Apple 28 : COG - Ambush?

13K 509 150
                                    


Apple 28 : COG – Ambush?



NAG DIDILIM na ang kalangitan at ilang oras na ang nag daan. Mukang swerte nga naman sila dahil wala na silang nakasalubong matapos ang huli. Hindi narin nagtanong pa si Snow matapos ang usapan nila ni Frost. Tahimik lang nilang tiatahak ang daan na malakas pinakikiramdaman ang paligid.

Samantalang hindi naman maiwasan ni Snow mapuno ng katanungan ang isip;

How big is this forest? It's kinda odd that we barely see an enemy. It's impossible unless the forest is indeed wide and freaking big for what? like thousand students?

France and Draco 'used' to be friends. Did something happened between these two idiots?

What was the presence that I felt earlier? It felt like... hmm, nevermind.

My heart is beating fast and I fcking hate it. Hindi naman ako kinikilig.

I'm getting anxious and I freaking need to stop this.

Is something bad gonna happen? Fck it.

My hunch never fails tho.

Mariin nalang na napapikit si Snow at malalim na napabuntong hininga. Kailangan niyang kumalma at mag-isip ng maayos. She's overthinking and it's not good for her.

"Hey." Agad naman nag-angat ng tingin si Snow at tinignan si Frost. "You okay?" tanong nito.

Walang pag-aalinlangan na tumango naman ang dalaga. "I'm perfectly fine." Aniya. Natahimik naman si Frost at napatitig sa kanya. Napailing nalang siya at hinawakan ang kamay ng kasintahan. "Don't mind me. I'm really okay." Aniya.

"You seem not." He speculated. "Something's bothering you. Kanina pa malamin ang iniisip mo. Ilang beses karin napahinga ng malalim. You look lost."

Napapisil naman ng kamay si Snow sa sinabi ng binata. "You noticed that?" she asked.

Tumango naman si Frost. "Kanina pa ko nakatitig sayo pero mukang pati iyon hindi mo napansin." Anito.

Napahinto naman sa paglakad si Snow at biglang bumilis ang takbo ng puso niya. Napahinto rin si Frost at pati narin ang iba pa sa biglang paghinto nila.

"Hey, why did you stop? May problema ba?"nag-aalalang tanong ni Frost.

Napalunok si Snow at huminga ng malalim bago pumikit at pinakiramdaman ang paligid. Matapos ang ilang segundo... "Shit." Aniya at agad na humugot ng pako sa bota at hinagis iyon sa taas ng hindi kalayuan ng puno. "We're being followed." Aniya. "Aish, I'm so stupid for putting my guard down."

Agad naman silang nakarinig ng daing sa hindi kalayuan at tunog ng bagay na bumagsak mula sa mataas na lugar. Naging alerto naman lalo ang lahat kasunod ng sunod-sunod na nakaramdam ng presensya si Snow. Too many. They walk into another trap. Again.

Biglang nagsilabasan kung saan-saan ang mga taong hindi pamilyar sa kanila. Nakasuot ng itim ang mga ito at alam ni Snow na mas higit ang bilang nito kumpara sa kanila. Ramdam niya ang presensya ng mga ito at hindi niya maiwasang mapamura sa isip nang hindi niya matukoy kung ilan at kung saan nakapwesto ang mga ito.

"It's an ambush." Imporma ni Yuta sa grupo na mas ikinainit ng ulo ni Snow pero nanatili lang itong mukang kalmado at walang emosyon.

I entered enemy's trap, I'm so stupid. Isip ni Snow. Kaya pala kanina pa hindi maganda ang pakiramdam niya simula pa kanina. Dapat mas naging maingat pa sila. Dapat mas naging maingat pa siya.

SNOW WHITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon