Nathan's POV
'Ba't ang bait nya sakin?' Tanong ko sa isip ko.
Habang naglalakad ako patungong room di ko maiwasang mapag-isip.
*Blaaag*
"Ay! Sorry miss"
pagpapaumanhin ko ng mabangga ko sya saka pinulot ang mga librong tumilapon. Sa pang huling librong kinuha ko.
'This book is familiar'
"Is this yours?" Tanong ko dun sa nabangga ko. She's a nerd. Tumango lang sya.
"Where did you get this?" Mahinahong tanong ko. Pero hindi sya sumagot.
"Okey, I'm nathan" Pagpapakilala ko at saka inabot ang kamay ko. Hindi parin sya nagsalita at nanatiling nakayuko.
"Ahmm, Gusto ko lang sanang hiramin tong book na to" Pakita ko sa libro, tumango lang sya at saka umalis.
"Tsh! Weird" Bulong ko lalakad na sana ako nang makasalubong ko sila Jx at Ace dali dali kong tinago ang libro sa likod ko.
"Oy Dre! San ka ba nagpupunta huh?" JX
"Kanina pa kami hanap ng hanap sayo nandito ka lang pala" pagrereklamo nitong si Ace.
"Ah, may kinausap lang tara, break tayo" yaya ko sa kanila.
"Wala na! Tapos na ang break" Ace
"Ah, ganun ba? tara pasok na tayo" Yaya ko sa kanila at nagpauna sa paglalakad.
"Nong nakain nun?" dinig ko pang tanong ni Jx.
Habang naglalakad ako patungong room may nakita akong pinagkakaguluhan ng mga lalaki at sa mga babae naman nagbubulungan.
"Why so pogi Ash?"
"Oo nga eh, I want to marry you na"
"Yan ba ang pogi? Eh mas pogi pa ako nyan babe eh" sabi ng lalaki sa kasama nyang babae.
"Ano ka ba babe, alam kong pogi ka, Iba lang talaga pag si ash na" sagot naman ng babae.
"Tsk" pabulong na singhal ko at saka pumasok na ng tuluyan sa room at kitang kita ko na may isang babaeng pinagkakaguluhan ang mga lalaki, but i don't mind it. Pagkaupo ko agad kong isinilid ang libro sa bag ko.
"Heyash" malanding sabi nito na hinawakan pa ako sa balikat.
Tumayo ako "Pwede ba nichole? Tigil tigilan mo nga ako hindi mo parin ba tanggap yung kanina huh?" Pasinghal na tanong ko sa kanya.
"Pre! Wag mo nga tong singhalan ang prinsesa namin" Singit ni Jason.
"Wag kang makialam dahil wala kang alam!" panduduro ko sa kanya.
"Kaya nga eh, Wag mong sigawan dahil wala akong alam, baka mag-init ang ulo ko at masuntok kita jan" Pagmamayabang nya
"Do you think I'm scared of you?" Galit na tanong ko sa kanya.
"Aba'y tarantado ka ah"
*Blaaaaag*
Sinuntok nya ako
*Blaaaaag*
Sinuntok ko rin sya.
At nagsuntokan kami
"Stop! Jason stop" awat ni nichole
Hindi parin ako nagpatinag.
"Anong nangyay----Hoy! Hoy!" Dinig kong awat ni JX at Ace.
Naawat nga nila kami.
"Hindi pa tayo tapos" duro nya sakin
"Kaya ngang, wag kang magsalita ng tapos" duro ko rin sa kanya at kinuha ang bag ko at saka umalis. Sumunod naman sila JX at Ace sakin
"Pakyu ka jason" Dinig kong sigaw ni Ace.
Susugod pa sana si jason kay Ace ng hawakan sya ng mga kaibigan nya.
"Hoy dre! Ano ba kasing nangyari huh?" Tanong ni Jx pero hindi parin ako huminto sa paglalakad.
"Hoy dre ano ngang----"
"Anong nangyari sa mukha mo?" Christ
BINABASA MO ANG
The Revenge of Ms. Panget
Teen FictionMaling-mali ang saktan ang isang panget na katulad ko so you better hid your house for my revenge.
