1 : The Who?
- - -
[ Monday, 3:05 pm ; Inside Mavros University near Black Dorm ]
Napahinto sa pag-uusap ang grupo ng mga kalalakihan nang makita nila ang isa pang grupo na papalapit sa kanila. Tumayo ang mga ito at taas noong sinalubong ang mga bagong dating.
"Talagang hindi ka parin sumusuko. Ilang buto pa ba ang gusto mong mabali sayo bago ka magtanda, Grid?" Tanong ng isang lalaki mula sa bagong dating na grupo.
Tumawa naman ng lakas ang isang lalaki sa kabilang grupo. "Hmm, Ikaw nga ang akala ko na nawalan na ng lakas ng loob sumipot sa usapan natin. Late ka na dumating, Frost." sabi ng lalaking tinatawag nilang Grid.
Bigla namang napangisi ang lalaking nagngangalang Frost. "Sa dami ba namang gustong kalabanin ako buti nga nagkaroon pa ako ng oras na puntahan ka. Be honor." ani nito.
Nag-init naman bigla ang dugo ni Grid sa sinabi nito. "Masyado ka yatang bilib sa sarili mo, Frost. Baka nakakalimutan mo, I am Grid and I belong to the one of the strongest in Black. Bago palang ang grupo niyo kaya wag kang magmataas."
"Oh, is that so? Bago palang ang grupo namin, but they're already considering us one of the stronggest. How is that?" Pang-aasar pa nito na lalong ikinainit ng ulo ni Grid pati narin ng mga kasamahan nito.
"Then let's see what you've got," nakangising saad ni Grid. "Simulan na natin 'to."
Walang pagdadalawang isip, nag-simula nang sumugod sa isa't isa ang dalawang grupo. Suntok doon, suntok dito. Sipa dito, sipa doon. Kung sinong grupo ang unang bumagsak o unang sumuko ay siya ang talo. Ito ang tinatawag nilang OF o Outside Fight ng mga black student ng Mavros University. Labag ito sa patakaran ng paaralan ngunit sadyang matitigas ang kanilang mga ulo at ginagawa parin ang ganitong klase ng laban.
"Are you just gonna stand there, Grid? Ain't gonna help 'em? Mukang nahihirapan na sila o." Sabi ni Frost at inginuso ang dalawang grupo na nag-lalaban. Naikuyom naman ni Grid ang kanyang kamay.
Tama siya, dehado na ang grupo niya. Ang grupo niya ay binubuo ng sampung myembro at limang myembro lang ang meron si Frost at kasama na siya doon ngunit magagaling ang mga ito. Parehong hindi kasama sa laban ang leader nila at mataman lang na pinapanood ang laban.
Lalo namang naikuyom ni Grid ang kanyang kamay nang makita niya na bumagsak na ang tatlong kasamahan niya. Hindi mapagkakaila na malakas nga ang grupo nila Frost at hindi pa siya kamasa sa laban na iyon. Alam niyang malalakas ang mga ito ngunit hindi nito matanggap na natalo ang grupo nila sa di hamak na baguhan lamang.
Dalawang taon ang itinagal bago makilala ang grupo nila Grid at maturingang kasama sa "strongest" ngunit tila ba nag-laho ang mga ito nang matalo sila nang bagong grupo na ito. Ang pakiramdam niya ay masyadong natatapakan ng mga ito ang kanyang pride. Hindi lang siya pati ang mga dinaanan at pinaghirapan nilang grupo ng dalawang taon ay tila ba nag-laho nalang na parang bula at hindi niya ito matanggap.
"Kasalanan mo ang lahat, Frost." ani ni Grid. Napakunot naman ang noo ni Frost sa sinabi nito. "Kung hindi dahil sayo at sa grupo niyo ay hindi sana kami naghihirap muli ngayon. Kung HINDI sana kayo dumating at nabuo EDI SANA NASA PWESTO PA KAMI NGAYON!" galit na sigaw nito.
Napapikit naman si Frost sa biglang pag-sigaw nito. Buntong hininga siya at tsaka muling dumilat para tinignan ng seryoso ang kaharap. Bahagya naming napaatras si Grid dahil sa tingin na iyon.
BINABASA MO ANG
SNOW WHITE
Action(The Reapers Series #1) A troublemaker who wants to get the attention of her brothers. After making another trouble from her previous school, she was sent to a new school which she didn't expect what awaits her inside. A mysterious school that she c...