Chapter 22

1.4K 17 0
                                        

Chapter 22

Christia's POV

Nagising ako sa isang madilim na lugar, tatayo na sana ako pero naudlot nang makita ko ang kamay at paa ko nakagapos sa isang upuan.

"Boss, total papatayin lang din naman natin sya, ipaubaya mo muna sya samin" dinig kong sabi ng isang lalaki at parang binatukan sya.

"Tanga! Gusto mo bang malintikan tayo ni big boss?" sagot nong tinawag nyang boss. Wala parin akong makita dahil ang dilim talaga.
Minabuti kong hindi mag-ingay. Pinilit kong kunin ang knife bracelet ko na nasa kamay ko lang din. Hindi ko pa man nakuha may narinig na akong kadadating lang na sasakyan. Kaya binilisan ko pa ang pagputol sa tali.

"Nice one" bulong ko pa nong makaputol ako ng tali. Mas binilisan ko pa ang pagputol.

"Nandito na sila boss" dinig kong sabi ng isa.

"Mamamiya! Mayaman na tayo whoaa" manghang sabi nong isa pang kasama nya.

"Wag kayong kampante, Baka may dalang pulis yan. Tignan nyo" Utos nong boss.

"Pano ba to boss? Magiging mayaman na tayo" masayang sambit nong loyal alagad ng boss.

"Wag kang maingay! Kundi wala kang hati" pananakot nong boss. Rinig ko pa ang yapak nyang naglalakad.

"Boss naman" parang batang sabi nong lalaki.

"Una na ko sa baba, bantayan mo yan ha!" Ma-awtoridad na sabi nong boss.

"Psst!" sitsit ko.

"S-sino y-yan" halatang takot na sabi nong lalaki at saka binuksan ang ilaw. Nasilawan ako.

"Ikaw ba yong sumitsit?" tanong nya at umiling naman ako. Palinga linga sya kung sino yung sumitsit.

"Hey Handsome" malanding sabi ko.

"Ako ba yun?" tanong nya at saka lumapit sakin tumango lang ako.

"Gusto mo ba ng pera?" may halo paring landi na sabi ko at tumango lang sya.
"Marami akong pera, Gusto mo bigyan kita?" tumango ulit sya.
"Pakawalan mo muna ako" tumango ulit sya at saka ako pinakawalan.

Pagkawala ko, linagay ko ang dalawang kamay ko sa balikat nya.Nakita ko pa syang lumunok at saka pumikit at umastang hahalik.

'Tss!'

*BLAG*
Sinuntok ko sya.

'Hahaha knockout agad?'
Pinatay ko muna ang ilaw saka ako patagong umalis.

Nathan's POV

Nandito kami ngayon sa Heskati nagtatago sa mga dahon kasama ang mga pulis. Mula dito kita namin at rinig na rinig namin ang pinag-uusapan ng daddy ni Kristel kasama sya. Hindi ko maiwasang mapag-isip kung bakit mas nagpapanic ang daddy ni kristel sa kung ano ang mangyayari kay christ. Hindi nya naman anak si Christ.

Mula sa pagkakadapa namin dito kitang kita namin kung pano binigay ng daddy ni kristel ang pera sa kidnapper at saka nya yun binigay sa kasama nya at pinabilang.

"Sakto po boss" dinig ko pang sabi nong lalaki.

"And now, where's my-shsusb" hindi ko na narinig ang sinasabi ng daddy ni kristel nong makita kung bumukas ang ilaw sa 2nd Floor at parang may anino ng isang babaeng nakagapos hindi ko na masyadong naaninag nong patayin nya ang ilaw.

"Christ!" malakas na sigaw ko at saka bumangon sa pagkakahiga ko at saka tumakbo pa second floor.

"Boss! May kasama sya" dinig kong sigaw ng lalaki at saka pinaputukan ako pero nakahilag ako. At saka dun nagsimula ang putukan.

The Revenge of Ms. PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon