Nathan's POV
Napatitig ako ng matagalan kay christ
'Grabe! Ang ganda talaga nya'
"Eheeem!" Isang pamilyar na boses ang pumike ng ubo.
"Di nyo naman sinabing may something na pala kayo ni christ dre" pang-aasar ni Ace."At di pa talaga naisipang buksan ang ilaw" si JX at saka binuksan ang ilaw.
"Anong ginagawa nyo dito?" takang tanong nong babaeng kasama nila.
"A-ah, inutusan kami ni dean" si christ.
"Bakit daw?" tanong ulit nong babae pero hindi sya sinagot ni christ.
"Anong oras na ba dre?" tanong ko.
"Try mo kayang tignan yang relo mo dre, baka sagotin nyan ang tanong mo" si Ace at tumawa naman silang lahat.
'Swerte ka Ace at nandito si christ kundi? Bogbog ka talaga sakin kang loko ka'
Tinignan ko nalang yung wristwatch ko at gulat akong napatingin kay christ.
"Mahigit 8 hours tayo dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tumingin din sya sa relo nya.
"Oo nga noh?" Sagot nya.
"Mukhang fineel nyo talaga ang moment ah" pang-aasar ni Jx.
"Edi...." bitin kong sabi.
"Edi, hindi mo na kailangang sagotin si sir Dylo kung sino ang nanay ni Jose rizal Hahaha" dugtong ni Ace sa sinasabi ko.
"Talaga? Hindi mo kilala ang nanay ni Jose Rizal?" Tanong nong babae.
"Tsk!" Inis na singhal ko.
"Tara na?" yaya ni christ dun sa babae.
Lalakad na sana sya nong hawakan ko ang braso nya."Hmm, bakit?" Mahinahong tanong nya.
"Pano ba yan, Saturday na bukas" Sabi ko
"Ano ngayon?" Iritang sabi nya. Medyo nagulat ako sa inasta nya but i don't mind it.
"Saturday na bukas, at hindi na naman kita makikita" pa cute na sabi ko.
"Yun oh!" Pang-aasar nila Ace.
"May monday pa naman eh" sabi ni Christ na ikinanlumo ko.
"K, so?.... Can I get your number?" tanong ko at agad nya ring kinuha ang phone na hawak ko.
"Done" sabi nya.
"Thanks" sabi ko.
"Una na kami ah" paalam nya pa sakin.
"Ace, Jx una na kami. Nice meeting you two again" paalam din nong babae.
"Bye, Kristel" paalam nila Ace ,at lumakad na sila palayo.
"Wait! Kristel? Is that her name?" Tanong ko.
"Yes, why? Is there any--- Oh? Wag mong sabihing sya na naman si kristel E?" Si ace.
Alam na nila kong ano ang mga nalaman ko lately.
*Flashback*
"Alam nyo dre? Binangungot ako kagabi" sabi ko.
"Buti nga" si ace. Binatokan ko sya "Aray!" Reklamo nya.
"Seryoso kasi ako" sabi ko at tumingin naman silang dalawa sakin.
"Ganito kasi yun, sa panaginip ko ang daming kristel sa paligid ko""Talaga?" "Oo, then lately may nakita akong girl na nerd at may dala syang libro at ang nakasulat pa dun 'How to make a revenge'" sabi ko.
"Astig!" namamanghang sabi nila.
"Astig ba yun? Eh, kinilabutan nga ako eh. Tapos may letter pa dun at may pa 'Hindi na ako ang dating kristel mo' diba? So creepy" nanginginig pa na sabi ko.
"Tss! Karma mo na yan dre!" Si Jx at tinapik pa ako
*END of FB*
"Oo nga dre! Lahat nalang ng babaeng nagngangalang kristel ay pinaghihinalaan mo" si Jx.
"Pano kung sya nga? kasi nabasa ko din yun dun eh, Makeover ata yun pinapa---"
"AH! Bahala ka sa buhay mo dre! kung sya nga edi sya, ano namang problema mo dun eh, sa pagkakaalam ko ay sinaktan mo lang naman sya" sabi ni Ace.
"Shut up Ace! You didn't know the whole story" galit na sabi ko at saka umalis.
BINABASA MO ANG
The Revenge of Ms. Panget
Teen FictionMaling-mali ang saktan ang isang panget na katulad ko so you better hid your house for my revenge.