Terrence's POV
Buti nlng at tinanggap pa ko ng 4 tails, grupo ni Clyde at higit sa lahat ni mommy sa kabila ng pagtatryador ko kay Alex na half sister ko.
*Flashback*
Matapos naming maka encounter sila Fraxtal ay dumiretso kami sa isang secret lab.
Nang makapasok kami ay bigla akong niyakap ni Phoenix which is my mom."Im sorry" tanging sambit ko
*boogshhh*
Isang napakalakas na suntok mula sa kamao ni Clyde ang dumampi sa mukha ko kaya sumalampak ako sa sahig
"Aba! G*go ka palang hinayupak ka eh! Nang dahil sayo wala na sa piling namin si Alex!" Sigaw ni Clyde sakin
"Clyde ano ba! Huminahon ka! Antayin mo siyang magpaliwanag!" Awat sakanya ni Phoenix
"Para saan pa?! Wala na si Alex!" Sigaw ni Seth
"Hindi ko alam patawad" paghingi ko ulit ng paumanhin
"Anong hindi mo alam?! Ha?!" Denzel
"Hindi ko alam na kapatid ko siya at may masamang balak sakanya si Fraxtal" paliwanag ko
"Dba kaibigan mo si Alex?! Bakit ka sumunod kay Fraxtal ng hindi mo alam ang kahihinatnan!" Yoona
"Si Fraxtal ang nakapulot saakin noon, siya ang nag alaga at nag palaki saakin kaya malaki ang utang na loob ko sakanya kaya ko ginawa yun. Ang sabi niya saakin gusto lang daw niyang makilala si Alex ng mabuti para alam niya kung makakabuti ba na maging kaibigan ko siya, kaya inutusan niya akong imbitahan si Alex"
"Yung nangyari sa school? Nung may vimpster na umatake kay Alex habang mahimbing siyang natutulog sa puno? May kinalaman ka ba dun? Sabi niya saakin ikaw ang kasama niya nun." Sabi ni Clyde na ikinataka ko.
"Oo kasama niya ko pero umalis din ako matapos kong ibigay yung pinapabigay ni Fraxtal kay Alex na inumin, yung pag atake? Wala akong alam dun" mahinahon kong pag papaliwanag
"Ayun! Kayo pala nag painom sakanya ng pampatulog!" Giit ni Clyde.
"Patawad talaga wala akong alam sa mga plano ni Fraxtal at nagsisi ako dahil kapatid ko pala ang ipinahamak ko, kaya tutulong ako para makuha natin siya" sabi ko
*end of flashback*
Kasalukuyang nakikinig kami sa kwento ni mommy
"Ako si Lorielle Fratel, ang pamilya ko ay mga mafia at na massacre ng kabilang mafia family na kakumpetensya namin.Ako lang ang nakaligtas at napulot ako ng lalaking scientist. Siya ang nagpalaki saakin, tinuruan niya makipaglaban at gamitin ang talino.Sa lugar namin siya ang namumuno.Nakilala ko ang papa ni Terrence at nagkaron kami ng relasyon hanggang sa nagbunga ang pagmamahalan namin.Isang gabi may lalaking humarang saakin, sobrang puti nito at matangkad.Nakakatakot ang presensya niya.Inamin niya saakin na matagal niya na akong minamanmanan dahil gusto niya ko.Simula nun ay gabi gabi kaming nagkikita at binibigyan niya ako ng mga mamahaling bagay.Hindi niya alam na may anak ako at may boyfriend.Napakasweet niya kahit nakakatakot ang dating kaya di din nagtagal ay napa-ibig ako sakanya.Nakipaghiwalay ako sa ama ni Terrence ngunit ayaw niya kong pakawalan at ikinulong lang sa bahay.Hanggang isang araw ay nakitang kong patay na ang ama ni Terrence at pinakawalan ako ni Xander.Hindi ko na naisama si Terrence dahil mabilis akong hinila ni Xander.Nagsama kami at nagbunga ang pagmamahalan namin, ngunit hindi ko alam na si Xander ay isang bampira, inamin niya lang saakin ng mabuntis niya ko.Sinabi niya rin na sa lugar na ginagalawan ko ay puno ng bampira at lobo.Ginawa niya akong bampira ng hindi ko kinaya ang pagbubuntis kay Alex.Ngunit dumating ang araw na hindi siya nagparamdam at nalaman ko nalang na ikinasal siya sa iba.Mula noon ay naging kontrolado kamin lahat. "
BINABASA MO ANG
Dangerous Girl
ActionShe's a girl wearing an innocent face but behind that face lives a girl A girl who have terrible nightmares A girl who is chased by her dark past A girl who lived alone in her miserable life A girl who is always being stained by blood A girl you sho...