Chapter 21

1.2K 9 0
                                    

Chapter 21

Nathan's POV

Sabado ngayon.

Gumala kami ni christ sa park at sa mall. Nanuod rin kami ng sine naglaro ng video games at iba pa. I can't still imagine now, that she's mine. Ginabi na kami kaya hinatid ko na si christ sa hotel.

"Bye" paalam nya at nag wave lang din ako.

Sasakay na sana ako nong mapansin ko yung kristel na kaibigan ni christ pumasok sa hotel. Nagtaka ako nong may kasama syang mga Bodyguards. Kung ganon, ay mayaman sya.

Tatalikod na din sana ako nong makita ko ang board 'krisTELEGRAPH Hotel'
Parang....Parang....Parang narinig ko na yan eh.
:
:
:
:
:
"Anong trabaho ng daddy mo?" tanong ko.

"He's a telegrapher, they transmit messages from a distance along a wire. Especially they are creating signals by making and breaking electrical connections." Paliwanag pa nya.
"But now he's the CEO of our company krisTELEGRAPH Hotel, hango sa pangalan ko kristel" dagdag pa nya at tumango tango lang ako.

"Mayaman pala kayo?"

"Mga magulang ko lang, And the fact, I don't need money, I just need a peaceful life. Hindi ko kailanman hinangad na maging milyonaryo o katakutan at sambahin ng mga tao."

"You're so virtuous" sabi ko at ngumiti lang sya.
:
:
:
:
:
"Tama! si kristel" napasigaw ata ako kaya tinakpan ko ang bibig ko.

'Oo tama sa kanila nga to'

Kung ganun ay tama ang hinala ko na si kristel na kaibigan ni christ ay si Kristel Echavez. Pwedeng nagbalik sya for her revenge.

Khaye's POV

"Okay nga lang sya ba't ba ang kukulit nyo?" Inis na sigaw ko sa mga bodyguards.

"Maam, di po pwede eh. Pinadala po kami dito ni sir Cris para po bantayan si maam kristel. Kami po malalagot pag di po namin sya sinunod" paliwanag nong isang BG's.

"Nasan po ba sya?" tanong nong isang BG.

"Ah-eh wala sya dito eh"

"Nasan po sya?"

'Haaaayst! Grabe! Ang yaman pala nitong si christ may pa BG's BG's pa'

"O sya, samahan nyo ko" sabi ko at saka kami sumakay sa van na dala nila. Pagkarating namin sa Hotel nakita ko si Nathan na nakatingala sa board ng hotel kaya nagmamadali akong pumasok sa loob ng Hotel.

"Christia's room"

"Ay sorry po maam, Ayaw po kasi ng disturbo ni Maam Christ----ohh mang regor, nandito pala kayo?"

"Pinababantayan ni Sir chris ang anak nya. Delikado raw eh, kasi may mga gustong kunin ang anak nya."

"Ahh ganun ba? Sa room 143"

"Sige salamat"

Agad naming tinungo ang nasabing room at pagkarating namin run bukas ang pinto at walang tao.

Christia's POV

*KNOCK KNOCK*

"Sino yan?"

*KNOCK KNOCK*

"Sino nga sabi nyan eh?"

*KNOCK KNOCK KNOCK*

"Peste! sabi ng ayaw ko ng disturbo" Agad akong tumayo sa agkakahiga ko sabay bukas ng pinto.
"Hindi ba kayo----" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may itakip ang lalaking nakamaskara sa mukha ko na panyo.
"Tu-tu-lo-long" pilit na sigaw ko at saka sya pinagpapadyak padyakan. Wala na akong ibang narinig kundi ang pintig ng aking puso. At ang aking pagkahilo.

The Revenge of Ms. PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon