diba Liya?" Dahan dahan siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin ramdam ko na ang hininga nya kaya kinakabahan ako.
"Pa-pano mo nalaman?" Naguguluhang tanong ko, kahit si Sam ay walang alam sa sikreto kong iyon. I treat it as a secret dahil ayaw ni Daddy na pupunta kame sa nga public places specially like Game zone.
"Your wish list, last year." Nakangising sagot nya.
"Oo pero imposible." sabi ko rito, pero ngumisi lamang sya lalo. "Nako, Sceven, pumunta kana nga sa kwarto mo. 12:42 am na oh." Sabi ko pero tumawa lamang sya.
"Alam mo minsan iniisip ko na may saltik ka, napakamoody mo. Matulog kana at matutulog na ako." Asik ko at tinalikuran na sya. Pero hinawakan nya naman ang kamay ko at pinaharap ako.
"Sceven..." kunot noong tawag ko rito.
"HAHAHAHHAAH, TARA GAME ZONE TAYO" ha?
"Ha?"
"Gamezone tayo, tara."
"Wait lang Sceven! Sira na ba ang ulo mo? Alas dose ng umaga gamezone? Ayos ka lang." Natatawang sabi ko rito pero tumawa lang sya.
"Boyfriend mo ang isang Sceven, lahat ng imposible pedeng maging imposible kaya tara na."
Napapailing nalang aking sumunod sa kanya. And Im lucky to have a Sceven like you.