CHRISTIA's POV
Kinabukasan.
"Hmmm, What's that smell?" Napabalikwas ako ng bangon ng may maamoy akong masarap. "Mmmm" sabi ko habang sinusundan ang bango ng...
"Omelet?" Mahinang sambit ko at agad na tumungo sa kusina.
"Kristel, kumain kana dito at ako'y nagluto ng paborito mo" tuwang-tuwang sabi ni manang fe.
:
:
:
"Hey! I bought something for you" maligayang sabi nya."Ano yan?" Tanong ko sa kanya.
"Omelet, its special because mommy cook this for you" sabi nya pa.
"Talaga? Oy ang sweet naman ng mommy mo, paki sabi thank you ah" sabi ko at tumango naman sya.
"Take this ah-ah-ah" subo nya sakin ng omelet.
"Masarap ba?" tanong nya at umiling ako dahilan para mag pout sya.
"Ay sayang! Ipapa---" hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng hinawakan ko ang lagayan ng omelet na ipapakain nya sana sa aso.
"Ano ka ba, sabi ko hindi.... Hindi ko mapigilan ang kiligin, sa sobrang sweet mo" sabi ko pa na tinusok tusok pa sya sa tagiliran.
"Tapos ka na ba?" Tanong nya.
"Tapos ang ano?" Takang tanong ko.
"Ang kiligin Hahaha yieeee" sabi nya na tinusok tusok din ako sa tagiliran
"Wag ka nga" kinikilig na sabi ko.
:
:
:
"Kristel! Kristel, Hija? Okay ka lang?" Nagising ang diwa ko ng himasin ni manang fe ang likod ko."Okay lang ako at saka manang Christia na pangalan ko matagal ng patay si Kristel" sabi ko sa kanya.
"Kabahan ka nga jan, Kristel. Anong patay patay ka jan, kumain ka na nga't wag ng magsalita" sabi pa nya.
Binilisan ko na lang ang pagkain ko at tumungo na sa school. Pagdating ko sa parking lot Naririnig kong pinagbubulungan ako ng mga babaeng nadadaanan ko.
"Yah yah yah right, akala mo kung sinong maGANDA, Eh retokada lang pala HAHAHA" pagdidiin nya sa naka capitalized.
*Clap*
*Clap*
*Clap*
Pumalakpak ako ng mahina patungo sa kinaroroonan nila.
"Well_Well_Well, akalain mong alam mo ang sekreto ko? At kung makapagreact ang lola eh, PROSTI lang din naman pala" pagdidiin ko na kinagulat nya.
"How dare you!" Gigil na sabi nya at aastang sasampalin ako.
"Woooops! Don't you dare slap me with that dirty and a prosti's hand! Mag-iingat ka, Alam mo ba kung ano ang nangyari dun sa babaeng huling nakasampal sakin?" Nanghahamong tanong ko sa kanya "Ayon! BAGSAK! so BACKOFF" sabi ko at saka sila padabog na umalis "Tss! Puro satsat" sambit ko at lalakad na sana nang...
'NATHAN?'
BINABASA MO ANG
The Revenge of Ms. Panget
Fiksi RemajaMaling-mali ang saktan ang isang panget na katulad ko so you better hid your house for my revenge.