Apple 6 : Not Good

23.3K 992 189
                                    



6 : Not Good



FROST


Tahimik ang buong klase at wala man lang nag babalak na gumawa ng ingay ng mga kaklase ko. Wala rin ang mga nag liliparan na papel na dapat ay meron kada papasok ka ng classroom. Wala ring mga nakatungo at natutulog ngayon sa klase. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila at muka silang dinaanan ng anghel at agad nag bagong buhay.

Ganon rin ang pag tataka at paninibago ng mga gurong pumapasok sa klase namin. Mukang hindi sila makapaniwala na maayos at tahimik kami. Tsk, bakit kasi pumapasok pa sila e wala rin namang nakikinig sa kanila.

Tumingin ako sa katabi ko na tahimik lang na nakatingin sa labas at halatang walang paki sa mga nangyayari sa paligid niya.

I sighed. That was supposed to be MY sit pero may pagka matigas rin ang ulo ng isang 'to and refuse to transfer to another sit so I ended up sitting next to her at pinalipat si France na dapat ay nakaupo dito sa inuupuan ko. Katabi kasi ito ng bintana kaya makikita mo ang labas pero dahil sa babaing 'to ay hindi ko na makikita pa ito at ang isang malaking punong katabi nalang nito ang nakikita ko.

"Quit staring" biglang sabi niya at nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa 'kin, "baka matunaw ako at ma miss mo ko" aniya pa.

Napanga-nga naman ako at ibinalik niya na ang tingin sa labas. KAPAL! Taas din ng confidence level ne 'to eh no? Por que maganda siya? Well, she's really beautiful and stunning but... HINDI KO SIYA GUSTO! At paano niya nalamang nakatingin ako sa kanya e wala naman sa 'kin ang tingin niya?

Mag sasalita sana ako nang biglang nag salita si Mr. Sanchez. Siya lang siguro ang guro na pinakikisamahan namin. Siya lang din kasi ang nag-iisang may lakas loob at hindi takot sa section namin.

"How about you Ms. White, you're the new student right?" tanong ni Sir kay Snow na nakatingin parin sa labas. Lahat naman ng ulo ay napatingin sa kanya. Grabe naman epekto ng babaeng 'to.

"Obiously." Walang gana nitong sagot habang nakatingin parin sa labas. Wow.

Bahagyang natawa si Sir, "right then would you mind to answer my question?"

Narinig ko pa muna ang pag buntong hininga ni Snow bago sumandal sa upuan niya at pinag ekis ang mga braso, "go ahead."

Ngumiti si Sir, "mukang alam ko na kung bakit ka dito napunta sa section na 'to and you really have a beautiful eyes, Ms. White."

Tumaas naman ang kilay ni Snow, "That's not a question." Malamig na saad niya. Kinilabutan naman ako don.

"Ah right sorry," napapahiyang ani si Sir. "Stand up and my question is can you state the parts of an eye and its function?" nakangising tanong niya.

Ngayon niya palang ituturo yan tas itatanong niya na agad kay Snow? Imposibleng masagot niya yan. Tumingin kaming lahat kay Snow nang tumayo siya at tumingin ng diretso kay Sir.

"Parts of an eye," Snow sighed, "First is the the Sclera, it is the white of the eye, then the Cornea is the clear bulging surface in front of the eye. It is the main refractive surface of the eye. Next is the Anterior and Posterior Chambers, the anterior chamber is between the cornea and the iris and the posterior chamber is between the iris and the lens. Next, Iris or pupil, the hole through which light passes then Lens, the transparent body enclosed in an elastic capsule. Vitreous Humor, fills the space between lens and Retina, the center of the eyeball is towards the bottom of this figure and the back of the eyeball is towards the top. In fact, the retina is an extension of the central nervous that forms during embryonic development. This is one reason why scientists are interested in retinal processing; the retina is an accessible part of the brain that can be easily stimulated with light. Next is the the Fovea, it is the location on the retina of central gaze. Then the last, covering the fovea is a pigment called the Macula. It serves as a protective filter over the foviea that absorbs blue and ultraviolet radiation." Mahaba at dirediretsong aniya na inkinanga-nga naming lahat. "That's it, SIR." Sabi niya pa ng may diin at tsaka umupo at muling tumingin sa labas.

SNOW WHITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon