NATHAN's POV
Pagkaalis ko nakita ko yung bag ni christ kaya agad akong bumalik sa Hotel.
"Maam! Maam!" rinig kong sigaw ng isang babae. Kaya agad akong tumakbo papasok.
"Christ?" Nasabi ko nang makita ko sya na nakahiga sa sahig.
"Christ! Christ! Anong nangyari a kanya?" Tanong ko dun sa babae.
"Nawalan po sya ng malay sir" napa 'tsk!' nalang ako at inalog alog sya.
"Anong room nya?" tanong ko dun sa babae.
"134 po sir, Here's the key sir" abot nya sakin ng susi at agad ko namang binuhat si christ at dinala sa room na yun.
"Ah!" nasabi ko pagkalapag ko kay christ sa couch. Kumuha agad ako ng tubig at bimpo at ipinahid sa ulonan nya. Marahan ko pa syang tinitigan.
'Grabe! Ang ganda talaga nya'
Mga 10:30 pm na pero hindi pa rin sya nagigising kaya nagpasya akong bantayan muna sya. Hanggang sa napaidlip ako't nakatulog.
Christia's POV
*Blaaaaag*
Nagising ako ng may mabasag na pinggan.
'Teka, Nasan ako'
Hindi ito ang kwarto ko.
Agad akong bumangon at pumunta sa kitchen. Nagulat ako nang may nakita akong lalaking nakatalikod na topless na nakasuot ng apron.
"Sino ka?" Pasigaw na tanong ko at kinuha ang sandok at inastang shield humarap naman yung lalaki.
'Nathan?'
"Gising ka na pala" Masayang sabi nya at ipinagpatuloy ang pagluluto nya.
"Anong ginagawa ko dito?"
"Hinimatay ka kahapon sobrang init mo kaya inalagaan kita."
"Here, luto na" abot nya dun sa niluluto nya.
"What's this?"
"Omelet"
'Really? Sa pagkakaalam ko hindi sya marunong magluto'
"You cooked this?" tanong ko na nakahawak na ng tinidor.
"Actually yes, I've tried my best to cook that for you. Yan lang kasi ang alam kong lutoin" nakangiting sabi nya. Tinikman ko narin yun at...
"Is it okay?" Excited na tanong nya at tumango lang ako ng pilit.
'Grabe! Ang alat'
"Gusto mo pa?"
"Hindi okay na" Papatayin mo naman yata ako nito.
"Sabay nalang tayong pumasok sa school"
"Wala akong uniform" sabi ko pa at may kinuha naman sya sa may couch.
"Tadaaan! Pina laundry ko na yan, coz i know na wala ka ng ibang uniform" napatango nalang ako.
***
Nandito na kami ngayon sa campus nag oorganize ng mga booths.
"Hindi, itagilid mo pa, Ayaaan" turo ko sa mga freshmen.
Abala ang buong campus ngayon sa pagpapaganda ng kani-kanilang mga classroom. Intramurals na kasi bukas.
Nathan's POV
"Sige, Abante pa ng kaunti... yaaap....nice" pagtuturo ko sa mga freshmeng tumutulong samin.
'Haaay! Kapagod'
"Oh?" abot ni christ ng panyo sakin at inabot ko naman yun. At saka pinagpatuloy ang kanya kanya naming ginagawa.
After 7 hours natapos na rin ang mga ginagawa namin.
"Oh?" abot ko kay christ ng tubig nong makita kong hinihingal sya.
"Whoaa! Salamat.... sa wakas natapos rin" sigaw nya.
BINABASA MO ANG
The Revenge of Ms. Panget
Подростковая литератураMaling-mali ang saktan ang isang panget na katulad ko so you better hid your house for my revenge.
